Loren Legarda
Loren Legarda | |
---|---|
Pangulong pro tempore ng Senado ng Pilipinas | |
Kasalukuyang nanunungkulan | |
Unang araw ng panunungkulan Hulyo 25, 2022 | |
Nakaraang sinundan | Juan Miguel Zubiri (umaakto) |
Kasapi ng Kapulungan ng mga Kinatawan mula sa Solong Distrito ng Antique | |
Nasa puwesto 30 Hunyo 2019 – 30 Hunyo 2022 | |
Nakaraang sinundan | Paolo Everardo Javier |
Sinundan ni | Antonio Legarda Jr. |
Senador ng Pilipinas | |
Kasalukuyang nanunungkulan | |
Unang araw ng panunungkulan Hunyo 30, 2022 | |
Nasa puwesto Hunyo 30, 2007 – 30 Hunyo 2019 | |
Nasa puwesto 30 Hunyo 1998 – 30 Hunyo 2004 | |
Pinuno ng Mayorya ng Senado ng Pilipinas | |
Nasa puwesto Hulyo 23, 2001 – Hunyo 3, 2002 | |
Nakaraang sinundan | Francisco Tatad |
Sinundan ni | Aquilino Pimentel, Jr. |
Nasa puwesto 23 Hulyo 2002 – 30 Hunyo 2004 | |
Nakaraang sinundan | Aquilino Pimentel, Jr. |
Sinundan ni | Francis Pangilinan |
Personal na detalye | |
Isinilang | Lorna Regina Bautista Legarda 28 Enero 1960 Malabon, Rizal, Pilipinas |
Kabansaan | Pilipino |
Partidong pampolitika | NPC (2005–kasalukuyan) |
Ibang ugnayang pampolitika | Lakas-CMD (1998–2003) |
Asawa | Antonio Leviste (1989–2008) |
Anak | Lorenzo at Leandro |
Tahanan | Maynila |
Alma mater | Assumption College Unibersidad ng Pilipinas |
Trabaho | Senador |
Propesyon | Mamamahayag; Ekolohista |
Websitio | Loren Legarda Luntiang Pilipinas |
Si Loren Legarda ay isang Pilipinong mamamahayag sa telebisyon, ekolohista, at politiko na naging senador at pangulong pro tempore ng Senado ng Pilipinas mula 2022. Sya ay may lahing Bisaya at kilala bilang ang katangi-tanging babaeng nanguna sa dalawang halalan para sa senado (1998 at 2007). Noong halalan nong 2004, tumakbo siya sa posisyong Pangalawang Pangulo bilang isang Independyente kasama at katambal ng yumaong Fernando Poe, Jr. Noong 2010, siya ay muling tumakbo sa posisyong Pangalawang Pangulo kasama naman ni Manny Villar. Naging House Deputy Speaker din si Legarda sa kanyang tatlong taong panunungkulan bilang kinatawan ng Antique mula 2019 hanggang 2022.
Karera
[baguhin | baguhin ang wikitext]Si Legarda ay kilalang nagsusulong ng Kaalaman sa Pagbabago ng Panahon at mayroon siyang maraming parangal sa mga adhikaing pagpapabuti ng lipunan at pagsulong sa karapatang pantao; kabilang ang mga ito sa mga nagawa niya bilang isang mamamahayag. Bilang isang mamamahayag, nakakuha siya ng maraming parangal. Noong 2008, napili siyang "United Nations International Strategy for Disaster Reduction Asia Pacific Regional Champion for Disaster Risk Reduction and Climate Change Adaptation". Kasama siya sa delegasyon ng Pilipinas noong 2009 Copenhagen Summit.
Ang Maranao Sultanate League ay pinarangalan siya ng titulong "Bai Alabi", o "Prinsesa". mayroon siyang lahing Karay-a at nakakapagsasalita siya ng mga wikang Ingles, Filipino, Ilonggo, Tagalog, at ang katutubo niyang Kinaray-a, ng may katutubong husay. Maliban pa rito, isa rin siya Tinyente Koronel sa Air Force Reserve Corps.
