Lalawigan ng Treviso

Mula sa Wikipedia, ang malayang ensiklopedya
Lalawigan ng Treviso

Provincia di Treviso
Katedral ng Treviso.
Katedral ng Treviso.
Mapang nagpapakita ng kinaroroonan ng Lalawigan ng Treviso sa Italya
Mapang nagpapakita ng kinaroroonan ng Lalawigan ng Treviso sa Italya
Bansa Italya
RehiyonVeneto
KabeseraTreviso
Comune95
Pamahalaan
 • PanguloStefano Marcon
Lawak
 • Kabuuan2,479.83 km2 (957.47 milya kuwadrado)
Populasyon
 (Hunyo 31, 2020)
 • Kabuuan885,616
 • Kapal360/km2 (920/milya kuwadrado)
Sona ng orasUTC+1 (CET)
 • Tag-init (DST)UTC+2 (CEST)
Postal code
31100, 31010-31023, 31025-31040, 31043-31059
Telephone prefix0421, 0422, 0423, 0438
Plaka ng sasakyanTV
ISTAT026
Websaytprovincia.treviso.it

Ang Lalawigan ng Treviso (Italyano: Provincia di Treviso) ay isang lalawigan sa rehiyon ng Veneto ng Italya. Ang kabesera nito ay ang lungsod ng Treviso . Ang lalawigan ay napapalibutan ng Belluno sa hilaga, Vicenza sa kanluran, Padua sa timog-kanluran, Venecia sa timog-silangan, at Friuli-Venecia Julia sa silangan. Ang ilog ng Piave ay dumadaan sa lalawigan habang ang mga ilog na Sile at Cagnan ay dumadaan sa kabesera.[1] Ang palayaw ng lalawigan ay La Marca Trevigian. Mayroon itong maunlad na ekonomiya at isang mahalagang producer ng alak.[2] Ito ay sumasaklaw sa isang lugar na 750 kuwadradong milya.[3]

Ang lalawigan ng Treviso ay itinatag ng mga Selta ngunit umunlad sa ilalim ng mga Romano bago ito nasakop ng kontrol ng Hun, Ostrogodo, at Lombardo.[4] Sa panahon ng pamumuno ng mga Romano, ang lalawigan ay tinawag na Tarvisium.[1] Noong Unang Digmaang Pandaigdig ang lalawigan ay lubhang napinsala ng Hukbo ng Austria.[1]

Ang lalawigan ay may kabuuang populasyon na humigit-kumulang 900,000 Magmula noong 2016. Mayroong 95 na munisipalidad sa lalawigan.[1] Ang Marathon ni San Antonio ay isang tanyag na pangyayari sa lungsod ng Vedelago ng lalawigan. Ito ay isang taunang pangyayari na inorganisa sa tuwing huling Linggo ng Abril. Ang karera ay nagsisimula sa lungsod at nagtatapos sa Padua. Sa kanilang paglalakbay ang mga mananakbo ay dumaan sa walong magkakaibang bayan.[2] Ang muwebles, sport system, tela, alak, sapatos, at makinarya ay ilan sa mga pangunahing komersiyal na produkto sa lalawigan.[5]

Matatagpuan ang Bundok Montello sa lalawigan. Ang talampas ng Cansiglio ay binigyan ng pangalang-Kakahuyan ng Pinakapayapang Republika dahil nagtustos ito ng kahoy para sa paggawa ng maraming barkong Veneciano.[6]

Mga sanggunian[baguhin | baguhin ang source]

  1. 1.0 1.1 1.2 1.3 Domenico 2002.
  2. 2.0 2.1 Fabris 2005.
  3. Bell 1832.
  4. Wilhelm 1881.
  5. Cindio & Aurigi 2012.
  6. "Treviso, Veneto". Italia. Tinago mula sa orihinal noong 12 July 2016. Nakuha noong 18 September 2014.

Mga pinagmumulan[baguhin | baguhin ang source]