DWPM
Pamayanan ng lisensya | Lungsod Quezon |
---|---|
Lugar na pinagsisilbihan | Malawakang Maynila at mga karatig na lugar |
Tatak | DZMM Radyo Patrol 630 |
Palatuntunan | |
Wika | Filipino |
Format | News, Public Affairs, Talk |
Pagmamay-ari | |
May-ari | Philippine Collective Media Corporation |
Operator | Media Serbisyo Production Corporation (joint venture ng Philippine Collective Media Corporation at ABS-CBN Corporation) |
Kaysaysayn | |
Unang pag-ere | 30 Hunyo 2023 |
Kahulagan ng call sign | Prime Media |
Impormasyong teknikal | |
Awtoridad na naglisensiya | NTC |
Power | 10,000 watts |
Ang DWPM (630 AM), sumasahimpapawid bilang DZMM Radyo Patrol 630, ay isang himpilan ng radyo na pagmamay-ari ng Philippine Collective Media Corporation at pinamamahalaan sa pamamagitan ng joint venture nila ng ABS-CBN Corporation bilang Media Serbisyo Production Corporation. Ang estudyo nito ay matatagpuan sa ABS-CBN Broadcasting Center, Sgt. Esguerra Ave. cor. Mother Ignacia St., Brgy. South Triangle, Diliman, Lungsod Quezon; ang transmiter nito ay matatagpuan sa kahabaan ng F. Navarette St., Brgy. Panghulo, Obando, Bulacan. Dati nang itinalaga ang talapihitang ito sa DZMM na pag-aari ng ABS-CBN.
Kasaysayan
[baguhin | baguhin ang wikitext]Pinagmulan
[baguhin | baguhin ang wikitext]Noong Mayo 23, 2023, inanunsyo ng ABS-CBN Corporation na nagkaroon sila ng joint venture kasama ang Philippine Collective Media Corporation ng Prime Media Holdings, Inc., na pag-aari ni House Speaker Representative Martin Romualdez, upang makagawa at magdala ng iba't ibang programa sa himpapawid. Kabilang sa mga plano nito ay ang posibleng pagbabalik ng DZMM sa dati nitong talapihitan na 630 kHz.[1][2]
2023-2025: Radyo 630
[baguhin | baguhin ang wikitext]Noong Hunyo 26, 2023, nagsimulang umere ang talapihitang ito bilang bahagi ng pagsusuri. sa ilalim ng DWPM.[3]
Inilunsad ito noong Hunyo 30, 2023 bilang Radyo 630.[4] Noong nakaraang araw, nagpaalam ang mga host ng ilang mga programa mula sa TeleRadyo ay nagpaalala sa kanilang mga tagapagnood na subaybayan ang himpilang ito sa susunod na araw. Kasabay nito ang muling paglulunsad ng TeleRadyo bilang TeleRadyo Serbisyo, na ngayon'y bahagi ng joint venture.[5] Ito ay may opisyal na paglulunsad noong Hulyo 17, kasama ang pasinaya ng mga programa nito sa hapon at gabi.[6][7] Noong Agosto 5, ipinakilala nito ang mga programa nito tuwing Sabado at Linggo.
2025-kasalukuyan: Ang pagbabalik ng Radyo Patrol
[baguhin | baguhin ang wikitext]Noong Mayo 21, 2025, sa kalagitnaan ng mga balita tungkol sa pagkalugi ng Media Serbisyo Production Corporation dahil sa kakulangan ng mga advertiser ng himpilang ito, nagkaroon sila ng planong ibalik ang pangalan na DZMM.[8][9]
Noong Mayo 29, 2025 sa ganap ng 8:00 PM, muling inilunsad ang himpilang ito sa dati nitong pangalan na DZMM Radyo Patrol 630. Kasabay nito ang muling pagpalit ng pangalan ng TeleRadyo Serbisyo sa dati nitong pangalan na DZMM TeleRadyo at ang paglunsad ng bagong kanta nito ni Martin Nievera. Sa kabila ng mga pagbabago nito, nananatiling call letters ang DWPM batay sa kasalukuyang listahan ng NTC. Noong Hunyo 2, nananatili pa rin ang mga programa nito, bumalik ang mga dating programa ng DZMM na Maalaala Mo Kaya sa DZMM, Aksyon Ngayon at Radyo Patrol Balita.[10][11]
Mga sanggunnian
[baguhin | baguhin ang wikitext]- ↑ "Goodbye TeleRadyo, but DZMM 630 to rise from the dead". Rappler. May 24, 2023. Nakuha noong June 26, 2023.
- ↑ "ABS-CBN's Lopez strikes deal with Prime Media to bring back DZMM on the airwaves". Bilyonaryo. May 23, 2023. Nakuha noong June 26, 2023.
- ↑ "Former ABS-CBN radio 630 in AM band back on air as DWPM". Rappler. June 26, 2023. Nakuha noong June 27, 2023.
- ↑ de Castro, Isagani Jr. (June 30, 2023). "The politics of radio: New station DWPM Radyo 630 is born". Rappler. Nakuha noong June 30, 2023.
- ↑ de Castro, Isagani, Jr. (29 June 2023). "'Wag kayo bibitiw,' ABS-CBN show Sakto hosts tell supporters prior to TeleRadyo closure". Rappler. Nakuha noong 29 June 2023.
{{cite news}}
: CS1 maint: multiple names: mga may-akda (link) - ↑ Clarin, Alyssa Mae (June 30, 2023). "Employees bid goodbye to TeleRadyo as ABS-CBN's joint venture welcomes new radio". Bulatlat. Nakuha noong July 4, 2023.
- ↑ De Castro, Isagani Jr. (July 17, 2023). "Radyo 630 launches whole-day programming". Rappler. Nakuha noong July 17, 2023.
- ↑ Camus, Miguel R. (May 3, 2025). "ABS-CBN, Prime Media plan funding boost for TeleRadyo Serbisyo after P51M loss". InsiderPH. Nakuha noong June 6, 2025.
- ↑ Camus, Miguel R. (May 30, 2025). "Trusted DZMM brand makes nostalgic return to stem losses". InsiderPH. Nakuha noong June 6, 2025.
- ↑ Baizas, Gaby (May 29, 2025). "DZMM, Teleradyo return after 2 years". Rappler. Nakuha noong May 29, 2025.
- ↑ Krishnan, Ganiel (May 29, 2025). "DZMM Radyo Patrol 630 returns on air". ABS-CBN News. Nakuha noong May 29, 2025.
{{cite news}}
: CS1 maint: url-status (link)