Pumunta sa nilalaman

DYFM-FM

Mula sa Wikipedia, ang malayang ensiklopedya
True FM Cebu (DYFM)
Semi-satellite of DWLA Manila
Pamayanan
ng lisensya
Cebu City
Lugar na
pinagsisilbihan
Metro Cebu and surrounding areas
Frequency101.9 MHz (FM Stereo)
Tatak101.9 True FM
Palatuntunan
WikaCebuano, Filipino
FormatNews, Public Affairs, Talk
NetworkTrue FM
AffiliationOne PH
REH Herbal Trading and Manufacturing (for weekday afternoon block)
Pagmamay-ari
May-ariNation Broadcasting Corporation
(TV5 Network Inc.)
DYET-TV (TV5)
DYKC-TV (RPTV)
DYAN-TV (One Sports)
Kaysaysayn
Unang pag-ere
1 Pebrero 1975 (1975-02-01)
Dating call sign
DYNC (1975–2008)
Dating pangalan
  • MRS (1975–1998)
  • Charlie @ Rhythms 101.9 (1998–2005)
  • 101.9 Charlie (2005-2008)
  • WAV FM (2009–2011)
  • Radyo5 (2011-2024)
Kahulagan ng call sign
Frequency Modulation
Impormasyong teknikal
Awtoridad na naglisensiya
NTC
ClassA, B, C, D, E
Power10,000 watts
ERP32,000 watts
Link
Websitenews.tv5.com.ph

Ang DYFM (101.9 FM) ay isang himpilan ng radyo na pag-aari at pinamamahalaan ng TV5 Network Inc. Kasalukuyan itong nagsisilbing riley ito ng True FM na nakabase sa Maynila. Ang mga opisina nito ay matatagpuan sa TV5 Complex, Capitol Road, Camp Marina, Brgy. Kalunasan, Lungsod ng Cebu, at ang transmiter nito ay matatagpuan sa Mt. Busay, Brgy. Babag 1, Lungsod ng Cebu. Ito ang kauna-unahang himpilan sa FM sa lungsod.[1][2]

1975–1998: MRS

[baguhin | baguhin ang wikitext]

Itinatag ang DYNC noong Pebrero 1, 1975 bilang kauna-unahang himpilan sa FM sa lungsod. Una ito kilala bilang MRS 101.9 (Most Requested Song) na may adult contemporary format. Kilala ito sa pagtugtog ng pinaka hinihiling na kanta kada oras. Nung panahong yan, nasa Vacation Hotel Cebu ang una nitong tahanan bago ito lumipat sa Krizia Bldg. sa kahabaan ng Gorordo Ave.

1998–2008: Charlie

[baguhin | baguhin ang wikitext]
Talaksan:DYNC logo.jpg
Charlie 101.9 logo mula 2005 hanggang 2009

Noong Setyembre 1, 1998, binili ng MediaQuest, na pinagmamay-ari ng PLDT, ang NBC mula sa pamilya Yabut family at Manny Villar. Noong Nobyembre, nag-rebrand ang himpilang ito sa Charlie @ Rhythms 101.9 na may Top 40 na format. Noong Agosto 1, 2005, naging 101.9 Charlie na binansagang "Get your Groove On" at nagpalit ito ng format sa Smooth AC. Gayunpaman, noong 2008, nawala ito sa ere dahil sa problemang pangpinansyal.[3]

2009–2011: WAV FM

[baguhin | baguhin ang wikitext]

Noong Setyembre 27, 2009, bumalik ang himpilang ito sa ere sa bago nitong call letters na DYFM. Noong Oktubre 1, kinuha ng Audiowav Media (WAV Atmospheric) ang operasyon ng mga himpilan ng NBC sa Kabisayaan at Mindanao, at muling inilunsad ito bilang 101.9 WAV FM . Meron itong Top 40 na format na binansagang "Philippines' Hit Music Station". Nawala ito ulit sa ere noong kalagitnaan ng 2011.[4]

2011–kasalukuyan: Radyo5/True FM

[baguhin | baguhin ang wikitext]
Talaksan:RADYO5 News FM Logo 2022.svg
Logo ng Radyo5 News FM mula Nobyembre 2022 hanggang Marso 7, 2023

Noong Disyembre 1, 2011, kinuha ng TV5 ang operasyon ng himpilang ito na inilunsad bilang Radyo5 101.9 News FM na may balita at talakayan na format. Lumipat ito sa kasalukuyan nitong tahanan sa TV5 Complex sa Kalunasan, habang lumipat ang transmiter nito sa Busay Hills.


Noong Nobyembre 12, 2012, inilunsad ng himpilang ito ang lokal na programa nito. Kabilang sa mga pgrograma nito ay ang Frankahai Ta! at Rated JP. Noong Setyembre 2016, kasunod ng pagkansela ng Aksyon Bisaya, kinansela nito ang mga lokal nitong programa bilang bahagi ng mga hakbang sa pagbawas sa gastos at ibinalik ito bilang riley ng DWFM.[5][6]

Noong 2017, kinuha ng REH Herbal Trading and Manufacturing, na pagmamay-ari ni Ka Rey Herrera at distributor ng KINGS Herbal, ang pang-umagang oras ng himpilang ito.

Noong Abril 2024, pinalitan ng Radyo5 ang sub-brand nito sa '''True FM''' at binansagan ito na "Dito Tayo sa Totoo!".

Noong Nobyembre 4, 2024, kasama ang himpilang ito sa binuong True Network. Kasalukuyan itong riley ng DWLA 105.9 na nakabase sa Maynila na nagsisilbing punong himpilan ng True FM.[7][8][9]

Mga sanggunian

[baguhin | baguhin ang wikitext]
  1. CEBU FM BROADCAST STATIONS | NTC Region 7
  2. Radyo 5 confident of attracting advertisers
  3. Speed-dating, matchmaking games by Itzamatch! highlight "Weddings at Marco Polo Plaza"
  4. Mediaquest, audioWAV Launch WAV FM
  5. TV5 Cebu radio
  6. "Cost cutting leaves TV5 Cebu journalists, workers in limbo". Inarkibo mula sa orihinal noong Setyembre 9, 2016. Nakuha noong Agosto 1, 2023.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  7. "From DZMM to Radyo5-DWFM: Prime Media scoops up radio assets of MVP Group". Bilyonaryo. Oktubre 27, 2024. Nakuha noong Oktubre 27, 2024.{{cite news}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  8. "NBC, PCMC in radio asset transfer talks". BusinessWorld. Oktubre 29, 2024. Nakuha noong Oktubre 29, 2024.{{cite news}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  9. "Lipat bahay: MVP moves Radyo5-True FM to another station as PCMC takes over 92.3 frequency". Bilyonaryo. Oktubre 28, 2024.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)