DWAN-AM
Talaksan:DWAN1206 IBCRadio.png | |
Pamayanan ng lisensya | Lungsod Quezon |
---|---|
Lugar na pinagsisilbihan | Kalakhang Maynila at mga karatig na lugar |
Frequency | 1206 kHz |
Tatak | DWAN 1206 |
Palatuntunan | |
Wika | Filipino |
Format | News, Talk, Music |
Pagmamay-ari | |
May-ari | Intercontinental Broadcasting Corporation |
DZTV-TV (IBC) | |
Kaysaysayn | |
Unang pag-ere | 1973 |
Dating call sign | DWWA (1973–1984) |
Dating pangalan |
|
Dating frequency | 1160 kHz (1973–1978) |
Kahulagan ng call sign | D–WAN (pronounced "the one") |
Impormasyong teknikal | |
Awtoridad na naglisensiya | NTC |
Power | 10,000 watts |
Link | |
Webcast | Live Stream |
Ang DWAN (1206 AM) ay isang himpilan ng radyo na pagmamay-ari at pinamamahalaan ng Intercontinental Broadcasting Corporation. Ang estudyo nito ay matatagpuan sa IBC Compound, Lot 3-B, Capitol Hills Drive cor. Zuzuarregui Street, Brgy. Matandang Balara, Diliman, Lungsod Quezon, at ang transmiter nito ay matatagpuan sa Brgy. Marulas, Valenzuela .
Kasaysayan
[baguhin | baguhin ang wikitext]Itinatag ang himpilang ito noong 1973 ng Banahaw Broadcasting Corporation, isang kumpanyang pag - aari ng kaalyado ng Pangulong Marcoa na si Roberto Benedicto. Nasa 1160 kHz ang talapihitang ito at nasa ilalim ito ng call letters na DWWA. Noong Nobyembre 1978, lumipat ang talapihitan nito sa 1206 kHz. Noong 1984, nagpalit ito ng call letters sa DWAN.
Nang mabuwag ang BBC pagkatapos ng 1986 EDSA Revolution, inilipat ang pagmamay-ari ng DWAN sa Intercontinental Broadcasting Corporation at muli ito inilunsad bilang IBC Broadkast Patrol. Lumipat ito sa Broadcast City. Kabilang sa mga personalidad nito nung panahong ito ay sina Tita Betty Mendez, Henry Jones Ragas, Susan Enriquez at Friendly Nicky.
Noong Nobyembre 25, 1996, muling inilunsad ang DWAN sa ilalim ng pamamahala ng Asia Pacific News and Features na pinagmamay-ari ni Bubby Dacer. Kabilang sa mga personalidad nito ay sina Rod Navarro, Cesar Chavez, John Susi at Pol Velasco. Nawala ito sa ere noong 2004.[1]
Noong Setyembre 24, 2007, bumalik ito sa ere bilang MMDA Traffic Radio sa ilalim ng pamamahala ng Metropolitan Manila Development Authority. Lumipat ito sa Communications and Command Center ng ahensya sa EDSA corner Orense Street sa Makati. Nagsilbi itong himpilan ng impormasyon ng mga manlalakbay, kung saan nagbigay ito ng update sa trapiko, mga paalala sa pampublikong serbisyo at mga programa tungkol sa turismo ng mga lungsod at bayan sa Kalakhang Maynila. Kalaunan naka-simulcast ang ilan sa mga programa nito sa cable television sa pamamagitan ng MMDA TV.
Sa kabila ng pamamahala ng MMDA, may sarili din itong mga personalidad, kagaya nina Barr Samson, Ben Paypon, Hero Robregado at Gani Oro sa mga unang buwan nito.[2]
Noong Hulyo 13, 2010, nawala ito sa ere dahil sa Bagyong Basyang, ngunit bumalik ito sa ere pagkatapos ng isang linggo. Gayunpaman, noong Agosto 17, 2010, tuluyang pinahinto ng MMDA ang mga operasyon ng MMDA Traffic Radio at MMDA TV bilang bahagi ng mga hakbang sa pagtitipid. Isang milyon ang gastos ng MMDA sa mga operasyon nito bawat buwan.[3]
Noong Enero 18, 2024, inihayag ng IBC ang mga plano nitong buhayin ang himpilang ito. Bumalik ito sa ere noong Hunyo 20, at opisyal itong inilunsad noong Hulyo 1.[4] Pagkalipas ng dalawang araw, idinagdag ang TeleRadyo feed nito bilang digital subchannel ng IBC.
Mga sanggunian
[baguhin | baguhin ang wikitext]- ↑ "DWAN Back on Air". Philippine Manila Standard Publishing. Nobyembre 22, 1996. p. 39. Nakuha noong Setyembre 25, 2022 – sa pamamagitan ni/ng Google News.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ "Sun.Star: MMDA chief to be sued for dismissal of radio announcers". GMA News and Sun Star. Pebrero 25, 2008. Nakuha noong Hulyo 6, 2024.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ "Inquirer.net, MMDA stops radio, TV operations". Inarkibo mula sa orihinal noong 2010-08-20. Nakuha noong 2010-08-17.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ Velasco, Bill (1 Hunyo 2024). "DWAN returns". Philstar.com. Philstar Global Corp. Nakuha noong 1 Hunyo 2024.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link)