Helen Vela
Helen Vela | |
---|---|
Kapanganakan | 31 Oktubre 1946[1]
|
Kamatayan | 14 Pebrero 1992[1]
|
Mamamayan | Pilipinas |
Trabaho | artista |
Anak | Princess Punzalan |
Si Helen Vela (Oktubre 31, 1946 – Pebrero 14, 1992) ay isang artista, mamamahayag, tagapagbalita, DJ at brodkaster sa radyo, at prodyuser na mula sa bansang Pilipinas. Kilala siya sa pagiging host ng programa tuwing linggo ng hapon sa GMA 7 na pinamagatang Lovingly Yours, Helen na tanyag na programa noong dekada 1980. Ang pormant ng programang na ito ay nagbibigay payo si Helen sa sumusulat sa kanya at sinasadrama ang kuwento ng sumulat sa programa. Nagsimula si Helen bilang broadkaster sa radyo at naging tagapagbalita din siya sa programang balita sa telebisyon na GMA Balita.
Maagang buhay
[baguhin | baguhin ang wikitext]Ipinanganak si Helen Vela sa Maynila, Pilipinas noong Oktubre 31, 1946.[2] Pinalaki ng kanyang ina na si Virginia siya at kanyang mga kapatid ng mag-isa.[2] Lumaki sila sa hirap ngunit nagsikap ang kanyang ina na magkapaghanap ng trabaho at si Helen ay nakapag-aral sa isa sa mga mataas na paaralan na pinapatakbo ng Unibersidad ng Santo Tomas (UST), ang UST Education High School na mas mababa ang bayad sa matrikula.[2]
Nang nagkolehiyo, sa UST pa rin siya na nag-aral at kinuha ang kursong Edukasyon. Dahil sa magandang at malamig na boses, nagsimula siya sa mundo ng radyo noong tinedyer pa lamang siya.[2] Naging bahagi siya ng DZRM noong 1963 bilang broadkaster pagkatapos mag-awdisyon kasama ang kanyang mga kaklase sa UST.[3]
Karera
[baguhin | baguhin ang wikitext]Maliban sa pagiging broadkaster, si Helen ay naging DJ at tagapagboses din sa mga palatuntunan sa radyo. Nakapagtrabaho din siya sa himpilan ng radyo ng ABS-CBN at naging malapit sa kanyang mga katrabaho, partikular kay Joey de Leon na isang DJ din noon.[2] Noong 1975, napunta siya sa DZBB at ayon kay Gerry Geronimo, binago niya ng lubusan ang industriya ng brodkasting dahil nagbibigay siya ng impormasyon at serbisyo publiko habang nagbibigay aliw.[3]
Pinasok naman ni Helen ang daigdig ng telebisyon nang naging host siya ng Suerte sa Siete, isang palarong palabas.[4] Nangyari ito pagkatapos mamayagpag sa radyo ng isang dekada.[2] Nang naglaon, sumama din siya sa edisyong pang-Sabado ng Student Canteen, isang variety show na pinalabas araw-araw tuwing tanghali sa GMA 7.[2] Umeere ang Suerte sa Siete bago ang Student Canteen.[2]
Isa sa mga tanyag na palabas niya sa telebisyon ang Lovingly Yours, Helen na umere tuwing linggo ng hapon na nagsimula bilang palatuntunan sa radyo na DZBB.[5] Pagpapayo ang pormat ng palabas kung saan nagbibigay payo si Helen sa mga sumusulat sa kanya at sinasadrama ang kuwento ng sumulat sa kanya. Tinawag itong uri ng programa na ito bilang antolohiyang drama (o drama anthology sa Ingles)[6] dahil iba't iba ang istorya at iba't iba ang gumaganap. Noong Oktubre 1980, nailabas ang unang episodyo ng Lovingly Yours, Helen at sina Vivian Foz at Ariosto Reyes, Jr. ang panauhing artistang gumanap sa drama ng kuwento ng sumulat sa kanya.[7] Naging mataas ang marka o rating ng episodyo ng programang ito.[2] Nang lumipat si Coney Reyes mula Student Canteen tungo sa katapat na programang Eat Bulaga! (na umere sa RPN 9) noong 1982, sumama din si Helen sa paglipat at naging host din siya ng Eat Bulaga![8]
