Pumunta sa nilalaman

DYWF

Mula sa Wikipedia, ang malayang ensiklopedya
FM Radio Cebu (DYWF)
Pamayanan
ng lisensya
Lungsod ng Cebu
Lugar na
pinagsisilbihan
Kalakhang Cebu at mga karatig na lugar
Frequency93.1 MHz
TatakFM Radio 93.1
Palatuntunan
WikaCebuano, Filipino
FormatContemporary MOR, News, Talk
NetworkFM Radio Philippines
AffiliationDWPM/TeleRadyo Serbisyo
ABS-CBN News
Pagmamay-ari
May-ariVimcontu Broadcasting Corporation
OperatorPhilippine Collective Media Corporation
Through VIMCONTU:
DYLA 909
Kaysaysayn
Unang pag-ere
Mayo 1, 1976[1]
Dating call sign
DYLA-FM (1976–1992)
Dating pangalan
  • LA 93.1 (1976–1992)
  • Smash FM (1992–1997, 2003-2009, 2013)
  • Crossover (1997–2003)
  • Club Radio (2009–2013)
  • Brigada News FM (2013–2023)
Impormasyong teknikal
Awtoridad na naglisensiya
NTC
Power10,000 watts
Link
WebcastListen Live

Ang DYWF (93.1 FM), sumasahimpapawid bilang FM Radio 93.1, ay isang istasyon ng radyo na pagmamay-ari ng Vimcontu Broadcasting Corporation at pinamamahalaan ng Philippine Collective Media Corporation . Ang estudyo at transmiter nito ay matatagpuan sa JSU-PSU Mariners' Court Cebu, ALU-VIMCONTU Welfare Center, Legazpi Ext., Pier 1, Lungsod ng Cebu.[2][3]

Itinatag ang himpilang ito noong Mayo 1, 1976, sa ilalim ng call letters na DYLA-FM. Sumahimpapawid ito bilang LA 93.1 na binansagang Your Lovely Alternative, na may easy listening na format.

Noong 1992, pinalitan nito ang call letters sa DYWF at naging 93.1 Smash FM ito na may modern rock na format.

Noong Setyembre 1997, binili ng Mareco Broadcasting Network ang operasyon ng himpilang ito at muli itong inilunsad bilang 93.1 Crossover na may smooth AC na format.

Noong 2003, kinuha ng Vimcontu Broadcasting Corporation ang buong operasyon ng himpilang ito at binalik ito sa 93.1 Smash FM. Samantala, lumipat ang Crossover sa 90.7 FM, na dating pag-aari ng UBSI.

Noong Setyembre 1, 2009, naging 93.1 Club Radio ito na naging kauna-unahang at tanging himpilan sa FM na nagpatugtog ng tanging dance music.[4]

Noong Pebrero 2013, bumalik muli ito sa Smash FM na may pang-masa na format.

Noong Hulyo 27, 2013, kinuha ng Brigada Mass Media Corporation ang operasyon ng himpilang ito at muli itong inilunsad bilang 93.1 Brigada News FM. Opisyal itong inilunsad noong Oktubre 1, 2013.

Noong Agosto 2022, inilipat ang transmiter nito mula sa Winland Tower Condominium sa kahabaan ng Juana Osmeña Ext. sa Mt. Busay.

Noong Mayo 2023, lumipat ang Brigada News FM Cebu sa 90.7 FM na pinagmamay-ari ng Mareco Broadcasting Network, kasunod ng paglipat ng mga tahanan nito sa Uptown Residences sa Brgy. Guadalupe. Mula Mayo 15 hanggang Hunyo 17, naging riley ng himpilang ito ang 90.7 FM sa mga bakanteng oras.

Noong Hunyo 18, 2023, matapos nung lumipat ang Brigada News FM Cebu sa 90.7 FM, ginawa itong riley hanggang Agosto 14, 2023, nung mawala ito sa ere.

Noong Enero 2024, binili ng Philippine Collective Media Corporation ang operasyon ng himpilang ito. Inilunsad ito noong Enero 13 bilang FM Radio.[5]

Noong Hunyo 3, 2024, nagsimula ang FM Radio Cebu ng sarili nitong lokal na programming.

Mga sanggunian

[baguhin | baguhin ang wikitext]
  1. "History". Associated of Labor Unions.
  2. CEBU FM BROADCAST STATIONS | NTC Region 10
  3. Listen to Brigada News FM 93.1, The Number 2 Station in Cebu
  4. 93.1 Club Radio marks first year with danny bond of The Bassmonkeys
  5. FMR Network Expands Broadcast Operations in Cebu, Philippines Taking Over 93.1 FM Band