Lapian ng Katipunan
Kinakailangang isulat muli ang artikulong ito. Pag-usapan ang mga pagbabago sa pahina ng usapan. |
Nangangailangan ang artikulo o seksiyon na ito ng pagwawasto sa balarila, estilo, pagkakaisa, tono o baybay. |
Ang Lapian ng Katipunan ay saksi ang Kabite sa tunggalian nina Emilio Aguinaldo at Andres Bonifacio sa kapangyarihan. Sa lalawigang ito nabuo ang dalawang konseho o lapian ng Katipunan – ang Magdiwang at Magdalo.
Kabilang sa lapiang Magdiwang ang magkapatid na Mariano at Pascual Alvarez, Emiliano Riego de Dios, Mariano Trias, Ariston Villanueva at marami pang iba. Ang unang tanggapan nito ay matatagpuan sa Noveleta, at di nagtagal ay inilipat sa San Francisco Malabon. Sakop nito ang mga bayan ng Rosario, Sta. Cruz de Malabon, Naic, Ternate, Maragondon, Magallanes, Bailen, Indang at Alfonso, maging ang bayan ng Nasugbu sa Batangas.
Pinamumununan naman nina Baldomero at Emilio Aguinaldo, kasama sina Candido Tirona, Edilberto Evangelista, at Cayetano Topacio, ang lapiang Magdalo. Ang unang punong tagpuan nila ay sa Kawit at nang lumaon ay sa Imus. Umabot ang kanilang sinasakupan sa mga bayan ng Bacoor, Dasmariñas, Silang, Mendez at Amadeo, hanggang sa Talisay sa Batangas.
Idinepensa naman ni Aguinaldo, noong 31 Oktubre 1896, sa pamamagitan ng isang manipesto na ang adhikain ng rebolusyong hangad niya ay kalayaan. Isinuhestiyon niyang magtayo ng isang pamahaalang rebolusyonaryo na bubuuin ng isang central revolutionary committee na may anim na kasapi, isang municipal committee at mga delegado na kakatawan sa municipal committees.
Habang inilalatag ni Aguinaldo ang kanyang mga balakin ay nasa kabundukan naman ng Malabon (ngayon ay lalawigan ng Rizal) si Bonifacio kung kaya't ang huli'y walang kamalay-malay dito at nalaman na lamang niya ito sa pamamagitan ni Edilberto Evangelista. Ayon sa Supremo ng Katipunan, hindi na kinakailangang bumuo ng gayong uri ng pamahalaan ngunit sapat na ang kung anong mayroon na ang Katipunan (may pamahalaang sentral, sariling Konstitusyon at tiyak na layunin). Upang wakasan na ang di pagkakaunawaang ito, ipinatawag si Bonifacio sa Cavite. Ngunit sa kasawiang palad, wala siyang nagawa upang ayusin ang suliranin, bagkos, isang kumbensiyon ang naganap upang ihalal ang mga bagong pinuno ng Pamahalaang Rebolusyonaryo.