Pumunta sa nilalaman

Oktubre

Mula sa Wikipedia, ang malayang ensiklopedya
1 2 3 4
5 6 7 8 9 10 11
12 13 14 15 16 17 18
19 20 21 22 23 24 25
26 27 28 29 30 31  
Oktubre, mula sa Très Riches Heures du Duc de Berry

Ang Oktubre ay ang ikasampung buwan sa kalendaryong Gregoryano.[1] Naglalaman ito ng tatlumpu't isang araw. Orihinal itong ikawalong buwan sa lumang kalendaryo ni Romulo noong mga bandang 750 BK, subalit nanatili ang pangalan nitong "Oktubre" (mula sa Latin at Griyegong ôctō na ibig sabihin ay "walo") kahit na naidagdag na ang Enero at Pebrero sa kalendaryong orihinal na ginawa ng mga Romano. Sa Sinaunang Roma, isa sa tatlong lapis manalis ang ginaganap tuwing Oktubre 5; ang Meditrinalia ay tuwing Oktubre 11; Augustalia tuwing Oktubre 12; October Horse o Kabayo ng Oktubre tuwing Oktubre 15; at Armilustrio tuwing Oktubre 19. Ang mga petsang ito ay hindi tumutugma sa modernong kalendaryong Gregoryano. Sa mga Anglo-Sahon, tinatawag nila ang buwang ito na Winterfylleth (Ƿinterfylleþ), dahil sa kabilugan ng buwan sa panahong ito ay sinasabing nagsisimula ang taglamig.[2]

Karaniwang inuugnay ang Oktubre sa panahon ng taglagas sa ilang bahagi ng Hilagang Emispero, at tagsibol sa ilang bahagi ng Timog Emispero, kung saan ito ang katumbas ng Abril sa Hilagang Emispero, at kabaligtaran naman.

Ang mga batong kapanganakan para sa Oktubre ay ang turmalina at opalo.[3] Ang bulaklak kapanganakan nito ay ang kalendula.[4] Ang mga tandang sodyak ng buwan ay Libra (hanggang Oktubre 22) at Scorpio (mula Oktubre 23 pataas). Ang opalo ay karaniwang iniuugnay sa mga pulseras o palamuti, habang ang turmalina ay makikita sa ginupit na anyo sa mga alahas.[5][6]

Dahon ng Pulang maple (Acer rubrum) sa Oktubre (Hilagang Emisperyo).
The kalendula
Cut tourmaline
Pinutol na turmalina
An opal armband. Opal is the birthstone for October.
Isang pulseras na opalo. Ang opalo ay isang batong kapanganakan para sa Oktubre

Mga pagdiriwang

[baguhin | baguhin ang wikitext]

Ang talaang ito ay hindi nangangahulugang may katayuang opisyal o pagdiriwang pangkalahatan.

Ang Mahal na Ina ng Banal na Santo Rosaryo na ang debosyon at Pista ay ipinagdiriwang sa Oktubre

Estados Unidos

[baguhin | baguhin ang wikitext]

Sa huling dalawa hanggang tatlong linggo ng Oktubre (at minsan pati ang unang linggo ng Nobyembre), karaniwang ito lamang ang panahong nagkakasabay-sabay ang apat na pangunahing propesyonal na liga ng isports sa Estados Unidos at Canada sa kanilang mga laro: nagsisimula ang preseason ng National Basketball Association (NBA) at kasunod nito ang regular na season pagkaraan ng halos dalawang linggo; nasa unang buwan ng regular na season ang National Hockey League (NHL); nasa kalagitnaan ng regular na season ang National Football League (NFL); at ang Major League Baseball (MLB) ay nasa yugto ng postseason, kabilang ang League Championship Series at World Series. Ang mga araw na sabay-sabay may laro ang apat na liga ay tinatawag na sports equinox.

  • Buwan ng Arkibong Amerikano
  • Buwan ng Pag-aampon ng Aso mula sa Silungan
  • Buwan ng Sining at Humanidades
  • Buwan ng Pag-iwas sa Pang-aapi
  • Buwan ng Kamalayan sa Cyber Security
  • Buwan ng Kamalayan sa Karahasang Pantahanan
  • Buwan ng Kasaysayan ng Pilipinong-Amerikano
  • Buwan ng Pamanang Italyanong-Amerikano
  • Buwan ng Pamanang Polakong-Amerikano
  • Pambansang Buwan ng Trabaho at Pamilya
  • Mga pagdiriwang Oktoberfest (iba't ibang petsa sa buong mundo depende sa lugar)

Unang Biyernes

[baguhin | baguhin ang wikitext]

Ikalawang Sabado

[baguhin | baguhin ang wikitext]
  • Pambansang Araw ng Pagtatanim ng Puno (Mongolia)

