Pumunta sa nilalaman

DYCM

Mula sa Wikipedia, ang malayang ensiklopedya
DYCM
Pamayanan
ng lisensya
Lungsod ng Cebu
Lugar na
pinagsisilbihan
Gitnang Kabisayaan at mga karatig na lugar
Frequency1152 kHz
TatakBag-ong Adlaw DYCM
Palatuntunan
WikaCebuano, Filipino
FormatNews, Public Affairs, Talk
Pagmamay-ari
May-ariMakati Broadcasting Company
Kaysaysayn
Unang pag-ere
1989
Kahulagan ng call sign
Celestino Martinez
Impormasyong teknikal
Awtoridad na naglisensiya
NTC
Power10,000 watts
RepeaterBogo: 100.5 MHz
Link
Websitehttp://www.dycmcebu.com/

Ang DYCM (1152 AM) Bag-ong Adlaw ay isang himpilan ng radyo na pagmamay-ari at pinamamahalaan ng Makati Broadcasting Company. Ang estudyo nito ay matatagpuan sa Room 201, 2/F Dona Luisa Bldg., Fuente Osmena, Lungsod ng Cebu, at ang transmiter nito ay matatagpuan sa Brgy. Tayud, Consolacion.[1][2][3][4][5][6]

Itinatag ang DYCM noong 1989 sa ilalim ng pagmamay-ari ng Masbate Community Broadcasting Corporation. Ito ay dating matatagpuan sa Brgy. Taytayan, Bogo, Cebu. Dati itong binansagang "Kaabag sa Banikanhon Kaugmaran", "Kaabag sa Serbisyo" at "Bag-ong Adlaw - Cebu Del Norte".

Noong unang bahagi ng 2014, nawala ito sa ere at inilipat ang pagmamay-ari nito sa Makati Broadcasting Company na pag-aari ng dating alkalde ng Bogo na si Celestino Martinez. Bumalik ito sa ere noong Hulyo 8, 2014, sa Lungsod ng Cebu, at nagpatayo din ito ng riley sa luma nitong lokasyon.

Mga sanggunian

[baguhin | baguhin ang wikitext]