Bong Revilla

Mula sa Wikipediang Tagalog, ang malayang ensiklopedya
Jump to navigation Jump to search
Ramon "Bong" Revilla, Jr.
Bong Revilla


Panunungkulan
Hunyo 30, 2004 – Hunyo 30, 2016

Gobernador ng Kabite
Panunungkulan
Pebrero 6, 1998 – Hunyo 30, 2001
Sinundan si Epimaco Velasco
Sinundan ni Erineo Maliksi

Bise Gobernador ng Kabite
Panunungkulan
Hunyo 30,1995 – Pebrero 6, 1998
Sinundan si Danilo Lara
Sinundan ni Juanito Victor C. Remulla

Kapanganakan (1966-09-25) Setyembre 25, 1966 (edad 52)
Maynila, Pilipinas
Kabansaan Pilipino
Partidong politikal Lakas-CMD (1995–kasalukuyan)
Asawa Lani Mercado (Jesusa Victoria H. Bautista)
Tirahan Imus, Kabite
Hanapbuhay Artista, pulitiko
Relihiyon Romano Katoliko
Websayt Official website

Si Jose Marie Mortel Bautista[1] (ipinanganak 25 Setyembre 1966), mas kilala bilang Ramon "Bong" Revilla, Jr., o Bong Revilla, ay isang Pilipinong artista, politiko, at dating naging Senador ng Pilipinas.

Talambuhay[baguhin | baguhin ang batayan]

Nakatapos si Revilla ng elementarya noong 1979 sa Jesus Good Shepherd sa Bayan ng Imus at sa mataas na paaralan noong 1982 sa Fairfax High School, Los Angeles, California, USA.. Ama niya ang aktor rin na si Ramon Revilla, Sr. (Jose Acuna Bautista) at asawa naman niya si Lani Mercado (Jesusa Victoria H. Bautista). Mayroon silang mga supling na artista rin: sina Bryan Revilla at Jolo Revilla.

Pork barrel scam[baguhin | baguhin ang batayan]

Pangunahing lathalain: Pork barrel scam

Si Bong Revilla ay nadawit sa 2013 pork barrel scam at sinasabing naglipat ng kanyang mga pondong pork barrel sa mga pekeng NGO ng sinasabing utak ng scam na si Janet Lim-Napoles para sa mga hindi umiiral na proyekto kapalit ng pagtanggap ni Bong Revilla ng ₱224,512,500 kickback mula kay Napoles.[2]

Gantimpala[baguhin | baguhin ang batayan]

Taon Institusyon Kaurian Tumanggap Resulta
2001 PMPC Star Awards for Television Pinakamahusay na Aktor sa Komedya Idol Ko Si Kap Nanalo
2009 Pinakamahusay na Host sa Programang Pang-Edukasyon Kap's Amazing Stories Nanalo
2009 Metro Manila Film Festival [3] Pinakamahusay na Aktor Ang Panday Nanalo
2011 GMMSF Box-Office Entertainment Awards Box-Office Kings (with Vic Sotto)[4] Si Agimat at Si Enteng Kabisote Nanalo


Pelikula[baguhin | baguhin ang batayan]


Telebisyon[baguhin | baguhin ang batayan]

Talasanggunian[baguhin | baguhin ang batayan]