DZBB-AM
Pamayanan ng lisensya | Lungsod Quezon |
---|---|
Lugar na pinagsisilbihan | Malawakang Maynila at mga karatig na lugar |
Frequency | 594 kHz |
Tatak | GMA Super Radyo DZBB 594 |
Palatuntunan | |
Wika | Filipino |
Format | News, Public Affairs, Talk |
Network | Super Radyo |
Pagmamay-ari | |
May-ari | GMA Network Inc. |
Kaysaysayn | |
Unang pag-ere | 1 Marso 1950 |
Dating frequency | 580 kHz (1950–1978) |
Kahulagan ng call sign | Bisig Bayan (dating pangalan) BoB Stewart (tagapagtatag) |
Impormasyong teknikal | |
Awtoridad na naglisensiya | NTC |
Class | A (clear frequency) |
Power | 50,000 watts |
Link | |
Webcast | Listen Live |
Website | gmanetwork.com/radio/dzbb |
Ang DZBB (pronounced DZ-double-B; 594 AM) Super Radyo ay isang himpilan ng radyo na pagmamay-ari at pinamamahalaan ng GMA Network Inc. Ito ang nagsisilbing punong himpilan ng Super Radyo ng GMA Integrated News. Ang estudyo nito ay matatagpuan sa GMA Network Studio Annex, EDSA cor. GMA Network Drive, Diliman, Lungsod Quezon, at ang transmiter nitor ay matatagpuan sa Camia St., Brgy. Panghulo, Obando, Bulacan.[1][2][3][4]
Kasaysayan
[baguhin | baguhin ang wikitext]1950–1989: Dobol B
[baguhin | baguhin ang wikitext]Itinatag ang DZBB noong 14 Hunyo 1950 ni Robert "Uncle Bob" Stewart, sa isang maliit na silid tanggapan sa Gusaling Calvo, Escolta, Maynila, gamit ang mga lumang kagamitan at isang lumang transmitter. Kahit na kulang sila sa bagong kagamitan, ang himpilan ay nakapuntos ng mga karangalan dahil sa kanilang pagsasahimpapawid sa mga balita, mga huling kaganapan, mga nangyayari sa Senado at sa Kapulungan ng mga Kinatawan, mga eksklusibo at blow-by-blow na pagtutok sa mga mahahalagang pangyayari sa bansa. Sila rin ang gumawa ng mga programang tumatak sa industriya tulad ng Camay Theater of the Air, Tawag ng Tanghalan, Newscoop, Kuwentong Kutsero at iba pa. Ang iba rito ay nasahimpapawid sa telebisyon.
Dahil sa pagiging matagumpay ng DZBB, napagpasyahan ni Bob Stewart na subukan ang telebisyon noong 23 Oktubre 1961 bilang RBS DZBB-TV Kanal 7 (na ngayo'y kilala na sa pangalang GMA-7 Maynila). Ang kanal 7 at ang DZBB ay naipagbili sa grupo nina Gilberto Duavit, Sr., Menandro Jimenez and Felipe Gozon noong 1974.
1989–1999 Bisig Bayan
[baguhin | baguhin ang wikitext]Noong Hulyo 17, 1989, muling inilunsad ang himpilang ito bilang Bisig Bayan na may balita at talakayan sa format nito. Naging isa ito sa mga pinakapinakikinggan na himpilan sa Malawakang Maynila. Kabilang sa mga personalidad ng Bisig Bayan ay sina Rafael "Paeng" Yabut, Bobby Guanzon, Lito Villarosa, Rene Jose, Rey Pacheco, Raul Virtudazo, Jimmy Gil, Arman Roque, Rose "Manang Rose" Clores, German Moreno, Inday Badiday, Helen Vela, Augusto Victa, Manolo Favis, Henry Jones Ragas at Pol Caguiat.
Kilala ito sa pang-umagang programa na Kape at Balita, na inilunsad at nagpalawig sa telebisyon noong 1990.
Noong Enero 1995, naging bahagi si Mike Enriquez ng himpilang ito bilang personalidad at katiwala.[5][6]
1999–kasalukuyan: Super Radyo
[baguhin | baguhin ang wikitext]Noong Enero 4, 1999, naging Super Radyo DZBB 594 ito.
Noong 2010, nagsanib puwersa ang DZBB at DZMM sa pagtulong kina James at Jesus sa paghanap sa kanilang mga magulang na sina Pascual at Norma Bantillan na taga-Bohol sa Aksyon Ngayon Global Patrol ng DZMM. Muli silang magkasama sa Aksyon Oro Mismo ng DZBB.
Noong Pebrero 28, 2011, kasabay ng paglunsad ng GMA News TV, inilunsad ang TeleRadyo block ng DZBB bilang Dobol B sa News TV.[7] Kabilang sa mga programang bahagi nito ay ang Saksi sa Dobol B at Super Balita sa Umaga Nationwide. Noong Setyembre 7, 2012, tinapos ang block na ito.
Noong Abril 24, 2017, bumalik ang Dobol B sa News TV.
Noong Pebrero 8, 2021, lumipat ang mga estudyo ng DZBB at Barangay LS sa GMA Network Annex Building. Sa susunod na araw, kasabay ng muling paglunsad ng GMA News TV bilang GTV, naging Dobol B TV ang TeleRadyo block nito.
Mga sanggunnian
[baguhin | baguhin ang wikitext]- ↑ GMA Network shines at 2019 Platinum Stallion Media Awards, Manila Standard
- ↑ Super Radyo dzBB sets Negosyo Fair at Robinsons Antipolo on Wednesday, September 18, 2019, GMA News Online
- ↑ GMA/dzBB clears Del Prado; panel finds ‘no basis’ of payoff, Inquirer News
- ↑ Super Radyo DZBB maintains lead in Mega Manila ratings
- ↑ "Veteran broadcaster Mike Enriquez, 71". The Philippine Star. Agosto 30, 2023. Nakuha noong Setyembre 3, 2023.
{{cite news}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ "Mike Enriquez passes away at 71". Manila Bulletin. Agosto 29, 2023. Nakuha noong Setyembre 3, 2023.
{{cite news}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ "GMA News TV to simulcast DZBB's morning programs". Media Newser Philippines. Abril 18, 2017. Nakuha noong Marso 27, 2019.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link)