Lalawigan ng Karabük
Lalawigan ng Karabük Karabük ili | |
---|---|
Lokasyon ng Lalawigan ng Karabük sa Turkiya | |
Mga koordinado: 41°13′25″N 32°38′25″E / 41.223611111111°N 32.640277777778°E | |
Bansa | Turkiya |
Rehiyon | Kanlurang Dagat Itim |
Subrehiyon | Zonguldak |
Pamahalaan | |
• Distritong panghalalan | Karabük |
Lawak | |
• Kabuuan | 4,109 km2 (1,586 milya kuwadrado) |
Populasyon (2016)[1] | |
• Kabuuan | 242,347 |
• Kapal | 59/km2 (150/milya kuwadrado) |
Kodigo ng lugar | 0370 |
Plaka ng sasakyan | 78 |
Websayt | http://www.karabuk.gov.tr |
Ang Lalawigan ng Karabük (Turko: Karabük ili) ay isang lalawigang walang baybaying-dagat sa Turkiya na matatagpuan sa hilagang bahagi ng Anatolia (hilagang kalagitnaang Turkiya), na nasa mga 200 km (124 mi) hilaga ng Ankara, 115 km (71 mi) ang layo mula sa Zonguldak at 113 km (70 mi) ang layo mula sa Kastamonu. Noong 2010, mayroon itong populasyon na 227,610. Karabük ang pangunahing lungsod nito na matatagpuan sa tinatayang 100 km (62 mi) timog ng baybayin ng Dagat Itim.
Isa ang Lalawigan ng Karabük sa pinakabagong lalawigan sa Turkiya. Hanggang 1995, distrito ito ng Zonguldak, nang naging isang il (panlalawigang kalagitnaan) sa sarili nitong karapatan. Natatag noong in 1995, kinabibilangan ito ng mga distrito ng Karabük, Eflani, Safranbolu at Yenice na dating bahagi ng Lalawigan ng Zonguldak at mga distrito ng Eskipazar at Ovacık na dating bahagi ng Lalawigan ng Çankırı.
Naitala ang Safranbolu, isang mahalagang lungsod sa kasaysayan at bahagi ng lalawigan, sa Pandaigdigang Pamanang Pook ng UNESCO.
Mga distrito
[baguhin | baguhin ang wikitext]Nahahati ang lalawigan ng Karabük sa 6 na distrito (nasa makapal ang distritong kabisera):
- Eflani
- Eskipazar
- Karabük
- Ovacık
- Safranbolu
- Yenice
Mga sanggunian
[baguhin | baguhin ang wikitext]- ↑ Turkish Statistical Institute, dokumentong spreadsheet' – Population of province/district centers and towns/villages and population growth rate by provinces (sa Ingles at Turko)