Lalawigan ng Tekirdağ
Lalawigan ng Tekirdağ Tekirdağ ili | |
---|---|
Lokasyon ng Lalawigan ng Tekirdağ sa Turkiya | |
Mga koordinado: 40°58′40″N 27°31′06″E / 40.97777°N 27.51839°E | |
Bansa | Turkiya |
Rehiyon | Kanlurang Marmara |
Subrehiyon | Tekirdağ |
Pamahalaan | |
• Distritong panghalalan | Tekirdağ |
Lawak | |
• Kabuuan | 6,218 km2 (2,401 milya kuwadrado) |
Populasyon (2016)[1] | |
• Kabuuan | 972,875 |
• Kapal | 160/km2 (410/milya kuwadrado) |
Kodigo ng lugar | 0282 |
Plaka ng sasakyan | 59 |
Ang Lalawigan ng Tekirdağ (Turko: Tekirdağ ili, pagbigkas [teˈciɾdaː]) ay isang lalawigan sa Turkiya na matatagpuan sa rehiyon ng Silangang Thrace, kilala din bilang ang Turkiyang Europeo, isa sa talong mga lalawigan na buong nasa lupalop ng Europa. Nasa hangganan ng Lalawigan ng Tekirdağ ang Lalawigan ng Istanbul sa silangan, Lalawigan ng Kırklareli sa hilaga, Lalawigan ng Edirne sa kanluran, at ang tangway ng Gallipoli ng Lalawigan ng Çanakkale sa timog.
Ang lungsod ng Tekirdağ ang kabisera ng lalawigan, at ang pinakamalaking lungsod sa Turkiyang Europeo maliban sa seksyong Europeo sa Istanbul.
Agrikultura
[baguhin | baguhin ang wikitext]Isa ang lalawigan ng Tekirdağ sa mga mahahalagang rehiyong sa Turkiya para sa viticulture at paggawa ng alak. Tanyag ang baybayin sa pagitan ng Tekirdağ at Şarköy, partikular ang Mürefte, bilang mga sentro ng mga gawaan ng alak. Nagpapalago ang 22 sa 27 mga nayon ng Şarköy ng ubas at nakakagawa ng alak. May mga kilalang gumagawa ng alak sa rehiyon, kabilang ang "Doluca", "Gülor", "Kutman", "Bağcı" at "Latif Aral". Ang ibang mga gumagawa ng alak sa rehiyon ay ang Hoşköy, Şarköy at "Umurbey" sa Tekirdağ.[2]
Mga distrito
[baguhin | baguhin ang wikitext]- Çerkezköy
- Çorlu
- Ergene
- Hayrabolu
- Kapaklı
- Malkara
- Marmara Ereğlisi
- Muratlı
- Saray
- Süleymanpaşa
- Şarköy
- Tekirdağ
Mga sanggunian
[baguhin | baguhin ang wikitext]- ↑ Turkish Statistical Institute, dokumentong spreadsheet' – Population of province/district centers and towns/villages and population growth rate by provinces (sa Ingles at Turko)
- ↑ Akyol, Cahit (2005-06-04). "İşte Türkiye'nin şaraplık üzüm haritası". Hürriyet (sa wikang Turko). Nakuha noong 2015-07-28.
{{cite news}}
: CS1 maint: date auto-translated (link)