Pumunta sa nilalaman

DWBM

Mula sa Wikipedia, ang malayang ensiklopedya
(Idinirekta mula sa DWBM-FM)
Brigada News FM Manila (DWBM)
Pamayanan
ng lisensya
Pasig
Lugar na
pinagsisilbihan
Kalakhang Manila at mga karatig na lugar
Frequency105.1 MHz
Tatak105.1 Brigada News FM
Palatuntunan
WikaFilipino
FormatContemporary MOR, News, Talk
NetworkBrigada News FM
Pagmamay-ari
May-ariMareco Broadcasting Network
OperatorBrigada Mass Media Corporation
Kaysaysayn
Unang pag-ere
1963
Dating call sign
  • DZLM-AM (1963–1972)
  • DWLM-FM (1973–1985)
  • Brigada News FM National:
    DWEY (2014–2023)
Dating pangalan
  • DZLM (1963–1972)
  • Super Tunog Pinoy (1973–1985)
  • Power 105 (1985–1994)
  • Crossover (1994–2019)
  • Q Radio (2020–2023)
Dating frequency
1430 kHz (1963–1972)
Brigada News FM National:
104.7 MHz (2014–2023)
Kahulagan ng call sign
  • Best Music (former slogan)
  • Brigada Manila
Impormasyong teknikal
Awtoridad na naglisensiya
NTC
ClassC, D and E
Power25,000 watts
ERP60,000 watts
Repeater
Link
WebcastLive Stream
WebsiteBrigada Philippines

Ang DWBM (105.1 FM), sumasahimpapawid bilang 105.1 Brigada News FM, ay isang himpilan ng radyo na pagmamay-ari ng Mareco Broadcasting Network at pinamamahalaan ng Brigada Mass Media Corporation. Ang estudyo nito ay matatagpuan sa 26th Floor, One San Miguel Bldg., San Miguel Avenue corner Shaw Boulevard, Ortigas Center, Pasig, at ang transmiter nito ay matatagpuan sa San Carlos Heights, Binangonan.

1963-1973: DZLM

[baguhin | baguhin ang wikitext]

Itinatag ang himpilang ito noong 1963 bilang DZLM 1430.[1][2][3] Kagaya ng DZBM 740, pinaunlarin ito ang mga kumpanyang rekord ng Mareco.[4][2][3] Nagpatugtog ito ng mga musikang pangdayuhan at kahit isang musikang lokal.[5][1][6] Ito ang kauna-unahang himpilan sa bansa na may Top 40 na format.[1][7]

1973-1994: Paglipat sa FM

[baguhin | baguhin ang wikitext]

Nung naideklara ang batas militar noong 1972, nagkaroon ng utos na iisang himpilan sa AM at FM lamang ang puwedeng arian ng bawat kumpanya sa bawat lungsod.[3] Habang nanatili sa AM ang DZBM,[8] lumipat ang DZLM sa FM bilang DWLM 105.1.[3][1][9][10] Nanatili ang format nito, ngungit kakumpitensiya nito ang DZRJ-FM nung panahong yan.[2]

Noong huling bahagi ng dekada 70, naging Super Tunog Pinoy ito na may OPM na format.[11] Noong 1985, nagpalit ito ng call letters sa DWBM at naging Power 105 BMFM ito na may new wave na format.[12][13] Kakumpitensiya nito ang WXB 102 nung nasa 102.7 FM pa ito.[14][2][4]

Noong unang bahagi ng dekada 90, ito ang kabilang sa kauna-unahang himpilan sa bansang ito na maging kaanib ng CNN sa radyo.[4][15][16][17]

1994-2019: Crossover

[baguhin | baguhin ang wikitext]
Third[18] and final logo as 105.1 Crossover

Noong 1994, napunta ang himpilang ito sa anak ni Luis Villar na si Louie na naging Crossover.[3] Smooth AC ang format ng himpilang ito na nagpapatugtog ng halong Smooth jazz, Latin at R&B.[16][19][4] Inilarawan ang format nito ng pamilya Villar bilang pinaka-literal na pagsasalin ng pangalan ng Crossover.[20][19] Iba ito sa kakumpitensya nito na Citylite 88.3 na nagpatugtog ng jazz.[4][18][21] Itinuring ito bilang avant-garde na himpilan na Class A ang target na tagapagkinig nito.[22]

Makalipas ng ilang taon, pinalawig ang Crossover sa apat na karagdagang himpilan sa iba't ibang bahagi ng bansa;[19] 99.1 FM sa Bacolod,[16] 93.1 FM sa Lungsod ng Cebu at 93.1 FM sa Lungsod ng Davao noong 1997; at 105.1 FM sa Baguio (na nagsisilbing riley ng himpilan nito) noong 2000.[4] A plan to put up another in Cagayan de Oro didn't come to fruition.[4] The Crossover format is also webcast worldwide in real time on their official website.

