Pumunta sa nilalaman

Lagnaw

Mula sa Wikipedia, ang malayang ensiklopedya
Ang naiipong lagnaw habang natutuyo ang bagong gawang keso.

Ang lagnaw ay ang bahaging likido, serum, o plasma ng gatas na hindi nakukulta sa paggawa ng keso.[1][2] Nagmumula ang pangalawang produktong ito mula sa paggawa ng keso (ang keso ang pangunahing produkto) o isang komponenteng humihiwalay mula sa gatas pagkaraan ng pagpapalapot at pamumuo, na nagaganap kapag dinagdagan ng reneto (kilala rin bilang renino, ang ensaym na pampabuo o pampakulta ng gatas sa paggawa ng keso) o iba pang nakakaing maasim na sustansiya.[2] Sa lagnaw nanggaling ang protinang kilala bilang protina ng lagnaw (whey protein sa Ingles) na karaniwang ipinagbibili bilang isang pangdagdag sa kinakain o suplementong pangnutrisyon, at natatanging bantog sa larangan ng paghuhubog ng katawan.

Mga sanggunian

[baguhin | baguhin ang wikitext]
  1. Blake, Matthew (2008). Tagalog English Dictionary-English Tagalog Dictionary. Bansa.org http://www.bansa.org/dictionaries/tgl/. {{cite ensiklopedya}}: Missing or empty |title= (tulong)CS1 maint: date auto-translated (link), nasa whey Naka-arkibo 2016-03-06 sa Wayback Machine., Bansa.org
  2. 2.0 2.1 Gaboy, Luciano L. Whey; rennet; rennin - Gabby's Dictionary: Praktikal na Talahuluganang Ingles-Filipino ni Gabby/Gabby's Practical English-Filipino Dictionary, GabbyDictionary.com.

Pagkain Ang lathalaing ito na tungkol sa Pagkain ay isang usbong. Makatutulong ka sa Wikipedia sa pagpapalawig nito.