Pumunta sa nilalaman

DZXQ

Mula sa Wikipedia, ang malayang ensiklopedya
(Idinirekta mula sa DWUN)
Radyo La Verdad (DZXQ)
Pamayanan
ng lisensya
Caloocan
Lugar na
pinagsisilbihan
Kalakhang Manila at mga karatig na lugar
TatakRadyo La Verdad 1350
Palatuntunan
WikaFilipino
FormatNews, Public Affairs, Talk, Religious
AffiliationUNTV
Pagmamay-ari
May-ariInformation Broadcast Unlimited
OperatorBreakthrough and Milestones Productions International
Through BMPI:
Wish 1075
Kaysaysayn
Unang pag-ere
July 1, 1973
Dating call sign
DZXQ (1973–2011)
Dating frequency
1260 kHz (1973–1978)
Impormasyong teknikal
Awtoridad na naglisensiya
NTC
Power10,000 watts
Link
WebsiteRadyo La Verdad official website

Ang DZXQ (1350 AM), sumasahimpapawid bilang Radyo La Verdad 1350, ay isang himpilan ng radyo na pagmamay-aari ng Information Broadcast Unlimited[1]at pinamamahalaan ng Breakthrough and Milestones Productions International. Ang estudyo nito ay matatagpuan sa La Verdad Christian College (LVCC), Caloocan, at ang transmiter nito ay matatagpuan sa Kagitingan St., Brgy. Muzon, Malabon.[2]

1973-2011: DZXQ

[baguhin | baguhin ang wikitext]

Itinatag ang DZXQ noong 1973 sa pagmamay-ari ng Mabuhay Broadcasting System. Noong panahon ng Batas Militar, umere ito ng Top 40 na format, kasabay ng WBL. Kabilang sa mga personalidaa ng himpilang ito ay sina Divine Pascual at Bobby Ante.

Noong 1986, nag-reformat ang DZXQ bilang himpilang pang-blocktime, at binansagan itong "Kaibigan ng Masa". Noong unang bahagi ng dekada 90, lumipat ito sa The Centerpoint Building sa Ortigas Center, Pasig. Mula noon, ito ang naging tahanan ng binansagang Powerhouse Broadcasters na binuo ng mga personalidad kagaya nina Nar Pineda, Roger Arienda, Rolly Canon, Narissa Gonzalez, Ducky Paredes, Jhino Parrucho, Ruben Ilagan, Popo Villanueva, Roland Lumagbas, Dr. Erick San Juan, Reggie Vizmanos at Roy Señeres. Umere din ito ng mga programa galing sa China tuwing 9:00 ng gabi.

Noong Marso 6, 2011, nawala ang DZXQ sa ere ilang araw pagkatapos nito bilhin ng hindi kilalang grupo, na may planong isara ang hipilang ito sa loob ng anim na buwan. Dahil dito, napilitang lumipat ang halos lahat ng mga Powerhouse Broadcasters sa DWSS,at ilan sa kanila sa DWBL.

2011-present: UNTV Radio

[baguhin | baguhin ang wikitext]

Konektado ang grupong ito sa Information Broadcast Unlimited and UNTV at ito ay ang Breakthrough and Milestones Productions International na pinamumunan ni Daniel Razon. Noong Nobyembre 2011, bumalik ang himpilang ito bilang riley ng UNTV. Umeere din ito ng ilan sa mga programa mula sa Ang Dating Daan. Lumipat din ito sa UNTV Building sa Lungsod Quezon.

Noong Enero 16, 2012, opisyal nang inilunsad ang himpilang ito bilang UNTV Radio La Verdad (Spanish ng "radyo ng katotohanan"). Naglunsad din ito ng kauna-unahang mobile radio booth, kung saan sumasahimpapawid ito sa kahit saang lugar sa pamamagitan ng estudyo sa loob ng van na ginagamit nila.[3]

Noong 2017, naging Radyo La Verdad ito na binansagang "Totoong Balita, Tunay na Kalinga Para sa Kapwa". Sa parehong taon, nag-upgrade ito ng pasilidad ng transmiter, na may kasamang bahay at konkretong daan, at pinalitan nila ang apat na dekada nilang 10-kW analog tube-type transmiter sa bagong 50-kW solid-state transmiter.[4]

Mga Sanggunian

[baguhin | baguhin ang wikitext]
  1. "2021 NTC AM Stations" (PDF). foi.gov.ph. Nakuha noong Hulyo 12, 2022.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  2. KBP Members (see Information Broadcast Unlimited profile) Naka-arkibo November 14, 2019, sa Wayback Machine. Accessed on July 12, 2022
  3. "UNTV-Radio launches Mobile Booth". The Philippine Star. Enero 30, 2012. Nakuha noong Hunyo 3, 2013.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  4. "UNTV Radio La Verdad Eyes Wider Coverage, Clearer Signal Reception with New 50,000-watt Transmitter on 5th Year in Broadcast". Daniel Razon. Pebrero 8, 2017. Nakuha noong Hulyo 17, 2020.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
[baguhin | baguhin ang wikitext]