Sa pagpasok ng bagong milenyo, bumuo ang Crossover ng sarili nitong pangkat ng konsiyerto, which featured Martin Nievera, Jaya, Lani Misalucha, and Zsa Zsa Padilla,[23][24] pati rin ng bar tours sa palibot ng Kalakhang Maynila.[15][23][19][20] Gumawa din ito ng mga konsiyerto mula sa iba't ibang dayuhan na mangangawit at banda.[25] Gumawa din ito ng sariling pangkat ng CDs na nagbigay pugay sa himpilang ito.[15]

Mula sa panahong ito, naging kaanib ang himpilang ito ng BBC World Service.[15]

Noong Hunyo 2014, nagdiwang ang Crossover ng ika-20 na anibersaryo na may temang "Celebrating 20 Years of Great Music."

2019-2023: Q Radio

[baguhin | baguhin ang wikitext]
Q Radio 105.1 Manila (2020–2023)

Noong Disyembre 30, 2019, namaalam ang Crossover sa talapihitang ito at lumipat ang operasyon nito sa online. Kasalukuyan ito sumasahimpapawid sa pamamagitan ng live streaming sa mobile application nito sa iOS at Android. Samantala, kinuha ng Horizon of the Sun Communications (produser ng Chinatown TV at Chinese News TV sa IBC 13) ang operasyon ng mga himpilan nito.

Noong Enero 13, 2020, itinatag ang himpilang ito bilang Q Radio na may Top 40 na format. Sumunod ang mga himpilan nito sa noong Nobyembre 16, 2020.

Noong Enero 2023, nagbuksan ito ng programa para sa mga student DJs na binansagang Qniversity.

Noong Hunyo 19, 2023, naganunsyo ang Q Radio na mamamaalam ito sa ere sa katapusan ng buwan na yan dahil sa mga problemang pinansyal at kakulangan ng suporta mula sa mga advertisers nito.[26][27] Noong Hulyo 1, 2023, namaalam sa ere ang Q Radio.

2023–present: Brigada News FM

[baguhin | baguhin ang wikitext]

Noong Hunyo 27, 2023, nagkaroon ng Brigada Mass Media Corporation at Mareco ng kasunduan, kung saan kukunin ng Brigada ang operayon ng himpilang ito. Kasama nito ang paglipat ng operasyon ng Brigada News FM National sa talapihitang ito mula sa 104.7 MHz na nakabase sa Batangas.[28]

Noong Hulyo 1, bumalik ang himpilang ito sa ere bilang pagsusuri sa himpapawid mula sa National Broadcast Center sa Jacinta Building 2 sa Makati. Noong Hulyo 3, 4:00 ng umaga, inilunsad ito bilang Brigada News FM Manila.

Noong Agosto 31, 2024, lumipat ito sa bago nitong tahanan sa One San Miguel Avenue Bldg. sa Pasig.

