Pumunta sa nilalaman

Araw ng mga Puso

Mula sa Wikipedia, ang malayang ensiklopedya
(Idinirekta mula sa Valentine's Day)
Isang postkard noong 1910.

Ang Araw ng mga Puso (Ingles: Valentine’s Day) ay ang pagdiriwang ng kapistahan ni San Balentíno na ginaganap tuwing Pebrero 14. Dito ipinapahiwatig ng mga magkakasintahan, mga mag-asawa at mga pamilya ang kanilang pag-ibig sa isa't isa at nagpapadala ng mga bulaklak, kard at donasyon, kadalasan hindi sinasabi ang pangalan. Si San Balentíno, ayon sa Katolisismo, ang siyang patron ng mga magkasintahan.

Galing ang Araw ng mga Puso sa paganong pagdiriwang na Lupercalia[1], kung saan nagsasayawan at nag-iinuman ng alak ang mga tao. Noong taong 496, iniutos ni Santo Papa Gelasius I na gawing Kristiyanong ritwal ang mga paganong pagdiriwang kaya't binigyan ito ng bagong pangalan, ang Valentine's Day, bilang pagpupugay sa patron nito, si San Valentín.

Tatlong San Valentín ang nabuhay noong panahong iyon. Ang mga ito ay:

Ipinagbawal noon ni Emperador Claudius II na magpakasal ang mga sundalo ng Roma dahil nakapaghihina daw ito sa mga sundalo na lumalaban sa digmaan. Ngunit, lihim na nagkasal pa rin si San Valentín ng mga magkakasintahan. Dahil dito, ipinapatay siya noong 270.[2]

Kartang pambati

[baguhin | baguhin ang wikitext]

Itinuturing na isa sa pinagsimulan ng mga kartang pambati ang kapistahan ng Araw ng mga Puso. Sa pagdiriwang ng Lupercalia sa Roma tuwing Pebrero 15, nakaugalian ng mga sinaunang mga batang kalalakihan ang pagsulat ng mga pangalan ng mga batang kababaihan sa mga malalaking urno o plorera, kung kailan nagiging kapareha ng isang batang babae ang batang lalaki sa panahon ng pestibal. Upang magkaroon ng Kristiyanong kahulugan at mukha ang paganong selebrasyon, nilipat ng Simbahang Katolika ang Araw ng mga Puso mula Pebrero 15 patungong Pebrero 14, ang araw kung kailan naging martir ang santo at paring si Valentino.[1]

Lumitaw ang mga unang papel na pambating tarheta magmula noong mga ika-16 daantaon, na naglalaman ng mga tula ng pagmamahal at mga ginuhit na larawan ni Kupido, ang diyos ng pag-ibig, kasama ng kaniyang pamana at palaso. Naging tanyag ang pagdiriwang ng Araw ng mga Puso noong mga kalagitnaan ng ika-19 daantaon, ang panahon kung kailan ipinakilala sa madla ang mga sangkusing na postahe at mga sobre.[1]

Mga sanggunian

[baguhin | baguhin ang wikitext]
  1. 1.0 1.1 1.2 ""Early Valentines," Greeting Cards". The New Book of Knowledge (Ang Bagong Aklat ng Kaalaman), Grolier Incorporated. 1977.{{cite ensiklopedya}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  2. "The Golden Legend: The Life of Saint Valentine". Inarkibo mula sa orihinal noong 2012-01-12. Nakuha noong 2007-02-12.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)

Kalinangan Ang lathalaing ito na tungkol sa Kalinangan ay isang usbong. Makatutulong ka sa Wikipedia sa pagpapalawig nito.