DWYS
Pamayanan ng lisensya | Pasay |
---|---|
Lugar na pinagsisilbihan | Malawakang Maynila at mga karatig na lugar |
Frequency | 101.1 MHz |
Tatak | 101.1 Yes FM |
Palatuntunan | |
Wika | Filipino |
Format | Contemporary MOR, OPM |
Network | Yes FM |
Pagmamay-ari | |
May-ari | MBC Media Group (Pacific Broadcasting System) |
DZRH-TV, DZRH, 90.7 Love Radio, 96.3 Easy Rock | |
Kaysaysayn | |
Unang pag-ere | Mayo 31, 1968 |
Dating call sign |
|
Dating pangalan |
|
Kahulagan ng call sign | YeS |
Impormasyong teknikal | |
Awtoridad na naglisensiya | NTC |
Class | C, D, E |
Power | 25,000 watts |
ERP | 75,000 watts |
Link | |
Webcast | Listen Live |
Website | Yes FM |
Ang DWYS (101.1 FM), sumasahimpapawid bilang 101.1 Yes FM, ay isang himpilan ng radyo na pagmamay-ari at pinamamahala ng MBC Media Group sa pamamagitan ng Pacific Broadcasting System bilang tagahawak ng lisensya. Ito ay nagsisilbing punong himpilan ng Yes FM.[1] Ang estudyo nito ay matatagpuan sa Ikalawang palapag, MBC Building, Star City, Vicente Sotto St., CCP Complex, Pasay, at ang transmiter nito ay matatagpuan sa BSA Twin Towers, Bank Drive, Ortigas Center, Mandaluyong.[2]
Kasaysayan
[baguhin | baguhin ang wikitext]1968–1985: DZFX
[baguhin | baguhin ang wikitext]Itinatag ang himpilang ito noong Mayo 31, 1968 sa ilalim ng pag-aari ng Makati Broadcasting Network, na pagmamay-ari nina Tony, Bob Garcia at Adolfo Duarte. Sa ilalim ng call letters na DZFX, nagpatugtog ito ng musikang klasiko at muzak. Noong Oktubre 11, 1985, bago mag-tanghali, namaalam ito sa ere.
1985–1989: Kiss FM
[baguhin | baguhin ang wikitext]Noong Oktubre 11, 1985 ng tanghali, muling inilunsad ang himpilang ito bilang Kiss FM 101.1 na may Top 40 na format. Nagpalit din ito ng call letters sa DWKS. Nung panahong yan, sumahimpapawid ito sa ika-14 na palapag ng Insular Life Building sa Makati. Kabilang sa mga personalidad ng himpilang ito ay si Martin Nievera bilang "Mad Man", na may sariling programa tuwing Sabado ng hapon. Dito nagsimula ang programang countdown na Top 20 at 12.
1989–1995: Kiss Jazz
[baguhin | baguhin ang wikitext]Noong Hunyo 1989, naging Kiss Jazz 101.1 na may smooth jazz na format. Noong Disyembre 1995, namaalam ito sa ere.
1995–1998: Showbiz Tsismis
[baguhin | baguhin ang wikitext]Noong Disyembre 18, 1995, binili ng Manila Broadcasting Company ang himpilang ito mula sa Makati Broadcasting Network at muling inilunsad ang himpilang ito bilang 101.1 Showbiz Tsismis, ang kauna-unahang himpilan sa bansang ito na may showbiz na format. Nagpalit din ito ng call letters sa DWST. Lumipat ito ng tahanan sa FJE Building sa Legazpi Village, Makati. Naka-riley din ito sa mga pangunahing lungsod sa bansa.[3][4]
1998–kasalukuyan: Yes FM/Yes The Best
[baguhin | baguhin ang wikitext]Noong Disyembre 6, 1998, muling inilunsad ang himpilang ito bilang Yes FM 101.1 na may pang-masa na format. Nagpalit din ito ng call letters sa DWYS.[5]
Noong Hulyo 2002, lumipat ito sa Star City Complex sa Pasay.
In 2014, pinaragan ang Yes FM ng Gawad Tanglaw Hall of Fame bilang Best FM Station sa loob ng limang taon.
On July 18, 2016, naging Yes The Best ito na binansagang "The Millennials' Choice".[6]
On May 1, 2017, naglunsag ng Yes The Best ang sarili nitong mobile application na Yes! The Best App.[7]
Noong Oktubre 2, 2019, apektado ng sunog na galing sa Star City ang estudyo nito sa MBC Building. Dahil dito, pansamantala itong sumahimpapawid sa BSA Twin Towers sa Mandaluyong, kung saan nandoon ang transmiter nito.[8]
Noong Nobyembre 15, 2021, bumalik ito sa bagong ayos na MBC Building. Sa parehong araw, iniluunsad ng MBC ang bansag Sama-Sama Tayo, Pilipino!.[9]
Nong Pebrero 5, 2024, ibinalik ang pangalan nito sa Yes FM.
Mga sanggunian
[baguhin | baguhin ang wikitext]- ↑ 2011 Philippine Yearbook. Page 19.
- ↑ "Asia's Largest Radio Network Now at the Philippines' Tallest Twin Towers". Luke Roxas Site. Abril 18, 2012. Inarkibo mula sa orihinal noong Oktubre 30, 2013. Nakuha noong Oktubre 25, 2013.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ 1st Showbiz Gossip Station to Go On Air
- ↑ Kiss-and-bare Izza
- ↑ "Bad taste jokes at Yes FM". Inarkibo mula sa orihinal noong 2012-07-29. Nakuha noong 2024-12-13.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ New positioning by 101.1 Yes FM – The Best
- ↑ Manila Broadcasting Company, Yes The Best 101.1 DWSS FM Widen Social Media Reach
- ↑ Fire hits Star City compound
- ↑ "MBC jumsptarts re-branding campaign with new station logos". dzrh.com.ph. Nobyembre 15, 2021. Nakuha noong Nobyembre 15, 2021.
{{cite news}}
: CS1 maint: date auto-translated (link)