Pumunta sa nilalaman

Setyembre

Mula sa Wikipedia, ang malayang ensiklopedya
1 2 3 4 5 6
7 8 9 10 11 12 13
14 15 16 17 18 19 20
21 22 23 24 25 26 27
28 29 30  
Setyembre, mula sa Très Riches Heures du Duc de Berry

Ang Setyembre o Septyembre ang ika-9 na buwan sa mga kalendaryong Huliyano at Gregoryano. May 30 araw ang naturang buwan.

Ang Setyembre sa Hilagang Emisperyo at Marso sa Katimugang Emisperyo ay magkatumbas sa panahon.

Sa Hilagang Emisperyo, nagsisimula ang meteorolohikal na taglagas tuwing Setyembre 1. Sa Katimugang Emisperyo naman, nagsisimula ang meteorolohikal na tagsibol sa parehong araw, Setyembre 1.[1]

Sa Simbahang Silangang Ortodokso, ang Setyembre ang simula ng taon sa kalendaryong panrelihiyon. Ito rin ang simula ng taong pampaaralan sa maraming bansa sa Hilagang Emisperyo, kung saan ang mga bata ay bumabalik sa paaralan matapos ang bakasyon sa tag-init—minsan ay sa unang araw pa lamang ng buwan. May ilang ipinapanganak na Virgo at Libra sa buwan ng Setyembre—ang mga Virgo ay mula Setyembre 1 hanggang Setyembre 22, samantalang ang mga Libra ay mula Setyembre 23 hanggang Setyembre 30.

Ang Setyembre (mula sa Latin na septem, na nangangahulugang "pito") ay orihinal na ikapitong buwan sa pinakamatandang kalendaryong Romano na kilala—ang kalendaryo ni Romulo noong mga 750 BC—kung saan ang Marso (Martius sa Latin) ang unang buwan ng taon, hanggang sa mga bandang 451 BC.[2] Pagkatapos ng reporma sa kalendaryo na nagdagdag ng Enero at Pebrero sa simula ng taon, naging ikasiyam na buwan ang Setyembre subalit nanatili ang pangalan nito. Noon ay mayroon lamang itong 29 na araw hanggang sa repormang Huliyano na nagdagdag ng isang araw.

Astronomiya at astrolohiya

[baguhin | baguhin ang wikitext]

Sa buwang ito nagaganap ang ekinoksiyo ng Setyembre, at may ilang mga pagdiriwang na iniuugnay dito. Ito ang ekinoksiyo ng taglagas sa Hilagang Emisperyo at ekinoksiyo ng tagsibol sa Katimugang Emisperyo. Ang mga petsa ay maaaring mula ika-21 ng Setyembre hanggang ika-24 ng Setyembre (sa UTC).

Karamihan ng Setyembre ay kabilang sa ikaanim na buwan ng kalendaryong pang-astrolohiya (at ang unang bahagi ng ikapito), na nagsisimula sa katapusan ng Marso/Mars/Aries.

Forget-me-not, bulaklak-kapanganakan ng Setyembre

Ang batong kapanganakan ng Setyembre ay sapiro. Ang mga bulaklak na kaugnay nito ay ang forget-me-not, luwalhati sa umaga (o morning glory), at aster.[3][4] Ang mga tandang sodyak ay Virgo (hanggang Setyembre 22) at Libra (mula Setyembre 23).[5][6]

Sapiro, batong-kapanganakan ng Setyembre

Mga pagdiriwang

[baguhin | baguhin ang wikitext]

Unang Biyernes

[baguhin | baguhin ang wikitext]

Ikalawang Linggo

[baguhin | baguhin ang wikitext]

Ikatlong Sabado

[baguhin | baguhin ang wikitext]

Mga sanggunian

[baguhin | baguhin ang wikitext]
  1. Office, Met. "Met Office: Changing seasons". webarchive.nationalarchives.gov.uk. Inarkibo mula sa orihinal noong 2009-02-25. (sa Ingles)
  2. H.H. Scullard, Festivals and Ceremonies of the Roman Republic (Cornell University Press, 1981), p. 84; Gary Forsythe, Time in Roman Religion: One Thousand Years of Religious History (Routledge, 2012), p. 14. (sa Ingles)
  3. SHG Resources. "SHGresources.com". SHGresources.com. Inarkibo mula sa orihinal noong 2013-06-16. Nakuha noong 2013-08-22. (sa Ingles)
  4. "Flowerstower.com". Inarkibo mula sa orihinal noong Pebrero 24, 2013. Nakuha noong 2013-08-22.
  5. Dumaan ang Daigdig sa pinagtagpuan ng mga simbolo noong 13:30 UT/GMT ng Setyembre 22, 2020, at muling dadaan dito sa 19:21 UT/GMT ng Setyembre 22, 2021.
  6. "Astrology Calendar", yourzodiacsign. Mga simbolo sa UT/GMT para sa 1950–2030. (sa Ingles)
  7. TDT (2024-09-09). "A toast to grandparents". Daily Tribune (sa wikang Ingles). Nakuha noong 2025-06-24.
Mga buwan at araw ng taon
Enero 0 1 2 3 4 5 6 7 8 9 10 11 12 13 14 15 16 17 18 19 20 21 22 23 24 25 26 27 28 29 30 31
Pebrero   1 2 3 4 5 6 7 8 9 10 11 12 13 14 15 16 17 18 19 20 21 22 23 24 25 26 27 28 29 30 31
Marso 0 1 2 3 4 5 6 7 8 9 10 11 12 13 14 15 16 17 18 19 20 21 22 23 24 25 26 27 28 29 30 31
Abril   1 2 3 4 5 6 7 8 9 10 11 12 13 14 15 16 17 18 19 20 21 22 23 24 25 26 27 28 29 30
Mayo 1 2 3 4 5 6 7 8 9 10 11 12 13 14 15 16 17 18 19 20 21 22 23 24 25 26 27 28 29 30 31
Hunyo 1 2 3 4 5 6 7 8 9 10 11 12 13 14 15 16 17 18 19 20 21 22 23 24 25 26 27 28 29 30
Hulyo 1 2 3 4 5 6 7 8 9 10 11 12 13 14 15 16 17 18 19 20 21 22 23 24 25 26 27 28 29 30 31
Agosto 1 2 3 4 5 6 7 8 9 10 11 12 13 14 15 16 17 18 19 20 21 22 23 24 25 26 27 28 29 30 31
Setyembre 1 2 3 4 5 6 7 8 9 10 11 12 13 14 15 16 17 18 19 20 21 22 23 24 25 26 27 28 29 30
Oktubre 1 2 3 4 5 6 7 8 9 10 11 12 13 14 15 16 17 18 19 20 21 22 23 24 25 26 27 28 29 30 31
Nobyembre 1 2 3 4 5 6 7 8 9 10 11 12 13 14 15 16 17 18 19 20 21 22 23 24 25 26 27 28 29 30
Disyembre     1 2 3 4 5 6 7 8 9 10 11 12 13 14 15 16 17 18 19 20 21 22 23 24 25 26 27 28 29 30 31