Pumunta sa nilalaman

DYSS-AM

Mula sa Wikipedia, ang malayang ensiklopedya
Super Radyo Cebu (DYSS)
Pamayanan
ng lisensya
Lungsod ng Cebu
Lugar na
pinagsisilbihan
Gitnang Kabisayaan at mga karatig na lugar
Frequency999 kHz
TatakGMA Super Radyo DYSS 999
Palatuntunan
WikaCebuano, Filipino
FormatNews, Public Affairs, Talk, Drama
NetworkSuper Radyo
Pagmamay-ari
May-ariGMA Network Inc.
Barangay RT 99.5
GMA 7 Cebu
GTV 27 Cebu
Kaysaysayn
Unang pag-ere
July 4, 1957
Dating frequency
1560 kHz (1957-1965)[1]
1020 kHz (1965-1978)[2]
Kahulagan ng call sign
Super Radyo Sugbu
Super Serbisyo
Impormasyong teknikal
Awtoridad na naglisensiya
NTC
Power10,000 watts
Link
Websitewww.gmanetwork.com

Ang DYSS (999 AM) Super Radyo ay isang himpilan ng radyo na pagmamay-ari at pinamamahalaan ng GMA Network. Ang estudyo ng istasyon ay matatagpuan sa GMA Skyview Complex, Nivel Hills, Apas, Lungsod ng Cebu, at ang transmitter nito ay matatagpuan sa Alumnos, Brgy. Mambaling, Lungsod ng Cebu.[3][4][5]

Itinatag ang DYSS noong Hulyo 4, 1957. Ito ay pagmamay-ari noon ng Loreto F. de Hemedes Inc. sa pamamagitan ng DZBB na nakabase sa Maynila. Kalaunan, binenta ito sa Republic Broadcasting System ni Robert "Uncle Bob" Stewart. Ito ay unang matatagpuan sa Fortunata Bldg. sa kanto ng Magallanes & Lapu-lapu na may 167-ft. vertical antenna at 1-kilowatt BC Gates Transmitter na matatagpuan sa Mambaling Seaside.

Noong Setyembre 21, 1972, nawala ito sa ere nung naideklara ni Pangulong Ferdinand Marcos ang Batas Militar. Makalipas ng dalawang taon, naibenta ang RBS sa triumvirate nina Gilberto Duavit Sr., Menardo Jimenez at Felipe Gozon dahil sa mga pagbabago sa mga batas sa pagmamay-ari ng media. Kasabay nito, bumalik ang DYSS sa ere bilang Dobol S na may Top 40 na format.

Noong Nobyembre 1978, lumipat ang talapihitang ito mula sa 1560 kHz sa 999 kHz.

Noong Hulyo 17, 1989, nagpalit ang format ng himpilang ito sa balita at talakayan. Nang sumunod na taon, lumipat ang DYSS, kasama ang mga kapatid nitong istasyon na DYSS-TV at DYRT, sa kasalukuyang tahanan nito sa GMA Skyview Complex sa Nivel Hills.

Noong Enero 4, 1999, naging Super Radyo ito. Kasabay nito, nagsimula itong iere ang Balitang Bisdak ng GMA Cebu tuwing 6:00 ng gabi na sinundan ng 24 Oras noong 6:30 ng gabi.

Mga sanggunian

[baguhin | baguhin ang wikitext]