Maliban sa pagiging host sa telebisyon, naging tagapagbalita din siya sa balitang programa sa edisyong Filipino ng BBC 2 at dinala din niya sa himpilan na iyon ang programa niyang Lovingly Yours, Helen noong kalagitnaan ng dekada 1980.[9] Bukod sa paglabas sa telebisyon, naging prodyuser din siya ng pelikula at isa na dito ang pelikula na pinagbibidahan ni Fernando Poe, Jr. na Roman Rapido na nailabas noong 1983.[2] Ginamit din ang kanyang boses bilang voice over (panlapat na boses) sa mga pelikula ng Regal Films sa hiling ng direktor na si Ishmael Bernal.[2] Noong 1987, prinodyus din niya sa pamamagitan ng produksyong kompanya niya, ang HyperVision, ang palabas sa telebisyon na Princess na pinagbibidahan ng kanyang anak na si Princess Punzalan.[6]
Nang lumipas ang Rebolusyong EDSA ng 1986, bumalik siya sa GMA 7 at naging tagapagbalita din sa edisyong Filipino balita nito, ang GMA Balita.[3][2] Nagboluntaryo siya mapasama sa GMA Tanod kada isang araw sa isang linggo.[3] May alok sa kanya ang ABS-CBN para sa sarili niyang programa sa primetime (o oras na maraming nanonood) subalit tumanggi siya.[9]
Personal na buhay
[baguhin | baguhin ang wikitext]Maagang nakapag-asawa si Helen at ang unang niyang asawa ay si Orly Punzalan na isa ring personalidad sa radyo at telebisyon.[2] Nagkaroon sila ng dalawang anak, ang artistang din na si Princess Punzalan (na naging nars)[10][11] at ang pastor na si Paolo Punzalan.[12] Nagkahiwalay sila at naging pangalawang asawa ni Helen si Ben Hernandez na isa ring brodkaster[2] na naging pangulo ng IBC.[12] Nagkaroon sila ng isang anak si Reuben na may cleft palate o lamat sa labi na naitama sa pamamagitan ng operasyon.[2] Apo niya ang YouTuber na si Janina Vela[13] na anak ni Paolo.[14]
Tinuturing niyang matalik na kaibigan sina Coney Reyes, Tina Revilla at Vilma Santos.[2] Hinahangaan niya ang kapwa brodkaster na si Loren Legarda na noo'y host ng programang PEP Talk.[3]
Kamatayan
[baguhin | baguhin ang wikitext]Namatay si Helen Vela noong Araw ng mga Puso, Pebrero 14, ng 1992 sa sakit na lymphoma sa isang ospital sa Minnesota, Estados Unidos.[15] Nakalibing siya sa Manila Memorial Park (Liwasang Pang-alala ng Maynila).[15]
Pamana
[baguhin | baguhin ang wikitext]Noong 2004 nang naitatag ng ENPRESS ang Golden Screen Awards, ipinangalan ang isang parangal bilang pagkilala sa kanyang kontribusyon sa industriya ng telebisyon. Ito ang Helen Vela Lifetime Achievement Award.[16] Makikita din na nakasemento ang kanyang bituin sa Walk of Fame (Lakad ng Katanyagan) sa Eastwood, Lungsod Quezon.[17] Pinasinaya ang bituin niya sa Eastwood noong Disyembre 2011.[17]
Mga sanggunian
[baguhin | baguhin ang wikitext]- ↑ 1.0 1.1 Internet Movie Database (sa wikang Ingles), nm1817931, Wikidata Q37312, nakuha noong 9 Enero 2016