Kabataan
[baguhin | baguhin ang wikitext]Ipinanganak bilang Lorna Regina Bautista Legarda noong 28 Enero 1960 sa Malabon, si Legarda ay ang katangi-tanging anak na babae ni Antonio Cabrera Legarda ng San Pablo, Laguna at ni Bessie Gella Bautista ng Malabon, parehong may pinagmulan sa Antique.[1][2][3] Ang lolo niya sa ina ay si Jose P. Bautista, editor-in-chief bago ng Batas Militar sa pahayagang, The Manila Times, na isa rin sa mga poste ng pamamahayag sa Pilipinas. Bilang isang dalaga, lumabas siya sa iba't ibang patalastas sa telebisyon at pahayagan bilang isang modelo at/o DJ.[2] Sa kanyang kabataan, parati siyang nakakakuha ng parangal sa paaralan. Nakamit niya ang pagiging isang valedictorian matapos siyang mag-aral sa Assumption College, kung saan siya nag-aaral noong kanyang kabataan, habang nakapagtapos siya ng cum laude sa University of the Philippines.[2][3]
Pangkabuhayan
[baguhin | baguhin ang wikitext]RPN 9 at ABS-CBN (1985-1998)
[baguhin | baguhin ang wikitext]Sinimulan ni Legarda ang trabaho niya sa pamamahayag bilang isang reporter para sa RPN-9, kung kailan nagkaroon siya ng pagkakataong matanaw ang pagpunta ni Imelda Marcos sa Kenya pati na ang People Power Revolution.[2] Sa panahong ito, nakakuha siya ng master’s degree sa National Security Administration mula sa National Defense College of the Philippines, kung saan siya ang pinakamataas sa klase (ginawaran siya ng NDCP ng mga gintong medalya sa Kahusayang Pang-Akademiko at Pinakamahusay na Thesis) bagamat siya ang pinakabata. Sa mga sumunod na taon, lumipat siya sa estasyong ABS-CBN, kung saan ni Legarda makakamit ang pinakatanyag niyang mga nagawa bilang isang mamamahayag. Naging tagapagbalita siya ng palabas na The World Tonight at naging tagapahayag siya ng marangal na kinikilalang seryeng dokumentaryo, The Inside Story.[2] Isa sa pinakaipinagmamalaki niyang nagawa sa panahong ito ay ang di-pangkaraniwan niyang panayam kay Michael Jackson, na nagdedika ng awiting Heal the World sa mga Pilipino.[1] Sa panahong ito, nakakuha siya ng higit sa tatlumpung mga parangal, kabilang na ang Catholic Mass Media Hall of Fame, ang KBP Golden Dove Award, ang Gawad CCP, at ang Ten Outstanding Young Men and Women (TOYM) Award.[2][3]
Senado, ika-1 termino (1998-2004)
[baguhin | baguhin ang wikitext]Matapos maging Pangulo ng Pilipinas, inudyok ni Fidel V. Ramos si Legarda na tumakbo para sa Senado noong 1998 sa partidong Lakas-NUCD-UMDP.[2] Nahalal siya ng may mahigit 15 milyong mga boto, na nagdulot sa kanya bilang ang may pinakamaraming boto sa taong iyon. Sa kanyang unang termino, naging tanyag ang mga nagawa niya para sa mga nadakip dulot ng Himagsikan sa Pilipinas. Kabilang dito ang paglaya ng limang militar at pulis (kabilang si Heneral Victor Obillo ng Philippine Army) na nadakip ng CPP-NPA-NDF noong Abril 1999, ang paglaya ni Army Major Noel Buan noong Abril 2001 mula sa dalawang taong pagkadakip, at ang paglaya ng mamamahayag na si Arlene dela Cruz mula sa mga dumakip sa kanya na Abu Sayyaf sa Jolo, Sulu.
Sa unang anim na taon niya sa Senado, nagsulat si Legarda ng iba't ibang batas na iabubuti ng mga kababaihan at kabataan, gaya ng mga ss.:
- Anti-Domestic Violence Act - nais nito protektahan ang mga karapatang pantao ng mga kababaihan at ang kanilang mga anak.
- Anti-Child Labor Law - Inililimitahan nito ang pagtratrabaho ng mga kabataang di aabot sa 15 na taong gulang, pati ang oras ng trabaho ng mga nagtratrabahong kabataan, at pinapalawak nito ang pagkakataong makakuha ng suportang pang-medikal, panlipunan, pang-edukasyon, at pan-legal na pangangailangan ng mga kabataang nagtratrabaho.
- Anti-Trafficking in Persons Act - nais nitong protektahan ang mga biktima ng pangangalakal ng mga tao.
