Pumunta sa nilalaman

DYUR

Mula sa Wikipedia, ang malayang ensiklopedya
TMC (DYUR)
Pamayanan
ng lisensya
Lungsod ng Cebu
Lugar na
pinagsisilbihan
Kalakhang Cebu at mga karatig na lugar
Frequency105.1 MHz
Tatak105.1 TMC
Palatuntunan
WikaCebuano, Filipino
FormatVispop, OPM
Pagmamay-ari
May-ariViva South
(Ultimate Entertainment Inc.)
OperatorTops Media Center
Kaysaysayn
Unang pag-ere
1993
Dating pangalan
  • UR105 Ultimate Radio (1993–2010)
  • Mango Radio (2010-2013)
  • Oomph Radio (November 2014-February 2017)
  • Halo Halo Radio (May 2017-August 2024)
Kahulagan ng call sign
Ultimate Radio (former branding)
Impormasyong teknikal
Awtoridad na naglisensiya
NTC
Power10,000 watts
ERP50,000 watts
HAAT663 meters
Link
WebcastListen Live
Websitetopsmediacenter.com

Ang DYUR (105.1 FM), sumasahimpapawid bilang 105.1 TMC, ay isang himpilan ng radyo na pagmamay-ari ng Ultimate Entertainment Inc. at pinamamahalaan ng Tops Media Center. Ang estudyo at transmiter nito ay matatagpuan sa Unit 401, 4th Floor, Tops Circle, Brgy. Malubog, Busay, Lungsod ng Cebu.[1][2]

1993-2010: UR105 Ultimate Radio

[baguhin | baguhin ang wikitext]
UR105 Ultimate Radio (1993 - 2010)

Itinatag ang himpilang ito noong 1993 bilang UR105 Ultimate Radio . Meron itong Top 40 na format. Nasa ikaapat na palapag ng JRDC Building sa kahabaan ng Osmeña Boulevard ang una nitong tahanan hanggang sa huling bahagi ng 2000s, nung lumipat ito sa ikalawang palapag ng AMP Building sa Lower Nivel Hills.

2010-2013: Mango Radio

[baguhin | baguhin ang wikitext]

Noong 2010, kasunod ng tagumpay ng isang programang Kristiyano na inilunsad nung isang taon, muling inilunsad ang himpilang ito bilang Mango Radio UR105 na may christian radio na format. Nagpapalabas din ito ng ilang mga programa mula sa Mango Radio Davao.[3]

Nawala ito minsan sa 4th quarter ng 2013. Sa unang bahagi ng taong iyon, binili ng Viva South ang prangkisa ng Ultimate Entertainment mula sa pamilya Manalang. Dahil dito, lumipat ang himapapwid ng Mango Radio sa online.

2013-2017: Oomph Radio/UR105

[baguhin | baguhin ang wikitext]
Oomph! Radyo (2015 - 2017)

Noong Oktubre 2014, bumalik ito sa ere bilang pagsuri mula sa bago nitong Nautel NV10 transmiter. Nang sumunod na buwan, inilunsad ang himpilang ito bilang Oomph Radio 105.1. Meron itong CHR/Top 40 format nabinansagang "Nice Paminawon". Opisyal itong inilunsad noong Setyembre 13, 2015, sa The Terraces Ayala Center Cebu.

Noong Hulyo 2016, ipinakilala ang Anime, J-Pop at K-Pop na musika sa programming nito.

Noong Pebrero 2017, binitiw ng himpilang ito ang Oomph Radio.[4]

2017-2024: Halo Halo Radio

[baguhin | baguhin ang wikitext]
Talaksan:Halo Halo 105.1.jpg
Halo Halo 105.1 (2017 - 2024)

Noong Mayo 1, 2017, muling inilunsad ang himpilang ito bilang Halo Halo, ang kauna-unahang at tanging himpilan sa lungsod na tumugtog lamang ng Original Pilipino Music.[5]

Noong 2019, lumipat ito sa ikatlong palapag ng The Space Building sa Mandaue, kung saan matatagpuan din ang mga pang-rehyional na opisina ng Viva.

Noong Agosto 2, 2024, namaalam ang Halo Halo Radio sa ere.

2024-kasalukuyan: TMC

[baguhin | baguhin ang wikitext]

Noong Agosto 10, 2024, binili ng Tops Media Center, na pagmamay-ari ng content creator na si James Magik (Kuya Magik) at dating Y101 FM personality na si Jiggy Jr. (Jiggy Juice), ang mga operasyon ng himpilang ito na muling inilunsad bilang 105.1 TMC. Ito ang kauna-unahang himpilan sa lungsod na tumutugtog lamang ng Vispop. Lumipat ito sa bago nitong tahanan sa ikaapat na palapag ng Tops Circle sa Busay. Opisyal itong inilunsad noong Setyembre 27, 2024.[6]

Mga sanggunian

[baguhin | baguhin ang wikitext]