Pumunta sa nilalaman

LGR Sportswear

Mula sa Wikipedia, ang malayang ensiklopedya
LGR Sportswear
IndustriyaPaghahabi
Itinatag1988
NagtatagSonia Cruz
Punong-tanggapanSan Andres, ,
Pangunahing tauhan
Rhayan Cruz
(Tagapagpaganap na Bise Presidente)
ProduktoDamit na Pangpalakasan
Dami ng empleyado
200+[1] (2015)
Websitelgrsportswear.com

Ang LGR Sportswear isang a Pilipinong taggagawa ng mga damit na pangpalakasan na nakabase sa San Andres, Maynila.

Ang LGR Sportswear ay naitatag noong 1988 ni Sonia Cruz nang ginawa niyang pagawahan ng mga damit na pangpalakasan ang kaniyang panahian. Ang negosyo ni Cruz ay unang naninilbihan sa mga koponang naglalaro sa mga liga sa barangay. Ang unang mga kliente ng kanyang kompanya ay ang Colegio de San Agustin at Paaralan ng Xavier na pinagtahian niya ng mga uniporme.[1] Ang pangalan ng LGR ang nagmula sa unang letra ng pangalan ng tatlong mga anak ni Sonia; sina Lucky, Rhayan and Gary [2][3]

Mga Kilalang mga kliente

[baguhin | baguhin ang wikitext]
Mga unipormeng ginagamit ng Pambansang koponan ng futbol ng Pilipinas na idinisenyo ng LGR
(2015–kasalukuyan)

Ginagawan ng uniporme ng LGR ang ilan sa mga koponan sa Philippine Basketball Association (PBA), walongpung porsyento ng mga koponan sa United Football League, at lahat ng mga koponan sa Philippine Super Liga sa Mayo 2015.[1] The company has also provided uniforms for teams participating at the NCAA and UAAP.[2]

Ang LGR rin ang opisyal na tagagaw ng uniporme ng pambansang koponan ng futbol ng Pilipinas simula noong 2015. Ang uniporme ay ginamit ng pambansang koponan sa kwalipikayon para sa World Cup ng Futbol ng 2018. Una ng ginawan ng LGR ng uniporme ang koponan ng futbol noong 2012 na unang ginamit sa isang friendly laban sa Malaisiya at ginamit rin sa kanilang paglaro sa Tilap ng Kopang Panghamon ng AFC 2012.[4][5]

Pagkakasosyo sa Titan

[baguhin | baguhin ang wikitext]

Nakipagsosyo ang LGR sa Titan, isa pang lokal na taggagawa ng unipormeng pangbasetbol para itatag ang Titan x LGR Design Studio noong 2010 na layong maging pagawahan ng mga unipormeng customized o ayon sa kagustuhan ng isang mamimili. Ang istudyo ay nabuo dahil sa pakikipagusap na sinimulan noong 2012. Ang LGR x Titan ay naging opisyal na taggagawa ng mga uniporm ng tatlong koponan mula sa PBA; Ang Alaska Aces, Barako Bull, at ang San Mig Coffee Mixers.[2][6][7]

Mga sanggunian

[baguhin | baguhin ang wikitext]
  1. 1.0 1.1 1.2 Cabatbat, Erel (Taga-ulat) Ariola, Melquezedek (Taga-upload) Operio, Pepher (Taga Manuscript) (22 Mayo 2015). Taga-tahi ng 'Jersey' sa mga Liga sa Barangay Noon, Bigtime na Ngayon (Video). Pilipinas: News5Everywhere. Hinango noong 23 Hunyo 2015. ""Ilan lang sa mga gawa ng kanilang 200 tauhan...", "1988 nang itayo ito ng ina ni (Rhayan) Cruz na si Sonia."
  2. 2.0 2.1 2.2 Guerrero, Bob (20 Nobyembre 2012). "Inside one of the country's top sportswear suppliers". The Passionate Fan. Yahoo! Philippines. Inarkibo mula sa orihinal noong 2012-11-29. Nakuha noong 23 Hunyo 2015.{{cite news}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  3. "About LGR". LGR. LGR Sportswear. Inarkibo mula sa orihinal noong 23 Hunyo 2015. Nakuha noong 23 Hunyo 2015.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  4. De Guzman, Icko (4 Hunyo 2015). "LGR and the Azkals — A Local Partnership for the International Stage". Football.com.ph. Inarkibo mula sa orihinal noong 23 Hunyo 2015. Nakuha noong 23 Hunyo 2015.{{cite news}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  5. Leongson, Randolph (4 Hunyo 2015). "Azkals unveil locally-made kit for World Cup qualifiers". Inquirer,net. Nakuha noong 23 Hunyo 2015.{{cite news}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  6. Almario, Alex (31 Agosto 2013). "Titan x LGR: A match made in hoops heaven". The Philippine Star. Nakuha noong 23 Hunyo 2015.{{cite news}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  7. "Titan X LGR DESIGN STUDIO". Titan. Inarkibo mula sa orihinal noong 2015-06-23. Nakuha noong 23 Hunyo 2015.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)