Edilberto Evangelista
Tulungang mapabuti po ito sa pamamagitan ng pagdagdag ng mga pagsipi sa mga sangguniang mapagkakatiwalaan. Tandaan lamang po na maaari pong mapagdudahan at matanggal ang mga hindi beripikadong nilalaman. |
Edilberto Evangelista | |
---|---|
Kapanganakan | Pebrero 24, 1862 Santa Cruz, Maynila |
Kamatayan | Pebrero 17, 1897 |
Si Edilberto Evangelista ay ipinanganak noong Pebrero 24, 1862 sa Santa Cruz, Maynila. Ang kanyang amain ay si Don Juan Evangelista.
Si Evangelista ay nag-aral sa Colegio de San Juan de Letran at nagtapos ng kursong Bachiller en Artes noong 1876. Naging katulong na guro sa Segunda Enseansa. Nagpatuloy ng pag-aaral sa Unibersidad ng Ganti sa Belhika, at kinuha ang kursong Inhinyeriya. Nagbalik siya sa Pilipinas at sumama sa mga maghihimagsik. Gumawa siya ng tanggulan na nasa Binakayan. Ito ay naagaw noong 1897 at lubos na hinangaan ng punong Heneral Marina. Pinagtanggol niya ang tanggulan sa Ilog ng Zapote nang minsang sakupin ang lalawigan ng Cavite ni Heneral Polavieja. Ang labanang ito ang pinakamadugong labanang naganap at sa kauna-unahang pagkakataon namayani ang pangkat ni Heneral Evangelista.
Napatay si Heneral Evangelista noong Pebrero 17, 1897.
Ang lathalaing ito ay isang usbong. Makatutulong ka sa Wikipedia sa pagpapalawig nito.