Pumunta sa nilalaman

DYRC

Mula sa Wikipedia, ang malayang ensiklopedya
Aksyon Radyo Cebu (DYRC)
Pamayanan
ng lisensya
Lungsod ng Cebu
Lugar na
pinagsisilbihan
Gitnang Kabisayaan at mga karatig na lugar
Frequency648 KHz
TatakDYRC 648 Aksyon Radyo
Palatuntunan
WikaCebuano, Filipino
FormatNews, Public Affairs, Talk
NetworkAksyon Radyo
Pagmamay-ari
May-ariMBC Media Group
OperatorRJR Media Solutions Inc.
DZRH Cebu, 91.5 Yes FM, 97.9 Love Radio, 102.7 Easy Rock, Radyo Natin Pinamugajan, DYBU-DTV 43
Kaysaysayn
Unang pag-ere
7 Enero 1929 (1929-01-07) (bilang KZRC)
21 Setyembre 1940 (1940-09-21) (bilang DYRC)
Dating call sign
KZRC (1929–1948)
DYXR (1999–2010)
Dating frequency
600 kHz (1929–1978)
963 kHz (1978–1991)
Kahulagan ng call sign
Radyo Cebu
Impormasyong teknikal
Awtoridad na naglisensiya
NTC
ClassB
Power10,000 watts
ERP20,000 watts
Link
WebcastListen live

Ang DYRC (648 AM) Aksyon Radyo ay isang himpilan ng radyo na pagmamay-ari at pinamamahalaan ng MBC Media Group. Ito ay nagsisilbing punong himpilan ng radyo ng Aksyon Radyo. Ang estudyo nito ay matatagpuan sa Eggling Subdivision, Busay Hills, Lungsod ng Cebu, at ang transmiter nito ay matatagpuan sa Brgy. Tangke, Talisay, Cebu.[1][2]

Itinatag ang himpilang ito noong 1929 bilang bilang KZRC.[3][4] Ang kauna-unahang himpilan sa lungsod at lalawigan ng Cebu, nasa pagmamay-ari ito ng Radio Corporation of the Philippines.[3][4][5] Ginamit ito bilang riley ng KZRM na nakabase sa Manila sa loob ng ilang buwan na may lakas ng 1 kW sa isang hindi matagumpay na eksperimento.[3] Noong 1931, nung nagsara ang RCP, ibinenta ang mga himpilan nito sa Erlanger at Galinger.[4]

Noong 1940, pagkatapos nung bilhin ng HE Heacock Co. ni Samuel Gaches (na pag-aari din ng KZRH na nakabase sa Maynila) ang himpilang ito, bumalik ito sa ere.[4][6] Sumahimpapawid ito mula sa itaas na palapag ng Gotiaoco Building (na pag-aari ng Chinese trader na si Pedro Gotiaoco) na meron ding sangay ng Heacock's.[7] Ito ay ang tanging komersyal na himpilan sa lungsod, ngunit hindi ito nagtagal dahil ginamit ito bilang tagapagsalita ng kilusang gerilya nung panahon ng Ikalawang Digmaang Pandaigdig.[6][8]

Binili muli ni Isaac Beck ang himpilang ito. Pagkatapos ng digmaan, binenta niya ulit ito sa pamilya Elizalde na nagmamay-ari ng Manila Broadcasting Company (MBC).[5] Kalaunan, noong Setyembre 21, 1947, inilunsad muli ang himpilang ito bilang DYRC[7] sa ilalim ng isang sangay ng MBC ng Cebu Broadcasting Company.[3][4]

Hindi nagtagal at ito ang pinakapinakikinggan na himpilan sa lungsod, binansagan ito "The Voice of Cebu". Nagkaroon ng DYRC ang kauna-unahang babaeng voice announcer nito na si Ginny Peralta Vamenta.[5]

Kabilang sa mga kilalang personalidad ng DYRC ay sina Nene Pimentel, Antonio Cuenco, Pilita Corrales,Angelo Castro Sr., Inday Nita Cortez Daluz, Arch. Angel Lagdameo at Jane Paredes, at sina Vamenta at Henry Halasan bilang tagapagbalita sa primetime.[9][10]

Noong Setyembre 11, 1972, nawala ito sa ere, kasama ang DYBU, nung naideklara ni Pangulong Marcos ang batas militar.[11]

Noong 1973, bumalik ito sa ere sa ilalim ng bagong pamamahala Sunshine City, isang rehiyonal na bersyon ng DWIZ. Noong 1978, lumipat ang talapihitang ito sa 963 kHz. Noong 1991, naging Radyo Balita ito matapos mabuwag ang Sunshine City, lalo na't binili ng Aliw Broadcasting Corpration ang DWIZ. Nung panahong yan, lumipat muli ang talapihitang ito sa sa 648 kHz.