Isinulat din niya ang mga sumusunod na mga batas:[2]
- Ecological Solid Waste Management Law - ipinatupad ang National Solid Waste Management Commission, na ninanais magsagawa ng segregasyon ng mga kalat at basura.
- Tropical Fabric Law - isinasaad na ang paggamit ng mga telang tropikal na matatagpuan sa Pilipinas sa mga damit opisyal ng mga kawani at empleyado ng pamahalaan pati na sa mga gawaing pangpamahalaan gaya ng mga gawain sa opisina at sa mga opisyal na mga okasyon.
Maliban pa sa mga nagawang ito, nakapag-paaral di siya ng mga kabataang manggagawa sa mga paaralan sa pamamagitan ng "Libro ni Loren Foundation". nangangasiwa din siya ng tulong medikal para sa mga may kanser sa suso gamit ang "Bessie Legarda Memorial Foundation", na ipinangalan sa kanyang inang biktima rin ng naturang sakit. Malaki ang ginampangan papel ni Legarda noong paglilitis ni Joseph Estrada noong 2000-2001, na nakatulong sa pagsimula ng Ikalawang Rebolusyon sa EDSA.[2] Siya ang napiling pinuno ng Mayorya sa Senado noong 2001-2004.[2]
Halalan 2004 at ABC 5 (2004-2007)
[baguhin | baguhin ang wikitext]Umalis si Legarda noong 2003 sa Lakas-CMD (matapos sa di pagtupad ni Gloria Macapagal-Arroyo sa kanyang pangakong di pagtakbo bilang pangulo) at sumali siya sa Koalisyon ng Nagkakaisang Pilipino ni Fernando Poe, Jr. bilang isang Indepyendente noong halalan noong 2004.[4][5] Itinuring itong negatibo ng kanyang mga kritiko aya binansagan siyang isang "politikong paru-paro".[2] Natalo siya kamakailan sa kasamang mamamahayag sa ABS-CBN na si Senador Noli de Castro, na kabatambal naman ni Arroyo. Habang sinisisi si Arroyo ng pandaraya, nagpasa si Legarda ng protesta sa Korte Suprema.[1][2][6] Napagdasisyunan ng Korte Suprema na ibasura na lamang ang kaso dahil sa desisyon ni Legardang tumakbo sa senado noong 2007. habang nasa labas ng politika, ipinagpatuloy niya ang kanyang trabaho bilang mamamahayag sa estasyong ABC 5 (ngayon ay TV 5). Doon, naging tagapalabas siya ng palabas na Real Stories: Kasama si Loren, isang programang dokumentaryong hango sa orihinal niyang programang Kabalikat.
Noong 18 Enero 2008, sa isang 21 na pahinang resolusyon, na isinulat ni Senior Justice Leonardo Quisumbing, ang Kataas-taasang Hukuman ng Pilipinas, na gumaganap sa papel na Presidential Electoral Tribunal (PET), ay ibinasura ang protesta ni Sen. Loren Legarda laban kay Noli de Castro. Tatlong rason ang sumusuporta sa pagbasura: una, pinaburan ng PET ang rekomendasyon ng Hearing Commissioner at ng dating Commission on Elections (Comelec) Chair na si retired SC Justice Bernardo P. Pardo na "the pilot-tested revision of ballots or re-tabulation of the certificates of canvass would not affect the winning margin of the protestee in the final canvass of the returns, in addition to the ground of abandonment or withdrawal by reason of protestant’s candidacy for, election and assumption of the office Senator of the Philippines [hindi mababago ng pagbibilang uli ng mga balota ang resulta ng agwat ng dalawa, maliban pa sa pag-aabandona ng taga-protesta ng kanyang protesta ng kanyang pagtakbo sa Senado ng Pilipinas]”; Pangalawa, ang di pagtupad ni Legarda sa pagbabayad ng P 3.9 milyon ($ 1 = P 40) sa pagpapalit ng mga balota (sa 124,404 mga presinto) na bayad pamalit kahit na pinalawig na ang oras sa pagbayad ayon sa Rule 33 of the PET; At pangatlo, jurisprudence ni Defensor Santiago v. Ramos, na nagsasaad na si Legarda ay "effectively abandoned or withdrawn her protest when she ran in the Senate, which term coincides with the term of the Vice-Presidency 2004-2010 [tuluyang nang iniwanan ang kanyang protesta sa kanyang pagtakbo sa Senado, na kaugnay ng termino ng Pangalawang Pangulo na 2004-2010]." [7]
