Lantaka
Ang Lantaka ay isang uri ng baril na ginagamit sa Karagatang Timog Silangang Asya bago pa man dumating ang mga mananakop mula sa Europa[1]. Ito ay sandatang inilululan sa mga bangka at sa mga tanggulan o kota[2][3].
Di lamang pandigma ang mga lantaka, kundi ginagamit din ang mga ito bilang salapi na ginagamit sa pangangalakal[3].
Paglalarawan
[baguhin | baguhin ang wikitext]Kadalasan itong yari sa tanso. Ang mga lantaka ay sari-sari sa haba, ngunit ang karaniwang haba ay nasa humigit-kumulang isang metro (~1m) o mga dalawang talampakan at isang bisig(~40in), habang ang butas naman ay may laking humigit-kumulang tatlong sentimetro (~3cm) o halos isang pulgada (~1in)[4]. May lawit ito sa likuran na ginagamit bilang kabitan ng kahoy na hawakan nang sa maitutok sa kaaway[3]. Kalimitan itong nilalagyan ng mga palamuti, na kahit ang karaniwang baril ay may mga palamuti[4].
Mga sanggunian
[baguhin | baguhin ang wikitext]- ↑ Lantaka Mula sa bansa.org, noong 2016
- ↑ A history of the Philippines ni David P. Barrows noong 2011.
- ↑ 3.0 3.1 3.2 Bronze Lantaka Mula sa Land and Sea Collection.
- ↑ 4.0 4.1 CANNONS OF THE MALAY ARCHIPELAGO ni Don Davie. Nakalap noong Pebrero 1, 2022.
Ang lathalaing ito ay isang usbong. Makatutulong ka sa Wikipedia sa pagpapalawig nito.