DYXL-FM
Pamayanan ng lisensya | Lungsod ng Cebu |
---|---|
Lugar na pinagsisilbihan | Kalakhang Cebu at mga karatig na lugar |
Frequency | 93.9 MHz |
Tatak | 93.9 iFM |
Palatuntunan | |
Wika | Cebuano, Filipino |
Format | Contemporary MOR, News, Talk |
Network | iFM |
Pagmamay-ari | |
May-ari | Radio Mindanao Network |
DYHP RMN Cebu | |
Kaysaysayn | |
Unang pag-ere | 1976 (bilang DYHP-FM) 9 Setyembre 1978 (bilang DYXL-FM) |
Dating call sign | DYHP-FM (1976–1978)[1] |
Dating pangalan |
|
Kahulagan ng call sign | EXtra Large |
Impormasyong teknikal | |
Awtoridad na naglisensiya | NTC |
Class | A, B, C, D, E |
Power | 10,000 watts |
ERP | 32,000 watts |
Link | |
Webcast | Listen Live |
Website | iFM Cebu |
Ang DYXL (93.9 FM), sumasahimpapawid bilang 93.9 iFM, ay isang himpilan ng radyo na pagmamay-ari at pinamamahalaan ng Radio Mindanao Network. Ang estudyo at mga opisina nito ay matatagpuan sa RMN Broadcast Center, G/F Capitol Central Hotel & Suites, N. Escario St. cor. F. Ramos Ext., Capitol Site, Lungsod ng Cebu, at ang transmiter nito ay matatagpuan sa Sitio Seaside Asinan, Brgy. Basak San Nicolas, Lungsod ng Cebu.[2][3]
Kasaysayan
[baguhin | baguhin ang wikitext]1976–1992: DYHP/YXL
[baguhin | baguhin ang wikitext]Ikatlong himpilan sa FM ang himpilang ito na itinatag noong 1976 sa ilalim ng call letters na DYHP.
Pagkalipas ng dalawang taon, opisyal itong inilunsad noong Setyembre 9, 1978 bilang YXL 93.9. Meron itong easy listening na format na binansagan itong "The Beautiful Romance". Nasa Gilmore Bldg. ang una nitong tahanan.
1992–1999: Smile Radio
[baguhin | baguhin ang wikitext]Noong Agosto 16, 1992, muling inilunsad ang himpilang ito bilang Smile Radio 93.9 YXL na binansagang "The Voice of Music", na nagmula sa punong himpilan nito na nakabase sa Cagayan de Oro. Meron itong pang-masa na format. Noong 1993, lumipat ito sa Gold Palace Bldg. sa Osmeña Blvd.
Namaalam ang Smile Radio sa ere noong Nobyembre 22, 1999.
1999–2002: XLFM
[baguhin | baguhin ang wikitext]Noong Nobyembre 23, 1999, naging 939 XLFM ito na binansagang "Live it Up!". Meron itong Top 40 na format.[4]
Namaalam ang XLFM sa ere noong Mayo 15, 2002.
2002–kasalukuyan: iFM
[baguhin | baguhin ang wikitext]Noong Mayo 16, 2002, muling inilunsad ang himpilang ito bilang 93.9 iFM at binalik nito ang pang-masa na format.
Noong Mayo 26, 2012, lumipat nito ng DYHP sa kasalukuyan nitong tahanan sa Ground Floor ng Capitol Central Hotel and Suites sa kahabaan ng Capitol Site.
Noong 2019, nagdagdag ito ng balita at talakayan sa format nito at nagsimulang i-relay ang programa ng DYHP na Straight To The Point . Noong kalagitnaan ng 2022, naging iFM Music and News ito para sa mga programang pang-balita at talakayan.
Noong Hulyo 25, 2022, nag-upgrade ang istasyon sa isang bagong pinahusay na 10,000-watt transmitter sa Sitio Seaside Asinan, Brgy. Basak San Nicolas para sa mas magandang pagtanggap ng signal at kalidad ng audio.
Mga sanggunian
[baguhin | baguhin ang wikitext]- ↑ "TABLE 24.7a", 1978 Philippine Yearbook, Philippine Yearbook: 819–2099, 1979, nakuha noong 2023-02-25
{{citation}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ CEBU FM BROADCAST STATIONS | NTC Region 10
- ↑ iFM 93.9 Cebu DYXL Radio Station Broadcast Studio
- ↑ DJ Raoul mixing pleasure and hard work