Pumunta sa nilalaman

Sulat Latin

Mula sa Wikipedia, ang malayang ensiklopedya
(Idinirekta mula sa Latin alphabet)
Sulat Latin
UriAlpabeto
Panahon~700 BC hanggang sa kasalukuyan
Mga magulang na sistema
ISO 15924Latn, 215
DireksyonKaliwa-kanan
Alyas-UnicodeLatin
PAALALA: Maaaring naglalaman ang pahinang ito ng mga simbolong pamponetikong IPA.

Ang sulat Latin, tinatawag din bilang sulat Romano, ay isang pangkat ng mga grapikong tanda (sulat) na nakabatay sa klasikong alpabetong Latin. Hinango ito mula sa isang anyo ng bersyong Griyegong Kumas ng alpabetong Griyego na ginagamit ng mga Etrusco. May ilang alpabetong sulat-Latin, na ibang ang mga grapema, kolasyon at ponetikong halaga mula klasikong alpabetong Latin.

Batayan ang sulat Latin ng Internasyunal na Ponetikong Alpabeto at ang 26 na pinakalaganap na mga titik ay ang mga titik na naglalaman sa ISO pamantayang alpabetong Latin.

Batayan ang sulat Latin para sa pinakamalaking bilang ng mga alpabeto sa anumang sistema ng pagsulat[1] at pinakamalawak ang pagkupkop na sistema ng pagsulat sa sanlibutan (karaniwang ginagamit ng 70 bahagdan ng populasyon ng mundo). Ginagamit ang sulat Latin bilang ang pamantayang kaparaanan ng pagsusulat sa karamihan sa mga wika sa Kanluran, Gitna, at gayon din sa Silanganing Europa, gayon din sa maraming wika sa ibang bahagi ng sanlibutan.

Tinatawag ang sulat na sulat Latin o sulat Romano, na tinutukoy ang pinagmula nito sa sinaunang Roma. Sa konteksto ng transliterasyon, mahahanap ang katawagang "rominasasyon."[2][3] Ginagamit ng unicode ang katawagang "Latin"[4] at gayon din ang Internasyunal na Organisasayon para sa Standardisasyon (ISO).[5]

Tinatawag na sistemang pamilang ang sistemang pamilang Romano, at ang koleksyon ng mga elemento na tinatawag na mga pamilang Romano. Ang mga bilang na 1, 2, 3 ... ay ang sulat Latin/Romano para sa sistemang pamilang Hindu-Arabe.

Malalaking titik
A B C D E F G H I J K L M N
Ñ Ng O P Q R S T U V W X Y Z
Maliliit na titik
a b c d e f g h i j k l m n
ñ ng o p q r s t u v w x y z

Mga sanggunian

[baguhin | baguhin ang wikitext]
  1. Haarmann 2004, p. 96.
  2. "Search results | BSI Group" (sa wikang Ingles). Bsigroup.com. Nakuha noong 2014-05-12.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)[patay na link]
  3. "Romanisation_systems" (sa wikang Ingles). Pcgn.org.uk. Nakuha noong 2014-05-12.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  4. "ISO 15924 – Code List in English" (sa wikang Ingles). Unicode.org. Nakuha noong 2013-07-22.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  5. "Search – ISO" (sa wikang Ingles). Iso.org. Nakuha noong 2014-05-12.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)