Sa isang pahayag sa telebisyon, sinabi ni Noli De Castro na: "This is the triumph of truth. The truth that I won fair and square. I thank the Supreme Court for echoing the true voice of the people. From the very beginning I was confident that I received the overwhelming mandate of our people as Vice President [Ito ay tagumpay ng katotohanan. Ang katotohanan na ako ang nanalo ng patas. Pinapasalamatan ko ang Kataas-taasang Hukuman na naglahad ng totoong boses ng lipunan. Mula pa sa simula, naniniwala na ako na ako ang nakakuha ng di-mapapantayang pagtanggap ng tao sa akin sa posisyong Pangalawang Pangulo]". Maglalabas naman si Legarda ng isang motion for reconsideration dahil sa resulta.[8]
Senado, ika-2 termino at Halalan 2010 (2007-kasalukuyan)
[baguhin | baguhin ang wikitext]Noong 2007, napagdesisyunan ni Legarda na tumakbo muli sa Senado sa ilalim ng kowalisyong Genuine Opposition. Nanalo siyang muli, sa umaabot ng 18 milyong na mga boto, ang pinakamataas sa ekeksiyong iyon. Noong 10 Enero 2008, nagsimula naman ang mga haka-hakang tatakbo si Legarda bilang pangulo matapos siya manguna sa isang survey sa panahong iyon.[9] Sa buwan ding iyon, nagbigay siya ng 1 milyong piso para sa 4-na-taong gulang na bingi na si Raphael Angelo Provido para sa isang cochlear implant sa Ospital Heneral ng Pilipinas.[10] Sa mga sumunod na buwan, magiging mahalaga ang papel na gaganapin niya sa paglaya ng mamamahayag ng ABS-CBN News na si Ces Drilon mula sa Abu Sayyaf.[2] Noong 14 Hulyo 2009, inanunsiyo ni Legarda na balak niyang tumakbo bilang pangulo sa halalan sa 2010.[11] Sa Agosto 15, ang kanyang batas, ang Magna Carta on Women ay naipasa.[2] [12] Sa paglunsad niya sa kanyang proyektong "Lingkod Loren in Luneta" noong 23 Oktubre 2009, pormal na inanunsiyo niya ang pagtakbo bilang bise-presidente sa 2010 sa ilalim ng partidong Nationalist People's Coalition sa platapormang maka-kalikasan.[2] Matapos naman magdesisyon si Francis Escudero na di na lang tumakbo, napagdesisyunan niyang tumakbo na lang kasama si Manny Villar ng Partido Nacionalista bilang isang guest-running mate.[2][13][14] Mapapasa ang dalaw ng pagkakandidato sa 30 Nobyembre 2009.[15] Nauna nang kritiko ni Villar si Legarda dahil sa isang kotrobesya sa pagpapahaba ng isang daanan ngunit ang sumunod ay dinidepensahan niya si Villar.[3][16]
Sa kanyang kasalukuyang termino, naipasa niya ang mga sumusunod na mga batas:
- Expanded Senior Citizens Law - nais nitong taasan ang diskawnt para sa mga nakatatandang mamamayan sa 32% sa mga bagay at serbisyo, magpatol ng mas malubhang parusa sa mga kalakalang hindi tumatanggap ng senior citizen's card, etc.
- Climate Change Law - gumagawa ito ng mga pamamaraang makakatulong sa epekto ng pagbabago ng klima gamit ang pagpapatupad ng polisiya [sa pagbabago ng klima], mga planong pagpapaunlad, istratehiya sa pagbabawas sa kahirapan, at iba pang bagay pagpaapunlad sa lahat ng tanggapan ng pamahalaan.
- Magna Carta for Micro, Small and Medium Enterprises (MSME) Act - ipinapatupad na ang lahat ng mga institusyon ng pagpapautang ay maglalaan ng 8% kabuuan nilang puhunan sa mga maliliit na mga mangangalakal.
- Cheaper and Quality Medicines Act - inaayos nito ang kabuuang presyo ng ilang piling mga gamot sa merkado at itinataas nito ang pagkaatoong makabili ng mumurahing gamot sa bansa.
- Revised Agri-Agra Law- iniuutos nito sa mga bangko ang paglalaan ng 25% ng kanilang puhunang maiiutang sa mga proyektong agrikultura at reporma sa sektaryong pang-agrarya.
