Pumunta sa nilalaman

DYLL-FM

Mula sa Wikipedia, ang malayang ensiklopedya
Energy FM Cebu (DYLL)
Pamayanan
ng lisensya
Lungsod ng Cebu
Lugar na
pinagsisilbihan
Kalakhang Cebu at mga karatig na lugar
Frequency94.7 MHz
Tatak94.7 Energy FM
Palatuntunan
WikaCebuano, Filipino
FormatContemporary MOR, OPM
NetworkEnergy FM
Pagmamay-ari
May-ariUltrasonic Broadcasting System
Kaysaysayn
Unang pag-ere
1992
Dating call sign
Energy FM:
DYAC (1999–2003)
DYDW (2003–2004)
Dating pangalan
Mellow Touch (1992-2003)
Dating frequency
Energy FM:
90.7 MHz (1999–2003)
89.1 MHz (2003–2004)
Kahulagan ng call sign
Luis & Leonida Vera (former owners)
Impormasyong teknikal
Awtoridad na naglisensiya
NTC
Power20,000 watts
ERP60,000 watts
Link
WebcastListen Live via (AMFMPH)

Ang DYLL (94.7 FM), sumasahimpapawid bilang 94.7 Energy FM, ay isang himpilan ng radyo na pagmamay-ari at pinamamahalaan ng Ultrasonic Broadcasting System. Ang estudyo nito ay matatagpuan sa 3rd Floor, Gallardo Bldg., Gen. Maxilom Ave., Lungsod ng Cebu, at ang transmitter nito ay matatagpuan sa BSP Camp, Capitol Hills, Brgy. Lahug, Lungsod ng Cebu.[1][2]

Itinatag ang himpilang ito noong 1992 sa ilalim ng pagmamay-ari ng FBS Radio Network. Nung panahong yan, sumahimpapawid ito bilang Mellow Touch 94.7 na may easy listening na format. Noong 2003, nawala ito sa ere matapos masunog ang gusali ng istasyon, kung saan nasira ang estudyo at pasilidad ng transmiter nito.

Noong Abril 12, 2004, binili ng UBSI ang himpilang ito mula sa FBS kapalit ng pagbebenta ng himpilan nito sa Maynila sa huli. Dito inilipat ang operasyon ng Energy FM na dati nang nasa 90.7 FM mula 1999 hanggang 2003 at 89.1 FM mula 2003 hanggang 2004.

Noong 2009, nanalo ang Energy FM Cebu ng "People's Choice" Award para sa Cebu FM Radio sa 18th KBP Golden Dove Awards.[3]

Mga sanggunian

[baguhin | baguhin ang wikitext]