Nagkakaisang Oposisyon (Pilipinas)
United Opposition (UNO) | |
---|---|
Tagapangulo | Jejomar Binay |
Pangulo | Jejomar Binay |
Itinatag | 2005 |
Punong-tanggapan | Makati City |
Palakuruan | Neoliberalism |
Posisyong pampolitika | Centre-Left |
Kasapaing pandaigdig | None |
Ang United Opposition (o "Nagkakaisang Oposisyon" sa pagsasalin) ay isang Partido pampolitika sa Pilipinas. Tinawag nila ang kanilang sarili na koalisyon ng "Genuine Opposition" (Tunay na Oposisyon) sa kasagsagan ng Pangkalahatang halalan ng Pilipinas, 1992.
Kasaysayan
[baguhin | baguhin ang wikitext]Ang partidong United Opposition ay binuo ng Punong-bayan ng lungsod ng Makati na si Jejomar Binay noong Hunyo 2005 para pag-isahin ang lahat ng politiko na nagnanais na mapatalsik si Pangulong Gloria Macapagal-Arroyo. Ang UNO ay nagsimulang maghanap ng magiging kandidato para sa Senado noong Oktubre pa lang nang taong 2006 para makaukopa ang madaming posisyon sa Senado. Noong Enero 2007, nagsimula na ang UNO nang mga napipisil nilang kandidato mula sa madaming katauhan na interesadong sumali sa kanila. Pinalitan ng UNO ang kanilang pangalan noong 12 Pebrero 2007 sa Club Filipino sa Lungsod ng San Juan na maging "Grand and Broad Coalition" (GBC). Noong 15 Pebrero 2007 muli nitong pinalitan ang kanilang pangalan na maging Genuine Opposition (GO) matapos ang pakikipagpulong kay Senador Manny Villar sa opisina nito sa Las Piñas. Ang GO ang naging koalisyon ng mga oposisyon na may walong partido sa ilalim nito, kasama na ang naunang nabanggit na UNO. Bagamat tumatakbo sina Senador Manny Villar at Senador Francis Pangilinan, nanatili pa din silang independyente tulad noong 2001. Noong 28 Pebrero 2007, tinanggal ng Genuine Opposition si Francis Pangilinan bilang ampong kandidato.
Post-2007 election
[baguhin | baguhin ang wikitext]Noong 23 Enero 2008, Inihayag ng dating Pangulo ng Senado na si Ernesto Maceda, chairman emeritus ng UNO na sina Adel Tamano, dating kinatawan ng lalawigan ng Cavite na si Gilbert Remulla, kinatawan ng lalawigan ng Bukidnon na si Teofisto Guingona III, at sina Senador Jose "Jinggoy" Estrada at Maria Ana Consuelo "Jamby" Madrigal-Valade ang mga kandidato para sa Senador at maaaring kandidato sa pagka-Pangalawang Pangulo[1]
Sanggunian
[baguhin | baguhin ang wikitext]- ↑ "Inquirer.net, Opposition names some senatorial bets in 2010". Inarkibo mula sa orihinal noong 2008-01-23. Nakuha noong 2008-12-15.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) Naka-arkibo 2008-01-23 sa Wayback Machine.