Léon Charles Thévenin
Si Léon Charles Thévenin (30 Marso 1857, Meaux, Seine-et-Marne – 21 Septyembre 1926, Paris) ay isang inhinyero ng telegrapo na Pranses na nagpalawig sa batas ni Ohm sa pagsusuri ng mga kumplikadong de-koryenteng circuits.
Talambuhay
[baguhin | baguhin ang wikitext]Ipinanganak sa Meaux, Pransiya, pumasok si Thevenin sa École polytechnique sa Paris noong 1876. Pagkatapos niyang makatapos ng pag-aaral, noong 1878, umanib siya sa Pangkat ng mga Inhinyerong Telegrapo (na sa dakong huli ay naging French PTT). Doon siya unang nag-trabaho sa pagpaunlad ng mga mahahabang linya ng telegrapo sa ilalim ng lupa.
Hinirang bilang isang inspektor sa pagtuturo sa École supérieure de télégraphie noong 1882, mas naging interesado siya sa mga problema ng pagsukat sa electrical circuits. Bilang isang resulta ng kanyang pag-aaral sa batas na pang-circuit ni Kirchoff at ang batas ni Ohm, nabuo niya ang kanyang tanyag na teorama, ang teorama ni Thevenin, kung saan naging posible ang pagkalkula ng mga kuryente sa mas komplekadong electrical circuits at nagbigay sa mga tao ng kakayahan na baguhin ang mga komplekadong circuits at gawing simpleng circuits na tinatawag na equivalent circuits ni Thevenin.
At matapos maging pinuno ng Bureau des Lignes, nagkaroon siya ng oras na magturo ng mga asignatura sa labas ng École Supérieure, kabilang ang isang kurso sa mekanika sa Institut National Agronomique, Paris. Noong 1896, siya ay hinirang bilang Direktor ng Telegraph Engineering School, at noong 1901 naman, bilang Punong Inhinyero ng mga gawaan ng telegrapo.