Huling Biyernes

[baguhin | baguhin ang wikitext]
  • Araw ng Neveda (Nevada, Estados Unidos) (bagaman aktuwal na sumali ang estado noong Oktubre 31, 1864)
  • Araw ng Guro (Australya) (kung Oktubre 31 ang huling Biyernes, ililipat ang pista sa Nobyembre 7)

Mga sanggunian

[baguhin | baguhin ang wikitext]
  1. Lotha, Gloria (Oktubre 31, 2010). "October" (sa wikang Ingles). The Editors of Encyclopaedia Britannica. Nakuha noong 9 Pebrero 2023.
  2. Chisholm, Hugh, pat. (1911). "October" . Encyclopædia Britannica (sa wikang Ingles) (ika-11 (na) labas). Cambridge University Press.
  3. "Gemstone Leaflet" (PDF) (sa wikang Ingles). Jewelers of America. Inarkibo mula sa orihinal (PDF) noong 2012-02-22. Nakuha noong Ene 22, 2012.
  4. SHG Resources. "Birth Months, Flowers, and Gemstones" (sa wikang Ingles). SHG Resources. Inarkibo mula sa orihinal noong 2012-09-11. Nakuha noong 2011-11-01.
  5. Dumaan ang Daigdig sa pinagtagpuan ng mga simbolo noong 22:59 UT/GMT Oktubre 22, 2020, at muling dadaan dito sa 104:51 UT/GMT Oktubre 23, 2021.
  6. "Astrology Calendar", yourzodiacsign. Signs in UT/GMT for 1950–2030. (sa Ingles)
  7. "CATHOLIC ENCYCLOPEDIA: Special Devotions For Months" (sa wikang Ingles). Newadvent.org. Nakuha noong 2012-10-24.
  8. "Health Literacy Month – Finding the Right Words for Better Health". www.healthliteracymonth.org (sa wikang Ingles). Inarkibo mula sa orihinal noong 2021-06-22. Nakuha noong 2025-06-25.
  9. "SDMS Medical Ultrasound Awareness Month". www.sdms.org (sa wikang Ingles).
  10. "Home - Rettsyndrome.org". www.rettsyndrome.org (sa wikang Ingles). Inarkibo mula sa orihinal noong 2016-10-10. Nakuha noong 2016-10-07.
  11. "October is World Blindness Awareness Month". www.aao.org (sa wikang Ingles). Inarkibo mula sa orihinal noong 2007-02-08. Nakuha noong 2025-06-25.
  12. "Hultin G. Why Celebrate Vegetarian Awareness Month? Food & Nutrition, October 7, 2014, Accessed November 14, 2018" (sa wikang Ingles). 13 Oktubre 2021. Inarkibo mula sa orihinal noong Hulyo 16, 2023. Nakuha noong Nobyembre 15, 2018.
Mga buwan at araw ng taon
Enero 0 1 2 3 4 5 6 7 8 9 10 11 12 13 14 15 16 17 18 19 20 21 22 23 24 25 26 27 28 29 30 31
Pebrero   1 2 3 4 5 6 7 8 9 10 11 12 13 14 15 16 17 18 19 20 21 22 23 24 25 26 27 28 29 30 31
Marso 0 1 2 3 4 5 6 7 8 9 10 11 12 13 14 15 16 17 18 19 20 21 22 23 24 25 26 27 28 29 30 31
Abril   1 2 3 4 5 6 7 8 9 10 11 12 13 14 15 16 17 18 19 20 21 22 23 24 25 26 27 28 29 30
Mayo 1 2 3 4 5 6 7 8 9 10 11 12 13 14 15 16 17 18 19 20 21 22 23 24 25 26 27 28 29 30 31
Hunyo 1 2 3 4 5 6 7 8 9 10 11 12 13 14 15 16 17 18 19 20 21 22 23 24 25 26 27 28 29 30
Hulyo 1 2 3 4 5 6 7 8 9 10 11 12 13 14 15 16 17 18 19 20 21 22 23 24 25 26 27 28 29 30 31
Agosto 1 2 3 4 5 6 7 8 9 10 11 12 13 14 15 16 17 18 19 20 21 22 23 24 25 26 27 28 29 30 31
Setyembre 1 2 3 4 5 6 7 8 9 10 11 12 13 14 15 16 17 18 19 20 21 22 23 24 25 26 27 28 29 30
Oktubre 1 2 3 4 5 6 7 8 9 10 11 12 13 14 15 16 17 18 19 20 21 22 23 24 25 26 27 28 29 30 31
Nobyembre 1 2 3 4 5 6 7 8 9 10 11 12 13 14 15 16 17 18 19 20 21 22 23 24 25 26 27 28 29 30
Disyembre     1 2 3 4 5 6 7 8 9 10 11 12 13 14 15 16 17 18 19 20 21 22 23 24 25 26 27 28 29 30 31