Pumunta sa nilalaman

Lala Roque

Mula sa Wikipedia, ang malayang ensiklopedya

Si Jesela Roque-Galongca, mas kilala bilang Lala Roque ay isang mamahayag sa telebisyon at radyo sa Pilipinas. Nag-uulat siya ng balita sa GMA Network at DZBB-AM. Kilala siya sa kanyang palatuntunan sa radyo na One on One With Igan Kasama Si Lala Roque sa DZBB kung saan kasama niya si Arnold Clavio.[1] Ang isa pa niyang programa sa radyo, Super Balita sa Tanghali Nationwide, kasama si Orly Trinidad ay nanalo bilang Pinakamahusay na Programang Pambalita sa ika-42 Catholic Mass Media Awards.[2][3] Sa telebisyon, taga-ulat siya sa 24 Oras at sa GMA Flash Report sa GMA Network. Isa rin siya sa mga taga-ulat sa Brigada sa GMA News TV.[4]

Nagtapos si Roque ng Batsilyer ng Sining sa Maramihang Komunikasyon sa Kolehiyong Miriam kung saan nagsibli siya bilang Pangulo ng Konseho ng Mag-aaral.[5] Kasal si Roque kay Ronnie Galongca at naitampok ang kanilang kuwento sa isang episdoyo ng Wagas na pinamagatang "The Lala Roque and Ronnie Galongca Love Story."[6] Si Julie Anne San Jose ang gumanap bilang si Lala habang si Jeric Gonzales naman ang gumanap bilang si Ronnie.[6]

Maliban sa pagiging mamahayag, isang tagapagturo ng zumba si Roque.[7]

Mga sanggunian

[baguhin | baguhin ang wikitext]
  1. Glorioso, Bot (2011-12-12). "Arnold & Lala Airwaves' perfect pair". Philstar.com (sa wikang Ingles). Nakuha noong 2021-04-20.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link) CS1 maint: url-status (link)
  2. TDT (2020-12-31). "GMA Network dazzles at 42nd CMMA". Daily Tribune (sa wikang Ingles). Inarkibo mula sa orihinal noong 2021-04-20. Nakuha noong 2021-04-20.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  3. "GMA Network wins multiple honors at 42nd CMMA". Manila Standard (sa wikang Ingles). 2020-12-23. Nakuha noong 2021-04-20.{{cite news}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  4. "Biyaheng South Korea ni Lala Roque, balikan sa 'Brigada' ngayong Sabado!". GMA News Online. 2020-10-23. Nakuha noong 2021-04-20.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link) CS1 maint: url-status (link)
  5. "GMANetwork.com - Radio - DZBB". www.gmanetwork.com (sa wikang Ingles). GMA New Media, Inc. Nakuha noong 2021-04-20.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link) CS1 maint: url-status (link)
  6. 6.0 6.1 "Love against all odds nina Lala Roque at Ronnie Galongca, tampok sa 'Wagas'". GMA News Online (sa wikang Ingles). 2015-04-23. Nakuha noong 2021-04-20.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link) CS1 maint: url-status (link)
  7. Bigtas, Jannielyn Ann (2020-01-19). "WATCH: GMA News reporters let loose on Eat Bulaga's 'Bawal Judgmental'". GMA News Online (sa wikang Ingles). Nakuha noong 2021-04-20.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link) CS1 maint: url-status (link)