Mga Sanggunian

[baguhin | baguhin ang wikitext]
  1. 1.0 1.1 1.2 1.3 "An AM radio story". Daily Tribune. Hunyo 13, 2020. Nakuha noong Hulyo 1, 2023 – sa pamamagitan ni/ng PressReader.{{cite news}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  2. 2.0 2.1 2.2 2.3 "Crossing over to the top". Manila Standard. Nobyembre 14, 1996. p. 30. Nakuha noong Hulyo 1, 2023 – sa pamamagitan ni/ng Google Books.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  3. 3.0 3.1 3.2 3.3 3.4 Sicam, Edmund (Setyembre 30, 2000). "Meet Louie Villar, the man behind radio's Crossover stations". Philippine Daily Inquirer. p. E2. Nakuha noong Hulyo 1, 2023 – sa pamamagitan ni/ng Google Books.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  4. 4.0 4.1 4.2 4.3 4.4 4.5 4.6 Salterio, Leah (Disyembre 16, 2000). "Stay tuned, Crossover 105.1 bent on getting bigger in 2001". Philippine Daily Inquirer. The Philippine Daily Inquirer, Inc. p. 31. Nakuha noong Enero 27, 2022 – sa pamamagitan ni/ng Google News Archive.{{cite news}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  5. "How Villar Records changed Philippines pop music forever". The Philippine Star. Pebrero 2, 2022. Nakuha noong Hulyo 2, 2023.{{cite news}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  6. "From the Music Capitals of the World: Manila". Billboard. Agosto 10, 1968. p. 50. Nakuha noong Hulyo 3, 2023 – sa pamamagitan ni/ng Google Books.{{cite news}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  7. Pancho Alvarez (Hunyo 14, 1989). "Radio in retrospect, part 1: The days of the dinosaurs – the AM story". Manila Standard. p. 24. Nakuha noong Hulyo 1, 2023 – sa pamamagitan ni/ng Google Books.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  8. The Philippines, a Country Profile. Washington, D.C.: U.S. Department of State. Agosto 1979. p. 110. Nakuha noong Hulyo 3, 2023 – sa pamamagitan ni/ng Google Books.{{cite book}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  9. Samonte, Danee (Setyembre 13, 2018). "Rene Garcia: The final Hotdog". The Philippine Star. Nakuha noong Hulyo 2, 2023.{{cite news}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  10. Samonte, Danee (Enero 17, 2015). "Them were the days". The Philippine Star.{{cite news}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  11. Post by Jay P. Mercado, Apr. 30, 2013. Manila Tonight. Retrieved July 5, 2023.
  12. National Statistics Office (1987). Philippine Yearbook 1987. Manila: Government of the Philippines. p. 902. Nakuha noong Hulyo 5, 2023 – sa pamamagitan ni/ng Google Books.{{cite book}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  13. POWERful Blogpost #105, July 8, 2008. docmuzic. Retrieved July 5, 2023.
  14. WXB102 & DZBM POWER105, Aug. 24, 2007. docmuzic. Retrieved July 5, 2023.
  15. 15.0 15.1 15.2 15.3 "Less is more". The Philippine Star. Pebrero 21, 2010.{{cite news}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  16. 16.0 16.1 16.2 "Crossover drive on 105.1 dwBM". Manila Standard. Nobyembre 1, 1996. p. 27. Nakuha noong Hulyo 2, 2023 – sa pamamagitan ni/ng Google Books.{{cite news}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  17. "DWBM-CNN linkup". Manila Standard. Nobyembre 18, 1992. p. 19. Nakuha noong Hulyo 1, 2023 – sa pamamagitan ni/ng Google Books.{{cite news}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  18. 18.0 18.1 "Evolution of Crossover 105.1 Manila Logo". Radio Online Now. Hulyo 22, 2011. Nakuha noong Hulyo 7, 2023.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  19. 19.0 19.1 19.2 19.3 Salterio, G. Jemuel (Oktubre 28, 2001). "Crossover: The radio station as producer". The Philippine Star. Nakuha noong Hulyo 2, 2023.{{cite news}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  20. 20.0 20.1 Esguerra, Tinnie (Disyembre 21, 2000). "Defining the Crossover Sound". The Philippine Star. Nakuha noong Hulyo 2, 2023.{{cite news}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  21. "'Crossover Drive'". Manila Standard. Nobyembre 6, 1996. p. 10. Nakuha noong Hulyo 1, 2023 – sa pamamagitan ni/ng Google Books.{{cite news}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  22. "Current radio programming trends". Manila Standard. Nobyembre 25, 1996. p. 29. Nakuha noong Hulyo 1, 2023 – sa pamamagitan ni/ng Google Books.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  23. 23.0 23.1 Esguerra, Tinnie (Mayo 10, 2002). "Creating the Crossover lifestyle". The Philippine Star. Nakuha noong Hulyo 2, 2023.{{cite news}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  24. Samio, Veronica (Hulyo 22, 2001). "MMFF 2001, binagyo". Pilipino Star Ngayon. Nakuha noong Hulyo 2, 2023.{{cite news}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  25. Lo, Ricky (Oktubre 10, 2002). "Jazz in time with Bobby Caldwell". The Philippine Star. Nakuha noong Hulyo 2, 2023.{{cite news}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  26. "Louella Hazeline Chan in Q Radio Qlassmates". Telegram. Nakuha noong Hunyo 19, 2023.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  27. Q Radio 105.1 (Hunyo 19, 2023). "To all of our amazing Qties, After a fulfilling 3-year run, filled with several viral online campaigns and exciting on-air gimmicks, it is with a heavy heart that we announce that Q Radio will be permanently signing off nationwide effective July 1, 2023". Facebook. Nakuha noong Hunyo 20, 2023.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  28. Brigada News FM (Hunyo 27, 2023). "Konting tulog na lang mga Ka-Brigada! Mas pinalakas, mas pinalawak, at mas pinaganda! Ang No. 1 sa mga probinsiya sa Luzon, Visayas, at Mindanao - mapakikinggan na sa Metro at Mega Manila!". Facebook. Nakuha noong Hunyo 27, 2023.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)