Pumunta sa nilalaman

DYHP

Mula sa Wikipedia, ang malayang ensiklopedya
RMN Cebu (DYHP)
Pamayanan
ng lisensya
Lungsod ng Cebu
Lugar na
pinagsisilbihan
Gitnang Kabisayaan at mga karatig na lugar
Frequency612 kHz
TatakDYHP RMN Cebu 612
Palatuntunan
WikaCebuano, Filipino
FormatNews, Public Affairs, Talk, Drama
NetworkRadyo Mo Nationwide
AffiliationCCTN
Pagmamay-ari
May-ariRadio Mindanao Network
93.9 iFM
Kaysaysayn
Unang pag-ere
Setyembre 13, 1963
Dating pangalan
  • Ang Radyo Natin (1970s-1987)
  • Radyo Agong (1988–1999)
Dating frequency
670 kHz (1963–1978)
Kahulagan ng call sign
Herald ng Pilipinas
Impormasyong teknikal
Awtoridad na naglisensiya
NTC
ClassCDE
Power10,000 watts
ERP50,000 watts
Link
WebsiteRMN Cebu

Ang DYHP (612 AM) RMN Cebu ay isang himpilan ng radyo na pagmamay-ari at pinamamahalaan ng Radio Mindanao Network. Ang estudyo nito ay matatagpuan sa RMN Broadcast Center, G/F Capitol Central Hotel and Suites, N. Escario St., cor. F. Ramos Ext., Capitol Site, Lungsod ng Cebu, at ang mga transmiternito ay matatagpuan sa Sitio Seaside Asinan, Brgy. Basak San Nicolas, Lungsod ng Cebu.[1][2][3]

May sarili din itong production center na gumagawa ng programang pang-drama sa mga himpilan ng RMN sa Kabisayaan at Mindanao. Ito ay matatagpuan sa Room 302, 3/F Jose R. Martinez Bldg., Osmeña Blvd., Lungsod ng Cebu.

Itinatag ang DYHP noong Setyembre 13, 1963 sa pangunguna ng pahayagan ng Philippine Herald at Inter-Island Broadcasting Corporation. Tinaguriang The Sound of the City, ito ang pangalawang himpilan ng RMN na itinatag sa Visayas, kasama ang DYRI, at ang pang-apat na himpilan sa lungsod. Ito ay unang matatagpuan sa Goodrich Bldg. sa kahabaan ng Legaspi St.

Noong Setyembre 21, 1972, nawala ito sa ere nung naideklara ni Pangulong Ferdinand Marcos ang Batas Militar. Makalipas ng ilang taon, bumalik ito sa ere bilang Ang Radyo Natin, na kinuha mula sa DZXL na nakabase sa Maynila. Dahil sa tagumpay nito, itinatag nila ang kapatid nito sa FM na DYHP-FM noong 1976.

Noong 1978, nagtatag ang RMN ng Cebuano drama production center. Kabilang sa mga artista nito ay sina Susan Perez (ngayon Aliño), Elma Vestil, Nelson Tantano, Teresa Diez, Esper Palicte, Janice Gimena, Debbie Santa Cruz, Carolyn Marquez, Wilma Silva.

Noong Nobyembre 23 ng taong iyon, lumipat ang talapihitang ito mula sa 670 kHz sa 612 kHz.

Noong 1980, lumipat ito sa Gilmore Bldg. Sa panahong ito, itinuturing ito bilang isa sa pinakapinakikinggan na himpilan sa AM sa lungsod.

Noong Enero 1, 1988, naging Radyo Agong ito na may halong balita at talakayan sa format nito.

Noong unang bahagi ng dekada 90, ilan sa mga programa ng DYHP ay inere din ng mga himpilan at kaanib nito sa Kabisayaan at hilagang Mindanao.

Noong 1991, lumipat ito sa Gold Palace Bldg. sa kahabaan ng Osmeña Blvd.

Noong Marso 2, 2009, bilang bahagi ng pagpapalawak nito sa buong bansa, naging Radyo Mo Nationwide ito na binansagang "Tatak RMN". Kasabay nito, lumipat ang mga pasilidad ng transmiter nito sa White Road, Brgy. Inayawan para palawakin ang signal nito.

Noong Mayo 26, 2012, lumipat ang DYHP at DYXL sa kasalukuyang tahanan nito sa Capitol Central Hotel & Suites (dating The Professional Group Center) sa kahabaan ng Capitol Site, at ang Production Center nito ay inilipat sa kasalukuyang tahanan nito sa Jose R. Martinez Bldg. sa kahabaan ng Osmeña Blvd.

Noong Setyembre 13, 2022, bilang bahagi ng ika-59 na anibersaryo nito, lumipat ang mga pasilidad ng transmiter nito sa Sitio Seaside Asinan, Brgy. Basak San Nicolas. Ang lumang lugar ng transmiter nito ay inookupahan ngayon ng National Grid Corporation of the Philippines.[4]

Mga sanggunian

[baguhin | baguhin ang wikitext]
  1. CEBU BROADCAST STATIONS | NTC Region 7
  2. See you around
  3. "Cebu's top comedian "Teban" dies of cardiac arrest". Inarkibo mula sa orihinal noong Hulyo 28, 2020. Nakuha noong Hulyo 28, 2020.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  4. "DYHP 612 Jingle". YouTube. Nobyembre 9, 2023.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)