{{citation}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ 2.00 2.01 2.02 2.03 2.04 2.05 2.06 2.07 2.08 2.09 2.10 2.11 2.12 2.13 2.14 2.15 Francisco, Butch (2022-02-14). "The Butcher | Remembering Helen Vela on her 30th death anniversary". www.pikapika.ph (sa wikang Ingles). Nakuha noong 2022-03-31.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ 3.0 3.1 3.2 3.3 3.4 Dimapilis, Marie T. (1988-04-17). "Helen Vela through the years". news.google.com (sa wikang Ingles). Manila Standard. Nakuha noong 2022-03-31.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ Francisco, Butch (2003-06-26). "Past memorable shows on GMA 7". Philstar.com (sa wikang Ingles). The Philippine Star. Nakuha noong 2022-03-31.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ Francisco, Butch (2003-07-01). "Past memorable shows on GMA (continuation)". Philstar.com (sa wikang Ingles). The Philippine Star. Nakuha noong 2022-03-31.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ 6.0 6.1 Anarcon, James Patrick (2020-07-08). "Princess Punzalan: from Mula Sa Puso's primera kontrabida to international actress". PEP.ph (sa wikang Ingles). Nakuha noong 2022-03-31.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ Calderon, Nora (2019-08-16). "Heaven magiging Kapuso na?!". Philstar.com. Nakuha noong 2022-03-31.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ Francisco, Butch (2010-03-11). "Coming soon: Eat, Bulaga! silver special on DVD". Philstar.com (sa wikang Ingles). Nakuha noong 2022-03-31.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ 9.0 9.1 Francisco, Butch (2001-08-23). "The rich rewards of loyalty". Philstar.com (sa wikang Ingles). The Philippine Star. Nakuha noong 2022-03-31.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ "Princess Punzalan: Leaving her comfort zone to pursue her passion". RAPPLER (sa wikang Ingles). 2021-02-21. Nakuha noong 2022-03-31.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ "BIOGRAPHY". Princess Punzalan (sa wikang Ingles). Nakuha noong 2022-03-31.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ 12.0 12.1 Amoyo, Aster (2020-04-27). "Princess Idinetalye Ang Traumatic Childhood | Journal Online". journal.com.ph (sa wikang Ingles). Nakuha noong 2022-03-31.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ "Janina Vela shares what she learned from grandmother Helen Vela". Interaksyon (sa wikang Ingles). 2017-11-02. Nakuha noong 2022-03-31.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ Punzalan, Paolo (2017-04-12). "18 THINGS WE LOVE ABOUT JANINA". PAOLOPUNZALAN.COM (sa wikang Ingles). Inarkibo mula sa orihinal noong 2022-01-20. Nakuha noong 2022-03-31.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ 15.0 15.1 Eusebio, Aaron Brennt (2021-06-26). "IN PHOTOS: Filipino celebrities and personalities who were buried at Manila Memorial Park - Sucat". www.gmanetwork.com (sa wikang Ingles). Nakuha noong 2022-03-31.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ Vibas, Danny (2004-09-27). "GMA, ABS-CBN top winners in first staging of Golden Screen Entertainment Awards". The Manila Times (sa wikang Ingles). Nakuha noong 2022-03-31.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link)[patay na link] - ↑ 17.0 17.1 "Eastwood Walk of Fame gets new stars". ABS-CBN News (sa wikang Ingles). pp. 2011-12-02. Nakuha noong 2022-03-31.
{{cite news}}
: CS1 maint: date auto-translated (link)
- Mga artikulong may patay na panlabas na link (Mayo 2023)
- Mga artista mula sa Pilipinas
- Mga prodyuser ng pelikula
- Mga tagapagbalita mula sa GMA News and Public Affairs
- Mga tagapagbalita mula sa Pilipinas
- Mga mamamahayag mula sa Pilipinas
- Mga personalidad sa radyo mula sa Pilipinas
- Ipinanganak noong 1946
- Namatay noong 1992