Coney Reyes
Coney Reyes | |
---|---|
Kapanganakan | 27 Mayo 1954
|
Mamamayan | Pilipinas |
Nagtapos | Dalubhasaang Miriam |
Trabaho | host sa telebisyon, artista |
Anak | Vico Sotto |
Si Coney Reyes (ipinanganak na Constancia Angeline Nubla noong 27 Mayo 1954) ay isang artistang Pilipino. Higit siyang nakikilala bilang kasamang tagapagpasinaya sa Eat Bulaga noong dekada 1970 hanggang dekada 1980 (mula 1982 hanggang 1991). Pati na sa kanyang sariling antolohiya ng drama sa telebisyon, ang Coney Reyes on Camera, isang produksiyon ng kanyang kompanyang CAN Productions. Hinango ang mga titik ng CAN mula sa kanyang tunay na pangalan. Kilala rin sa negosyo ng pag-aartista si Reyes bilang isang Kristiyanong muling-isinilang o born again sa Ingles na katawagan, kaya't paminsan-minsan siyang nagiging tagapagpasinaya para sa The 700 Club. Sa loob ng panahon ng kanyang pamamahinga mula sa pag-aartista, nag-aral siya dalawang taon na kumukuha ng kurso sa pagmiministrong pampananampalataya. Nakatanggap siya ng parangal na Fishers of Men award. Bukod sa pag-aaral na ito, nag-aral rin siya ng pagluluto at ng kurso sa pagpaplano ng kasal.[1]
Naging isa rin siya sa mga tagapagpasinaya para sa palabas na Student Canteen ng GMA Network noong 1975.[kailangan ng sanggunian]
Naging dati siyang asawa ni Lauro "Larry" Mumar. Naging anak niya kay Mumar si Lawrence Mumar. Nagkaroon din siya ng ugnayan kay Vic Sotto. Nagkaroon sila ng anak na si Vico Sotto.[1]
Mga pelikula
[baguhin | baguhin ang wikitext]- 1975 - Ang Anting-Anting ni Ompong
Sa telebisyon
[baguhin | baguhin ang wikitext]- Coney Reyes on Camera (mula 1987 hanggang 1998)
- Eat Bulaga (mula 1982 hanggang 1991)
- Ang Munting Paraiso
- Ysabella bilang Victoria Amarillo
- Student Canteen (1975 hanggang 1982)
- The 700 Club Asia (1996 hanggang 2000, at noong 2006)
- Nathaniel (2015) bilang Angela Villanueva-Laxamana
Mga sanggunian
[baguhin | baguhin ang wikitext]- ↑ 1.0 1.1 Bonifacio, Tinna S. "Coney Reyes," Coney Reyes: Happy alone, On the comeback trail, STARSTUDIO North America Edition Naka-arkibo 2009-02-24 sa Wayback Machine., Tomo 3, Bilang 11, Nobyembre 2007, pahina 78. (sa Ingles)
Ang lathalaing ito na tungkol sa Talambuhay, Artista at Pilipinas ay isang usbong. Makatutulong ka sa Wikipedia sa pagpapalawig nito.