Adhikaing pangkalikasan
[baguhin | baguhin ang wikitext]Sa kanyang "Luntiang Pilipinas Naka-arkibo 2020-08-19 sa Wayback Machine. Foundation", si Legarda ay nakapagtanim na ng mahigit dalawang milyong mga puno sa buong Pilipinas.[2] Sinumulan na niya 10@10: The Ten Million Trees Campaign, isang kompanya para makapagtanim ng 10 milyon mga puno sa pagkaabot ng taong 2011. Hangad ng kompanyang itong makatulong sa United Nations Environmental Program, na hinahangad ang pagtatanim ng pitong bilyong mga puno pagkaabot ng taong 2009. Isa sa mga pinakamahalaga niyang nakamit bilang ekolohista ay ang pagpasa ng "Climate Change Act" bilang batas noong Oktubre 2009.[2] Ipinasa niya ang batas dalawang noong 2007, mula sa Albay Declaration ng First National Conference on Climate Change Adaptation, na nagsasabing “ang pagpasa ng isang polisiyang makakatulong sa paghahanda para sa pagbabago ng klima ay dapat maisama sa pambansang adhikain”.[1] napili si Legarda ni Gloria Macapagal-Arroyo bilang isang miyembro ng delegasyo ng Pilipinas noong 2009 Copenhagen Summit.[1]
Nakakuha na si Legarda ng iba't ibang mga parangal bilang isang ekolohista. Kabilang dito ang "Global Leaders for Tomorrow" ng World Economic Forum sa Davos, Switzerland at ang "Global 500 Roll of Honour" ng United Nations Environmental Program (UNEP) noong 2001. Noong 2004, siya ay naging "Environment Awardee" ng Priyadarshni Academy sa Mumbai, India. Noong 2008, si Legarda ay napili bilang "UNISDR Asia Pacific Regional Champion for Disaster Risk Reduction and Climate Change Adaptation", at sumali siya sa Global Platform on Disaster Risk Reduction, tsa BBC World Debate: ‘Prevent or React’, at sa Forum on the Human Impact of Climate Change sa Geneva, Switzerland.[1][17]
Personal na buhay
[baguhin | baguhin ang wikitext]Si Legarda ay kasal sa dating gobernador ng Batangas na si Jose Antonio "Tony" Leviste mula 1989-2003. Mayroon silang dalawang anak na lalaki, si Lorenzo at Leandro. Hiwalay na ang dalawa.[2] Mayroon siyang lahing Karay-a at Kastila at nakapagsasalita siya ng iba't ibang wika gaya ng Ingles, Filipino, Ilonggo, Tagalog, at ang katutubo niyang Kinaray-a. Si Legarda ay kasalukuyang Tinyente Koronel sa Philippine Air Force Reserve Corps. Itinuturing siyang karangal-rangal ng mga Moro dahil ginawaran siya ng Maranao Sultanate League ng titulong "Bai Alabi", o "Prinsesa".[1][18]
Telebisyon/Pelikula
[baguhin | baguhin ang wikitext]Year | Film / Television | Role | Network |
---|---|---|---|
1975-86 | Discorama | DJ / Tagapalabas | GMA Network |
1980-86 | Who Knows That? | Tagapalabas | GMA Network |
1985 | Manila Envelope | Tagapalabas | |
1986-98 | The World Tonight | Taga-ulat | ABS-CBN |
1986-90 | Pep Talk | Taga-ulat | ABS-CBN |
1990-98 | The Inside Story | Taga-ulat | ABS-CBN |
2000 | Markova: Comfort Gay[19] | Sarili | |
2001-03 | Kabalikat: Loren Legarda | Taga-ulat | ABS-CBN |
2003 | Sa mata ng balita: 50 taong pamamahayag sa telebisyon | Taga-ulat | ABS-CBN |
2003-04 | Tara Tena | Taga-ulat | ABS-CBN |
2004-07 | Real Stories: Kasama si Loren | Taga-ulat | ABC 5 |
Pagkakasangkot sa Pork Barrel scam
[baguhin | baguhin ang wikitext]Janet Lim-Napoles | |
---|---|
Kapanganakan | Janet Luy Lim 15 Enero 1964 |
Nasyonalidad | Pilipino |
Trabaho | Negosyante |
Asawa | Jaime G. Napoles |
Anak | 4 |
Magulang |
|
Si Legarda ay nasangkot sa Pork barrel scam noong 2013 nang siya ay naglipat ng ₱45 milyon sa sa NGO ni Janet Lim-Napoles sa ilalim ng Panalang Dahon.[20]
Ayon sa dating empleyado ng JLN Corp. na si Mary Arlene Baltazar, ang ₱500 milyon mula sa Disbursement Acceleration Program (DAP) ng mga mambabatas ay inilaan sa mga NGO ni Napoles.[21]
Senador | Pondong nilipat sa NGO ni Napoles |
---|---|
Juan Ponce Enrile (Tanda) | ₱100 milyon[21] |
Bong Revilla (Pogi) | ₱100 milyon[21] |
Jinggoy Estrada (Sexy) | ₱150 milyon[21] |
Bongbong Marcos (Bongets) | ₱100 milyon[21] |
Loren Legarda (Dahon) | ₱45 milyon[21] |
Tito Sotto (Bigote) | ₱35 milyon[21] |
Mga sanggunian
[baguhin | baguhin ang wikitext]- ↑ 1.0 1.1 1.2 1.3 1.4 1.5 1.6 How Green is Loren's Valley?[patay na link]. 24 Enero 2010. Ricky Lo. The Philippine Star. Nakuha noong 6 Pebrero 2010.
