DWLL
Pamayanan ng lisensya | Mandaluyong |
---|---|
Lugar na pinagsisilbihan | Kalakhang Maynila at mga karatig na lugar |
Frequency | 94.7 MHz |
Tatak | Mellow 94.7 |
Palatuntunan | |
Wika | English |
Format | Soft adult contemporary |
Pagmamay-ari | |
May-ari | FBS Radio Network |
Operator | Prage Management Corporation |
DWBL | |
Kaysaysayn | |
Unang pag-ere | 23 Pebrero 1973 |
Kahulagan ng call sign | Luis at Leonida Vera (original owners) |
Impormasyong teknikal | |
Awtoridad na naglisensiya | NTC |
Class | A/B/C |
Power | 25,000 watts |
ERP | 72,620 watts |
Link | |
Webcast | Listen Live |
Website | mellow947.fm |
Ang DWLL (94.7 FM), sumasahimpapawid bilang Mellow 94.7, ay isang himpilan ng radyo na pagmamay-ari ng FBS Radio Network at pinamamahalaan ng Prage Management Corporation. Ang estudyo nito ay matatagpuan sa Unit 908, Paragon Plaza Building, EDSA, Mandaluyong.[1]
History
[baguhin | baguhin ang wikitext]1973–2006: Mellow Touch
[baguhin | baguhin ang wikitext]Itinatag ang himpilang ito noong 1973 bilang WLL 94.7 o Mellow Touch 94.7. Ito ang kauna-unahang himpilan sa bansa na umeere ng easy listening na format. Nakatutok ito sa layunin na "more music, less talk", kung saan awotmatiko ang pagtakbo nito. Naging kilala sa kasaysayan ng radyo sa bansang ito ang top-of-the-hour ID ng Mellow Touch na binansagang "The Mellow Sound", lalo na sa lirikong "You are the minstrel and I'm your guitar".[2][3][4]
Noong Nobyembre 1996, inilunsad nito ang sarili nitong mga personalidad. Kabilang dito ay sina Scott Free (Drew Domingo), Harry Maze (Harry Corro), Ted Bear (Renan Baluyut), at Riz Taylor (Ariz Peter Fuentez), pati si Ruth Cabal (formerly of GMA News and CNN Philippines and now for News5) bilang tagapagbalita.[5]
Nasa Philippine Communications Center building (PHILCOMCEN) sa Pasig ang una nitong tahanan hanggang 1998, nung lumipat ito sa Paragon Plaza Building sa Mandaluyong.
2006–kasalukuyan: Mellow 947
[baguhin | baguhin ang wikitext]Sa kalagitnaan ng 2006, naging Mellow 947 ito na binansagang "Sounds Good". Bilang pantarget sa mas batang tagapagkinig, nagpalit ito ng format sa Adult Top 40, na nagpapatugtog ng musika mula sa dekada 2000 hanggang sa kasalukuyang araw.[4]
Noong 2019, idinagdag sa playlist nito ang dekada 90. Nagdagdag din ito ng bansag na "All Hits".
Noong 2021, bumalik ito sa easy listening na format. Makalipas ng isang taon, muling binalik ang "The Mellow Sound".
Noong Agosto 1, 2024, itinigil ng pansamantala ang paggamit sa Mellow. Makalipas ng isang taon, ibinalik ito sa pamamahala ng Prage Management Corporation, may-ari ng Abante at Bilyonaryo News Channel, at may bagong bansag na "Best Friend Mo".
Noong Nobyembre 18, 2024, nagsimula itong iere ang Agenda ng Bilyonaryo News Channel.
Mga sanggunian
[baguhin | baguhin ang wikitext]- ↑ Tadalan, Charmaine (December 25, 2018). "Bill renewing FBS Radio franchise filed at House". BusinessWorld. Nakuha noong August 18, 2020.
- ↑ Glodove, Vinci (2019). "Batang 90s". PSICOM Publishing. Nakuha noong August 15, 2020 – sa pamamagitan ni/ng Google Books.
- ↑ "The Mellow Sound". Jingle Samplers. Nakuha noong February 2, 2021.
- ↑ 4.0 4.1 Team Orange (November 6, 2017). "Mellow 94.7 Is Taking Radio To A New Level". Orange Magazine. Nakuha noong September 7, 2018.
- ↑ "Sounds good". Manila Bulletin. November 3, 2017. Inarkibo mula sa orihinal noong October 4, 2018. Nakuha noong October 4, 2018.