Lagusan ng Malinta
Ang Tunel[1] ng Malinta o Balisungsungan[2] ng Malinta ay isang may-mga-hugnayan o masalimuot na mga tubong-daanan sa ilalim ng lupa na ginawa ng Hanay ng mga Inhinyero ng Hukbong-Katihan ng Estados Unidos sa pulo ng Corregidor sa Pilipinas. Una itong ginamit bilang isang di-tinatablan ng bombang imbakan at tulugan ng mga tauhan, ngunit naging may-1,000 kamang ospital sa kalaunan.[3] May 831 piyeng haba ang pangunahing lagusan, tumatakbo mula silangan hanggang kanluran; may 24 piyeng lawak, at 18 piyeng taas.[4] Nagsasanga mula sa pangunahing daanang ito ang iba pang 13 lateral na mga daanan sa gawing hilaga at 11 pang daanan sa gawing timog. May karaniwang sukat na 160 piyeng haba ang bawat daanan, at 15 piyeng lawak.[3]
Pangalan
[baguhin | baguhin ang wikitext]Hinango ang Tunel ng Malinta mula sa Burol ng Malinta, isang nakaangat na anyo ng lupa na may 390-piyeng taas kung saan binutas ang lagusan. Isang Pilipinong salita ang malinta na nangangahulugang "maraming linta".
Mga sanggunian
[baguhin | baguhin ang wikitext]- ↑ English, Leo James (1977). "Tunel, tunnel". Tagalog-English Dictionary (sa wikang Ingles). Congregation of the Most Holy Redeemer. ISBN 9710810731.
{{cite ensiklopedya}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ "Tunnel", balisungsongan, tubong daanan sa ilalim ng lupa Naka-arkibo 2016-03-06 sa Wayback Machine., Tagalog English Dictionary, Bansa.org
- ↑ 3.0 3.1 "Corregidor:Malinta Tunnel". Nakuha noong 2007-08-14.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ Whitman, Paul. "Corregidor Then and Now:A Battlefield Revisited". Nakuha noong 2007-08-14.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link)