Pumunta sa nilalaman

Lansangang-bayang Maria Clara L. Lobregat

Mula sa Wikipedia, ang malayang ensiklopedya

Ang Lansangang Maria Clara Lorenzo Lobregat (Ingles: Maria Clara Lorenzo Lobregat Highway), na karaniwang tinatawag na MCLL Highway, ay isang pambansang lansangan na dalawa hanggang apat ang mga linya at dumadaan sa silangang dalampasigan ng Lungsod ng Zamboanga, sa Tangway ng Zamboanga, Pilipinas. Dumadaan ito mula sa sangandaan ng Santa Cruz hanggang sa Barangay Licomo sa hilaga ng lungsod sa hangganan nito sa lalawigan ng Zamboanga Sibugay. Sa ilalim ng Batas Republika Blg. 9270 na inaprubahan noong Marso 19, 2004, ipinangalan ang lansangan mula sa yumaong alkalde ng lungsod na si Maria Clara Lobregat.[1]

Ang lansangan ay isang bahagi ng Pan-Philippine Highway na itinakdang bahagi ng Asian Highway Network bilang AH26 AH26. Ang Lungsod ng Zamboanga ay ang katimugang dulo ng lansangang ito.

Mga sanggunian

[baguhin | baguhin ang wikitext]
  1. "Text of Republic Act 9270". The ChanRobles Group. Nakuha noong 1 Mayo 2009.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)