Pumunta sa nilalaman

DYAC

Mula sa Wikipedia, ang malayang ensiklopedya
(Idinirekta mula sa DYAC-FM)
Brigada News FM Cebu (DYAC)
Pamayanan
ng lisensya
Lungsod ng Cebu
Lugar na
pinagsisilbihan
Kalakhang Cebu at mga karatig na lugar
Frequency90.7 MHz
Tatak90.7 Brigada News FM
Palatuntunan
WikaCebuano, Filipino
FormatContemporary MOR, News, Talk
NetworkBrigada News FM
Pagmamay-ari
May-ariMareco Broadcasting Network
OperatorBrigada Mass Media Corporation
Kaysaysayn
Unang pag-ere
1989
Dating call sign
Brigada News FM:
DYWF (2013–2023)
Dating pangalan
  • Magic 90.7 (1989–1995)
  • DYAC (1995–1998)
  • Energy FM (1998–2003)
  • Crossover (2003–2020)
  • Q Radio (2020–2023)
Dating frequency
Brigada News FM:
93.1 MHz (2013–2023)
Kahulagan ng call sign
Adult Contemporary (dating format)
Impormasyong teknikal
Awtoridad na naglisensiya
NTC
Power20,000 watts
ERP60,000 watts
Link
WebcastLive Stream
Websitebrigadanews.ph

Ang DYAC (90.7 FM), sumasahimpapawid bilang 90.7 Brigada News FM, ay isang himpilan ng radyo na pagmamay-ari ng Mareco Broadcasting Network at pinamamahalaan ng Brigada Mass Media Corporation. Ang estudyo at mga opisina nito ay matatagpuan sa Uptown Residences, V. Rama Ave. cor. B. Rodriguez St., Brgy. Guadalupe, Lungsod ng Cebu, habang ang transmitter nito ay matatagpuan sa Mt. Busay, Brgy. Babag 1, Lungsod ng Cebu.[1][2]

1989-1995: Magic

[baguhin | baguhin ang wikitext]

Itinatag ang himpilang ito noong 1989 bilang Magic 90.7 sa ilalim ng pagmamay-ari ng Molave Broadcasting Network ni Arcadio Carandang. Meron itong smooth jazz na format. Nung panahong yan, nasa Doña Luisa Bldg. sa Fuente Osmeña ang tahanan nito.

1995-1998: DYAC

[baguhin | baguhin ang wikitext]

Noong 1995, binili ng Ermita Electronics Corporation ang himpilang ito na muling inilunsad bilang DYAC. Binansagan itong The Music Zone at meron itong Top 40 na format.[3]

1998-2003: Energy FM

[baguhin | baguhin ang wikitext]
Talaksan:Energy907Cebu '01.jpg
Logo ng Energy FM mula 2001 hanggang 2003

Noong Hulyo 1998, binili ng Ultrasonic Broadcasting System ang operayon ng himpilang ito at muli itong inilunsad bilang 90.7 Energy FM. Binansagan itong "All hits superstation" at meron itong pang-masa na format. Sa halos labinlimang buwan, ito ang naging pinakapinakikinggang himpilan sa FM sa lungsod.[4]

2003-2020: Crossover

[baguhin | baguhin ang wikitext]
Crossover (2003–2020)

Noong Oktubre 2003, pagkatapos nung lumipat ang Energy FM sa 89.1 FM na pinagmamay-ari ng Word Broadcasting Corporation, binili ng Mareco Broadcasting Network ang himpilang ito mula sa Ermita at inilipat ang Crossover sa talapihitang ito mula sa 93.1 FM na pinag-aarian ng Vimcontu Broadcasting Corporation. Sa panahong ito, nasa JSU-PSU Mariners' Court Cebu ang tahanan nito.

2020-2023: Q Radio

[baguhin | baguhin ang wikitext]
Talaksan:Q FM 90.7 Cebu logo.png
Q Radio (2020–2023)

Noong Disyembre 31, 2019, kinuha ng Horizon of the Sun Communications (produser ng Chinatown TV at Chinese News TV sa IBC 13) ang operasyon ng mga himpilan ng MBNI. Noong Nobyembre 15, 2020, namaalam ang Crossover sa ere.

Noong Nobyembre 16, 2020, opisyal na inilunsad ang mga himpilang panrehiyon ng MBNI bilang Q Radio at meron itong Top 40 na format. Bukod sa pagkakaroon ng sariling local programming, nag-simulcast din ito ng ilang programa mula sa punong himpilan nito sa Maynila.

2023-kasalukuyan: Brigada News FM

[baguhin | baguhin ang wikitext]

Noong Mayo 2023, binili ng Brigada Mass Media Corporation (BMMC) ang operayon ng himpilang ito at nagsagawa ito ng pagsusuri. Kabilang dito ang paglipat ng operasyon ng Brigada News FM Cebu sa talapihitang ito, dalawang buwan pagkatapos nang matapos ang kasunduan ng Brigada sa Vimcontu. Noong Mayo 15, bilang bahagi ng paglipat nito, sinimulan ng 90.7 FM ang pag-riley sa 93.1 FM sa mga bakanteng oras, kasabay ng paglipat ng tahanan nito sa Uptown Residences sa Brgy. Guadalupe.[5][6]

Noong Hunyo 18, 2023, nagsimulang sumahimpapawid ang Brigada News FM sa talapihitang ito, kasabay ng paglunsad ng 20-kilowatt na transmiter sa ibabaw ng Mt. Busay. Isang araw bago nito, ginawa na lang riley ang dati nitong talapihitan, na tumagal hanggang Agosto 14.[7]

Noong Hunyo 30, 2023, sa ganap na 9:31 ng gabi, ipinalabas ng Brigada News FM Cebu ang isang 2 oras na espesyal na countdown hanggang sa ganap itong lumipat sa talapihitang ito sa susunod na araw sa hatinggabi.[8]

Noong Hulyo 1, 2023, bilang bahagi ng kumpanyang "Kalimti ang Ex, Mas Lami ang Bag-o!", opisyal nang inilunsad ang Brigada News FM Cebu sa Brgy. Guadalupe.[9]

Mga sanggunian

[baguhin | baguhin ang wikitext]