DZEC
Pamayanan ng lisensya | Lungsod Quezon |
---|---|
Lugar na pinagsisilbihan | Malawakang Maynila at mga karatig na lugar |
Frequency | 1062 kHz |
Tatak | DZEC Radyo Agila 1062 |
Palatuntunan | |
Wika | Filipino |
Format | News, Public Affairs, Talk, Religious (Iglesia ni Cristo) |
Pagmamay-ari | |
May-ari | Eagle Broadcasting Corporation |
Eagle FM 95.5 DZEC-TV (Net 25) | |
Kaysaysayn | |
Unang pag-ere | 26 Abril 1968 |
Dating frequency | 1050 kHz (1968–1978) |
Kahulagan ng call sign | Eagle Broadcasting Corporation |
Impormasyong teknikal | |
Awtoridad na naglisensiya | NTC |
Power | 40,000 watts |
Link | |
Website | radyoagila.com |
Ang DZEC (1062 AM) Radyo Agila ay isang himpilan ng radyo na pagmamay-ari at pinamamahalaan ng Eagle Broadcasting Corporation. Ang estudyo nito ay matatagpuan sa EBC Bldg., 25 Central Ave., Diliman, Lungsod Quezon, at ang transmiter nito ay matatagpuan sa Brgy. Paliwas, Obando, Bulacan.[1][2][3]
Kasaysayan
[baguhin | baguhin ang wikitext]Itinatag ang DZEC noong Abril 26, 1968. Nasa 1050 kHz ang talapihitan nito hanggang Nobyembre 1978, nung lumipat ito sa kasalukuyang 1062 kHz.
Noong Agosto 1987, kabilang ang himpilang ito sa pinasara ng NTC dahil sa pag-ere ng right-wing propaganda at komentaryo na tumutol sa administrasyong Aquino. Ngungit noong Enero 1, 1988, bumalik ito sa ere bilang "Radyo ng Pamilya".[4] Noong dekada 90, binansagan ang DZEC bilang "Radyo Agila".
Noong Abril 2001, tanging himpilan ang DZEC sa pag-ere ng mga pangyayari sa EDSA III. Noong panahong yan, ilan sa mga programa nito ay pinalabas sa Net 25. Dahil dito, ito ang kabilang sa pagbuo ng konseptong "TeleRadyo".[5]
Noong huling bahagi ng 2006, binitiw ng DZEC ang "Radyo Agila" at binalik ang dati nitong bansag na "Ang Radyo ng Pamilya". Noong 2008, binansagan muli ito bilang "Ang Himpilan ng Maligayang Tahanan".
Noong 2011, sa kasagsagan ng Bagyong Pedring, nawala sa era ang DZEC sa talapihitang ito, ngungit sumahimpapawid pa rin ito sa mga riley nito sa iba't ibang rehiyon. Noong Enero 2013, bumalik ito sa ere sa talapihitang ito sa ilalim ng pagsusuri. Noong Pebrero, 2013, lumipat ang DZEC, DWDM at Net 25 mula sa Maligaya Building 2 sa EDSA sa EBC Building sa New Era. Sa ika-45 na anibersaryo ng EBC noong Abril 26, 2013, opisyal nang inilunsad ang DZEC bilang "Radyo Agila".
Noong Enero 2, 2014, bumalik ang livestreaming nito.
Mga Parangal
[baguhin | baguhin ang wikitext]- 2009 / 2010 - KBP Golden Dove Awards People's Choice for AM Station
Mga sanggunian
[baguhin | baguhin ang wikitext]- ↑ "Pasugo: Vol. 21, Issue 5". Iglesia ni Cristo. 1968. p. 3. Nakuha noong Agosto 25, 2020 – sa pamamagitan ni/ng Google Books.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ Reyes, Soledad (2007). A Dark Tinge to the World: Selected Essays. University of the Philippines Press. p. 182. ISBN 9789715424752. Nakuha noong Agosto 25, 2020 – sa pamamagitan ni/ng Google Books.
{{cite book}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ "NET25'S AM RADIO DZEC 1062 DOMINATES THE WEEKDAYS AFTERNOON BLOCK". net25.com. Marso 11, 2023. Nakuha noong Marso 11, 2023.
{{cite news}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ Enrile Challenges Government On Coup Charge, Station Closed – AP News Archives. Retrieved on Mar. 15, 2015
- ↑ Hutchinson, Greg (2001). Hot Money, Warm Bodies: The Downfall of President Joseph Estrada. Anvil Publishing. pp. 249–251. ISBN 9789712711046. Nakuha noong Agosto 25, 2020 – sa pamamagitan ni/ng Google Books.
{{cite book}}
: CS1 maint: date auto-translated (link)