DWDB-TV

Mula sa Wikipediang Tagalog, ang malayang ensiklopedya
Tumalon sa: nabigasyon, hanapin
DWDB-TV
Kalakhang Maynila
Lungsod ng lisensiya Lungsod ng Quezon
Tatak Citynet Television 27
Mga kanal Analog: 27 (UHF)
Kaanib ng Di-aktibo
May-ari GMA Network, Inc.
Itinatag August 27, 1995
Kahulugan ng tatak pantawag DW
Double B (kilalang tawag din ito sa DZBB-TV at DZBB-AM)
Dating kaanib ng Independent (1995-1999)
Star TV bilang Channel [V] (1999 - 2001)
Lakas ng transmisor 30 kW

Ang DWDB-TV, UHF kanal 27, ay isang estasyong pantelebisyon sa Kalakhang Maynila. Pagmamay-ari ito ng GMA Network, ito ang kauna-unahang estasyon sa UHF na ginamit ng isang kilalang estasyon dito sa Pilipinas. Ang kanilang studio ay matatagpuan sa GMA Network Center sa Lungsod ng Quezon.

Kasaysayan[baguhin | baguhin ang batayan]

Nagsimula ang kanilang operasyon noong 27 Agosto 1995, na pinangalanan nila itong Citynet Television (o mas kilala sa Citynet). Ang estasyong ito ay pinalabas ng GMA Network bilang isang independent na estasyon. Ang gustong mangyari ng GMA-7 ay gamitin ang Citynet 27 bilang isang kanal na mag-pasok ng ibang palabas sa labas ng bansa (karamihan nito ay galing sa Estados Unidos). Ilan sa mga ito ay isinaling-Ingles na Hispanikong telenobela Ka Ina. Ang tanging nagawang lokal na palabas lamang nito ay Citynet Television News na binuo ng GMA News and Public Affairs.

Sa kasamaang-palad, dahil na din sa sobrang mahal na gastusin para ipalabas pa ang mga ito, ang UHF 27 ay pinalitan nila bilang isang estasyon ng tugtugang may bidyo, at pinangalanan nila ito bilang EMC (Entertainment Music Channel) noong 1999. Ito din ang kauna-unahang estasyon na ginawa ng lokal dito sa Pilipinas. Ilang buwan ang nakalipas, ang GMA ay nagkaroon ng kasunduan mula sa Asyanong brodkast na estasyon, STAR TV upang payagang gamitin ang DWDB bilang taga-ere ng Channel V Philippines, kung saan nagsimula din ito noong 19 Disyembre 1999. Noon din, ang GMA ay nagpalabas na din ng mga piling programa ng Channel V mula sa internasyonal na bersyon nito. Pero ang kasunduang ito ay hindi nagtagal dahil ang ilang stake ng GMA ay binili ng PLDT, na kung saan sila ay brodkaster din ng MTV Philippines gamit ang estasyon ng NBC at ng magulang ng kompanyang ito, MediaQuest Holdings. Dahil na din sa sobrang higpit ng labanan ng dalawang estasyon na ito, ang Channel V Philippines, kasabay ang kanal na ito ay nagsara noong 2001.

Sa kasalukuyan, plano nang gamitin ang kanal na ito ng GMA Network bilang digital na broadkaster nito sa Kalakhang Maynila. Ang kanal na ding ito ang magsisilbing repeater ng estasyong GMA News TV na kung saan kasalukuyang ineere ito sa VHF 11.

Mga kaugnay na artikulo[baguhin | baguhin ang batayan]

Padron:GMA Luzon