- ↑ 2.00 2.01 2.02 2.03 2.04 2.05 2.06 2.07 2.08 2.09 2.10 2.11 2.12 2.13 2.14 2.15 2.16 2.17 2.18 Probe Profiles: Loren Legarda. Probe TV/ABS-CBN News. Cheche Lazaro. 20 Enero 2010. Nakuha noong 5 Pebrero 2010.
- ↑ 3.0 3.1 3.2 3.3 Loren primed for the vice-presidency. 6 Pebrero 2010. ABS-CBN News. Nakuha noong 6 Pebrero 2010.
- ↑ Corpus apologizes to Loren but sticks to accusations Naka-arkibo 2010-02-23 sa Wayback Machine.. Maynila. 7 Pebrero 2004. The Philippine Star/Philippine Headline News. Nakuha noong 13 Pebrero 2010.
- ↑ What do you think of the Villar-Legarda tandem?[patay na link]. Maynila. 22 Nobyembre 2009. The Philippine Star. Nakuha noong 13 Pebrero 2010.
- ↑ www.supremecourt.gov.ph, gmanews.tv/video, P.E.T. Case No. 003, Legarda vs. De Castro Naka-arkibo 2008-01-29 sa Wayback Machine.. GMA News. Nakuha noong Pebrero 5. 2010.
- ↑ "supremecourt.gov.ph/news, PET Junks Legarda's Poll Protest against VP De Castro". Inarkibo mula sa ang orihinal noong 2008-01-21. Nakuha noong 2010-03-02.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ Abs-Cbn Interactive, PET junks Loren's VP electoral protest
- ↑ Abs-CbN Interactive, Erap: I’ll choose myself[patay na link]
- ↑ www.abs-cbnnews.com, Legarda foots bill for deaf boy’s operation[patay na link]
- ↑ Avendaño, Christine (2009-07-14). "Legarda says she's ready to run for president". Philippine Daily Inquirer. Inarkibo mula sa ang orihinal noong 2009-07-17. Nakuha noong 2009-07-14.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ Magna Carta of Women signed[patay na link]. 15 Agosto 2009. The Philippine Star. Nakuha noong 7 Enero 2010.
- ↑ Legaspi, Amita (2009-10-23). "Legarda says she will run as veep under NPC in 2010". GMA News. Nakuha noong 2009-10-24.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ "(UPDATE 2) Escudero leaves NPC". 2009-10-28.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ "Proud of diverse slate, Villar, NP file COCs". ABS-CBN News.com.
- ↑ "Senate fails to tackle Villar report due to lack of quorum". GMA News.
- ↑ BBC World Debate ‘Prevent or React’. 1 Hulyo 2009. BBC/International Strategy for Disaster Reduction. Nakuha noong 5 Pebrero 2010.
- ↑ Golden Girl Loren Legarda. 27 Enero 2010. Martinez-Belen, Cristina. The Manila Bulletin. nakuha noong 6 Pebrero 2010.
- ↑ Loren Legarda. IMDb.
- ↑ https://newsinfo.inquirer.net/606763/senate-copy-of-luy-digital-files-found-to-have-deletions
- ↑ 21.0 21.1 21.2 21.3 21.4 21.5 21.6 http://www.philstar.com/headlines/2014/02/12/1289387/another-witness-vs-senators-surface