Bohol
- Tungkol ito sa isang lalawigan sa Pilipinas. Para sa sayaw, tingnan ang Mazurka Boholana.
Bohol | |||
---|---|---|---|
Lalawigan ng Bohol | |||
| |||
Mapa ng Pilipinas na magpapakita ng lalawigan ng Bohol | |||
Mga koordinado: 9°54'N, 124°12'E | |||
Bansa | Pilipinas | ||
Rehiyon | Gitnang Kabisayaan | ||
Kabisera | Tagbilaran | ||
Pagkakatatag | 25 Marso 1565 (Huliyano) | ||
Pamahalaan | |||
• Uri | Sangguniang Panlalawigan | ||
• Gobernador | Erico Aristotle Aumentado | ||
• Manghalalal | 898,682 na botante (2019) | ||
Lawak | |||
• Kabuuan | 4,820.95 km2 (1,861.38 milya kuwadrado) | ||
Populasyon (senso ng 2020) | |||
• Kabuuan | 1,394,329 | ||
• Kapal | 290/km2 (750/milya kuwadrado) | ||
• Kabahayan | 286,768 | ||
Ekonomiya | |||
• Kaurian ng kita | ika-1 klase ng kita ng lalawigan | ||
• Antas ng kahirapan | 19.10% (2021)[2] | ||
• Kita | (2020) | ||
• Aset | (2020) | ||
• Pananagutan | (2020) | ||
• Paggasta | (2020) | ||
Pagkakahating administratibo | |||
• Mataas na urbanisadong lungsod | 0 | ||
• Lungsod | 1 | ||
• Bayan | 47 | ||
• Barangay | 1,109 | ||
• Mga distrito | 3 | ||
Sona ng oras | UTC+8 (PST) | ||
Kodigo postal | 6300–6346 | ||
PSGC | 071200000 | ||
Kodigong pantawag | 38 | ||
Kodigo ng ISO 3166 | PH-BOH | ||
Klima | tropikal na monsoon na klima | ||
Mga wika | Sebwano Wikang Eskayano | ||
Websayt | http://www.bohol.gov.ph/ |
Ang Bohol ay isang pulong lalawigan ng Pilipinas na matatagpuan sa rehiyong Gitnang Visayas. Lungsod ng Tagbilaran ang kabisera nito at nasa kanluran nito ang pulo ng Cebu, nasa hilagang-silangan naman ang Leyte at nasa timog, sa ibayo ng Dagat Bohol, ang Mindanao.
Tanyag ang lalawigan bilang destinasyong panturismo dahil sa mga magagandang dalampasigan at resorts.[3] Ang Chocolate Hills, ay ang pinakadinarayong tanawin sa lalawigan. Ang Pulo ng Panglao, na matatagpuan sa timog kanluran ng Lungsod ng Tagbilaran, ay tanyag na lugar pansisid at palaging nakatala bilang isa sa sampung pinakamagandang sisiran "diving location" sa buong daigdig. Ang tarsier, ang sinasabing pinakamaliit na unggoy sa buong daigdig, ay matatagpuan sa pulo.
Ito ang lalawigan ng ika-8 pangulo ng Pilipinas, si Carlos P. Garcia, na naging pangulo ng Pilipinas noong (1957–1961), ay isinilang sa Talibon, Bohol.[4]
Heograpiya
[baguhin | baguhin ang wikitext]Ang pulo ng Bohol ay isang pulong may hugis habilog, na may mga katamtamang taas ng mga bundok. Sa mga bundok ng Bohol matatagpuan ang mga pambihirang mga uri ng halaman at hayop. Binubuo rin ang pulo ng lalawigan ng mga burol. Sa Carmen, Batuan, at Sagbayan matatagpuan ang mga halos perpektong hugis na apang burol na tinatawag bilang Chocolate Hills. Ang Chocolate Hills sa Carmen, Bohol ay sinasabing isa sa mga natural na hiwaga ng Bohol at kadalasang sinasabing Hiyas ng Pilipinas.
Ang Chocolate Hills ng Pilipinas ay tanyag sa kanilang mga brown na burol. Ang mga marilag na burol na ito ay karaniwang natatakpan ng berdeng damo, na nagiging kulay ng tsokolate sa panahon ng tuyong panahon. Ang mga chocolaty at magnanimous na burol na ito ay higit sa isang libo ang bilang at nagkalat sa isang lugar na 50 square kilometros sa mga bayan ng Carmen, Batuan, at Sagbayan. [5]
May mga dalampasigan din sa pulo ng Bohol na puti ang buhangin. Ang pinakatanyag sa mga ito ay ang mga dalampasigan ng Pulo ng Panglao.
May apat na pangunahing mga ilog na dumadaloy sa Bohol. Ang Ilog Loboc ang pinakatanyag sa lahat dahil sa mga bangkang may kainang naglalayag doon na matatagpuan sa timog silangang bahagi ng pulo.
Mga bayan at lungsod
[baguhin | baguhin ang wikitext]Unang Distrito
[baguhin | baguhin ang wikitext]- Lungsod: Lungsod ng Tagbilaran
- Bayan: Alburquerque, Antequera, Baclayon, Balilihan, Calape, Catigbian,
Ikalawang Distrito
[baguhin | baguhin ang wikitext]- Bayan: Bien Unido, Buenavista, Clarin, Dagohoy, Danao, Inabanga, Jetafe,
Ikatlong Distrito
[baguhin | baguhin ang wikitext]- Garcia Hernandez, Guindulman, Jagna, Lila, Loay, Loboc, Mabini, Pilar, Sevilla,
- Sierra Bullones, Valencia
Mga sanggunian
[baguhin | baguhin ang wikitext]- ↑
"Province: Bohol". PSGC Interactive. Quezon City, Philippines: Philippine Statistics Authority. Nakuha noong 12 Nobyembre 2016.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ "2021 Full Year Official Poverty Statistics of the Philippines" (PDF). Pangasiwaan ng Estadistika ng Pilipinas. 15 Agosto 2022. Nakuha noong 28 Abril 2024.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ Socio-economic Profile Naka-arkibo 2015-11-19 sa Wayback Machine. bohol.gov.ph
- ↑ Bountiful Bohol Naka-arkibo 2017-03-12 sa Wayback Machine. www.aenet.org Hinago noong 15 Nobyembre 2006.
- ↑ Tuklasin ang Misteryo ng Chocolate Hills sa Bohol Naka-arkibo 2021-05-17 sa Wayback Machine., Philippines