Lakbay-Diwa
Itsura
Ang Lakbay-Diwa ay mga sunud-sunod na aklat ni Bella Angeles Abangan na tumatalakay at nagbibigay ng kasiglahan sa tamang pamumuhay, partikular na ang kaugnay sa pagiging Kristiyano. Karaniwang mga paksa ang mga gabay sa pamumuhay ng mga kabataan, pananalig, pag-asa, at pag-ibig. Mayroon itong mga bersyong Tagalog at Ingles. Lumabas ang mga ito noong 1986 magpahanggang 1989. Lumabas ang mga sipi nito sa mga piling pahayagan sa Pilipinas katulad ng Tempo.
Iba pang mga babasahin
[baguhin | baguhin ang wikitext]May iba pang mga aklat ang may-akda ng Lakbay-Diwa. Kabilang dito ang mga sumusunod:
- Meme Na, Bunso: Manwal Tungkol sa Pag-aalaga ng Bata (kasamang sumulat si Liwayway S. Ocampo), 1979
- Ang Pahayagang Pampaaralan sa Pilipino sa Sangay ng mga Paaralang Lungsod ng Maynila, isang pag-aaral ng mga suliranin ng mga tagapayo ng mga pahayagang pampaaralan sa Pilipino sa sangay ng mga paaralang lungsod ng Maynila, 1977.
Mga sanggunian
[baguhin | baguhin ang wikitext]- Lakbay-Diwa at iba pang aklat ni Bella Angeles Abangan, WorldCat.org
- Lakbay-Diwa ni Bella Angeles Abangan, WorldCat.org
- Wandering Thoughts/Lakbay-Diwa ni Bella Angeles Abangan, Amazon.co.uk
- Lakbay-Diwa ni Bella Angeles Abangan, ELib.gov.ph
Mga kawing panlabas
[baguhin | baguhin ang wikitext]- Tala ng mga aklat na isinulat ni Bella Angeles Abangan, sa Worldcat.org
Ang lathalaing ito ay isang usbong. Makatutulong ka sa Wikipedia sa pagpapalawig nito.