Pebrero
<< | Pebrero | >> | ||||
Li | Lu | Ma | Mi | Hu | Bi | Sa |
1 | 2 | 3 | ||||
4 | 5 | 6 | 7 | 8 | 9 | 10 |
11 | 12 | 13 | 14 | 15 | 16 | 17 |
18 | 19 | 20 | 21 | 22 | 23 | 24 |
25 | 26 | 27 | 28 | 29 | ||
2024 |
Ang Pebrero ang ikalawang buwan ng taon sa Kalendaryong Gregoryano at ng Juliyano. Mayroong 28 araw ang buwan sa karaniwang taon at 29 sa bisyestong taon, na ang ika-29 na araw ay tinatawag na bisyestong araw. Ito ang una sa limang buwan na hindi 31 araw (ang ibang apat ay Abril, Hunyo, Setyembre, at Nobyembre) at ang tanging buwan na mas mababa sa 30 araw. Ikatlo at huling buwan ang Pebrero sa tagniyebeng meteorolohiko sa Hilagang Emisperyo. Sa Timog Emisperyo, ikatlo at huling buwan ang Pebrero ng tag-init na meteorolohiko (na Agosto ang katumbas na panahon sa Hilagang Emisperyo).
Sa Ingles, February ang tawag sa buwang ito. Ang salitang Pebrero ay hango sa salitang Kastila na Febrero. Ang buwan ay ipinangalan kay Februus, and diyos ng kadalisayan ng mga sinaunang Romano. Ang Enero at Pebrero ang pinakahuling buwan na dinagdag sa kalendaryo, dahil para sa mga Romano, ang tag-lamig ay panahon na walang buwan. Sa buwan ding ito ipinagdiriwang ang Araw ng mga Puso o Araw ni Valentin.
Kasaysayan
[baguhin | baguhin ang wikitext]Ipinangalan ang buwang Romano na Februarius sa katawagang Latin na februum, na nangangahulugang "puripikasyon", sa pamamagitan ng rituwal ng puripikasyon na Februa na ginaganap tuwing Pebrero 15 (kabilugan ng buwan) sa lumang lunar na kalendaryong Romano. Ang Enero at Pebrero ang huling dalawang buwan na naidagdag sa kalendaryong Romano, yayamang orihinal na tinuring ng mga Romano ang tagniyebe na isang panahon na walang buwan. Dinagdag ang dalawang buwan na ito ni Numa Pompilio noong mga 713 BC. Nanatiling huling buwan ng kalendaryo ang Pebrero hanggang sa panahon ng mga desenbirato (c. 450 BC), nang naging ikalawang buwan ito. May mga panahon na tinanggalan ng araw ang Pebrero sa 23 o 24 araw na lamang ang natitira, at agad na pinasok ang isang 27-araw na buwang interklaro, ang Interkalaris, pagkatapos ng Pebrero upang muling ihanay ang taon sa mga panahon.
Mga huwaran
[baguhin | baguhin ang wikitext]Mayroon lang 28 araw sa mga karaniwang taon, tanging Pebrero lamang ang buwan na dadaan na walang isang kabilugan ng buwan. Gamit ang Pangkalahatang Tugmang Oras bilang batayan para sa pagtukoy sa petsa at oras ng isang kabilugan ng buwan, huling nangyari ito noong 2018 at muling mangyayari sa 2037.[1][2] Totoo din ito sa isang bagong buwan: muli, kapag gagamitin ang Pangkalahatang Tugmang Oras bilang batayan, huling nangyari ito noong 2014 at mangyayari uli sa 2033.[3][4]
Mga simbolo
[baguhin | baguhin ang wikitext]Ang kapanganakang-bulaklak ng Pebrero ay ang biyoleta (Biyola) at ang karaniwang primabera (Primula vulgaris),[5] at ang Iris.[6]
Amatista ang kapanganakang-bato o birthstone nito. Sinisimbolo nito ang kabanalan, kababaang-loob, karunungang espirituwal, at pagkamatapat. Ang mga senyas ng sodyak ay Acuario (hanggang Pebrero 18) at Pissis (Pebrero 19 pataas).[7]
Mga pagdiriwang
[baguhin | baguhin ang wikitext]Hindi kinakailangan ang talang ito na magpahiwatig ng aliman sa katayuang opisyal o pangkalahatang pagdiriwang.
Buong buwan
[baguhin | baguhin ang wikitext]- Sa tradisyong Katoliko, ang Pebrero ay buwan ng Puripikasyon ng Pinagpalang Birheng Maria.
- Buwan ng Amerikanong Puso (Estados Unidos)
- Buwan ng Kasaysayan ng mga Itim (Estados Unidos, Canada)
- Pambansang Buwan ng Kalusugang Pangngipin ng mga Bata (Estados Unidos)[8]
Nakapirmi
[baguhin | baguhin ang wikitext]- Pebrero 1
- Pebrero 11
- Araw ni Evelio Javier (Puno ng Panay, Pilipinas)
- Pista ng Ating Ina ng Lourdes (Simbahang Katoliko), at kaugnay nito pagdiriwang:
- Pandaigdigang Araw ng May Sakit (Simbahang Romano Katoliko)
- Pebrero 14
- Presentasyon ni Jesus sa Templo (Simbahang Apostolikong Armeniyo)
- Araw ni San Valentin o Araw ng mga Puso (Internasyunal)
- Pebrero 25
Mga sanggunian
[baguhin | baguhin ang wikitext]- ↑ "Moon Phases 2018 – Lunar Calendar for London, England, United Kingdom". www.timeanddate.com (sa wikang Ingles). Inarkibo mula sa orihinal noong 2021-08-29. Nakuha noong 2021-08-25.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ "Moon Phases 2037 – Lunar Calendar for London, England, United Kingdom" (sa wikang Ingles). Inarkibo mula sa orihinal noong 2018-03-03. Nakuha noong 2018-03-03.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ "Moon Phases 2014 – Lunar Calendar for London, England, United Kingdom" (sa wikang Ingles). Inarkibo mula sa orihinal noong 2017-10-26. Nakuha noong 2017-10-26.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ "Moon Phases 2033 – Lunar Calendar for London, England, United Kingdom" (sa wikang Ingles). Inarkibo mula sa orihinal noong 2017-10-26. Nakuha noong 2017-10-26.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ "Birth Month Flowers". Babiesonline.com (sa wikang Ingles). Inarkibo mula sa ang orihinal noong 2016-08-05. Nakuha noong 2016-09-17.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ "Birth Month Flower of February - the Iris" (sa wikang Ingles). Inarkibo mula sa orihinal noong 2018-10-16. Nakuha noong 2018-10-16.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ "February Birthstone | Amethyst". Americangemsociety.org (sa wikang Ingles). Inarkibo mula sa orihinal noong 2013-06-30. Nakuha noong 2016-09-17.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ "National Children's Dental Health Month" (sa wikang Ingles). American Dental Association. 2017. Inarkibo mula sa orihinal noong Setyembre 15, 2017. Nakuha noong Setyembre 23, 2017.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link)