Noong Enero 4, 1999, kinuha ng Padayon Pilipino Media Consultancy Services Inc. ang pamamahala ng himpilang ito at pinalitan ang call letters nito sa DYXR. Dito nagsimula ang Aksyon Radyo. Nung panahong yan, nasa Brgy. Tangke, Talisay, Cebu ang tahanan nito.[12] Noong Agosto 2010, nawala ito sa ere.

Noong Setyembre 21, 2010, kinuha ng BisaLog Broadcasting (pag-aari nina Rhina Seco, Niño Padilla at Ed Montilla) ang pamamahala ng himpilang ito at binalik ito sa ere sa ilalim ng orihinal nitong call letters na DYRC bilang bahagi ng ika-70 anibersaryo nito. Lumipat ito sa Unit 301 Doña Luisa Building sa Fuente Osmeña. Kasabay nito, inilunsad ng DYRC ang "Dangpanan", ang lokal na bersyon ng "Operation Tulong" ng DZRH.[13][14]

Sa pagtatapos ng kanonisasyon ni Pedro Calungsod noong 2012, pansamantalang tinagurian ang DYRC bilang Radyo Calungsod.[15][16]

Noong Mayo 2018, kinuha ng Manila Broadcasting Company at RJR Media Solutions ang operasyon ng DYRC. Kamakailan lamang, lumipat ito sa kasalukuyan nitong tahanan sa GD Uyfang Building.

Mga sanggunian

[baguhin | baguhin ang wikitext]
  1. CEBU FM BROADCAST STATIONS | NTC Region 10
  2. Barrita: Pagbanhaw sa dyRC
  3. 3.0 3.1 3.2 3.3 Lent, John (1968). "Philippine Radio – History and Problems" (PDF). Asian Studies – Journal of Critical Perspectives on Asia. Inarkibo mula sa orihinal (PDF) noong Abril 17, 2018. Nakuha noong Mayo 5, 2017. {{cite journal}}: Cite journal requires |journal= (tulong)CS1 maint: date auto-translated (link)
  4. 4.0 4.1 4.2 4.3 4.4 Sanchez, Louie Jon (2019). "Pagtatatag ng Tradisyon at Kumbensiyon: Ang Soap Opera sa Radyo, 1922–1963". Ateneo de Manila University. Archium Ateneo. Nakuha noong Hulyo 22, 2024.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  5. 5.0 5.1 5.2 Guanzon Apalisok, Malou (Pebrero 24, 2014). "Opinion — Cebu honors a radio icon". Cebu Daily News. Nakuha noong Hulyo 21, 2024.{{cite news}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  6. 6.0 6.1 "Timeline". AIJC Communication Museum. Asian Institute of Journalism and Communication. 2013. Nakuha noong Hulyo 12, 2024.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  7. 7.0 7.1 Bersales, Jobers (Pebrero 23, 2012). "Opinion: Past Forward — Save the Gotiaoco". Cebu Daily News. Nakuha noong Hulyo 21, 2024.{{cite news}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  8. Enaka, Hachiro (n.d.). "American–English on Philippine Radio and Television" (PDF). Nakuha noong Hulyo 23, 2024 – sa pamamagitan ni/ng CORE.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  9. Memoirs of Ginny, one of the first woman broadcaster in Cebu
  10. "Beginnings of Cebu Media Professionalism". Inarkibo mula sa orihinal noong Mayo 3, 2019. Nakuha noong Oktubre 16, 2020.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  11. "Beginnings of Cebu Media Professionalism". Inarkibo mula sa orihinal noong Mayo 3, 2019. Nakuha noong Oktubre 16, 2020.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  12. Cebu’s oldest radio station signs on again after 11 years of silence[patay na link]
  13. DyRC back on air beginning today
  14. Manila Broadcasting Company brings back Cebu's oldest radio station
  15. Advocacy and music
  16. Radio anchor shot dead in Cebu City