Pumunta sa nilalaman

Shorea

Mula sa Wikipedia, ang malayang ensiklopedya
(Idinirekta mula sa Lauan)

Shorea
Shorea roxburghii
Klasipikasyong pang-agham e
Kaharian: Plantae
Klado: Tracheophytes
Klado: Angiosperms
Klado: Eudicots
Klado: Rosids
Orden: Malvales
Pamilya: Dipterocarpaceae
Subpamilya: Dipterocarpoideae
Sari: Shorea
Roxb. ex C.F.Gaertn.
Mga seksyon
  • Anthoshorea
  • Brachypterae
  • Doona
  • Mutica
  • Neohopea
  • Ovalis
  • Pachycarpae
  • Pentacme
  • Richetioides
  • Rubella
  • Shorea

Ang Shorea ay isang genus ng mga 196 espesye na pangunahing punongkahoy ng kagubatan sa pamilya ng Dipterocarpaceae. Ipinangalan ang genus kay Sir John Shore, ang gobernador-heneral ng Kompanyang Briton ng Silangang Indya, 1793–1798. Ibinebenta ang kahoy ng mga puno ng genus na ito sa ilalim ng pangalang lauan, luan, lawaan, meranti, seraya, balau, bangkirai, at Philippine mahogany (Pilipinong mahogany).[1]

Katutubo ang Shorea spp. sa Timog-silangang Asya, mula sa hilagang Indya hanggang Malaysia, Indonesia, at Pilipinas. Sa kanlurang Malesia at Pilipinas, namamayani ang genus na ito sa abot-tanaw ng mga kagubatang tropikal. Nasa taas na 88.3 m ang pinakamataas na angiosperma na Shorea faguetiana ay nasa Tawau Hills National Park, sa Sabah sa pulo ng Borneo, at sa liwasan na iyon, mayroon hindi bababa sa lima pang mga espesye ng genus na ito ang nasukatan na higit sa 80 m ang taas: S. argentifolia, S. gibbosa, S. johorensis, S. smithiana, at S. superba.[2] Episentro din ang Borneo ng sari-saring uri na endemika sa pulo.[3]

Reproduktibong biyolohiya

[baguhin | baguhin ang wikitext]

Karamihan ng Shorea spp. ay pangkalahatang namumulaklak na espesye, na isang kaganapan na nagaganap sa iregular na agwat na 3–10 taon, na halos lahat ng espesyeng dipterocarp kasama ang espesye ng ibang pamilya ay namumulaklak ng sobra.[4] Inisip na ang pangkalahatang pamumulaklak ay nag-ebolusyon upang busugin ang maninila ng binhi[5] at/o upang mapadali ang polinasyon.[4] Tila may merito ang parehong paliwanag.[6] Inisip na nagkaroon ng pamumulaklak dahil sa tagtuyot sa panahon ng pagpalit mula La Niña tungong El Niño.[7] Iminungkahi ang laki ng kaganapang pamumulaklak ay depende sa tiyempo ng tagtuyot na kaugnay sa siklo ng El Niño southern oscillation (ENSO), na may malaking mga kaganapan ang nangyayari pagkatapos ng agwat ng ilang mga taon na walang pamumulaklak.[7]

Mga sanggunian

[baguhin | baguhin ang wikitext]
  1. Lauan - The Wood Database (sa Ingles)
  2. "Borneo" (sa wikang Ingles). Eastern Native Tree Society. Inarkibo mula sa orihinal noong 2012-02-15. Nakuha noong 2008-06-21.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  3. Ashton, P. S. "Dipterocarpaceae". In Tree Flora of Sabah and Sarawak, Bolyum 5, 2004. Soepadmo, E.; Saw, L. G. and Chung, R. C. K. eds. Government of Malaysia, Kuala Lumpur, Malaysia. ISBN 983-2181-59-3 (sa Ingles)
  4. 4.0 4.1 Sakai, Shoko; K Momose; T Yumoto; T Nagamitsu; H Nagamasu; A A Hamid; T Nakashizuka (1999). "Plant reproductive phenology over four years including an episode of general flowering in a lowland dipterocarp forest, Sarawak, Malaysia". American Journal of Botany (sa wikang Ingles). 86 (10): 1414–36. doi:10.2307/2656924. JSTOR 2656924. PMID 10523283. Nakuha noong 2007-11-13.{{cite journal}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  5. Curran, Lisa M.; M. Leighton (2000). "Vertebrate responses to spatiotemporal variation in seed production of mast-fruiting Dipterocarpaceae". Ecological Monographs (sa wikang Ingles). 70 (1): 101–128. doi:10.1890/0012-9615(2000)070[0101:VRTSVI]2.0.CO;2. hdl:2027.42/116363.{{cite journal}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  6. Maycock, Colin R.; R. N. Thewlis; J. Ghazoul; R. Nilus; David F. R. P. Burslem (2005). "Reproduction of dipterocarps during low intensity masting events in a Bornean rain forest". Journal of Vegetation Science. 16 (6): 635–46. doi:10.1658/1100-9233(2005)016[0635:RODDLI]2.0.CO;2.{{cite journal}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  7. 7.0 7.1 Sakai, Shoko; Rhett D. Harrison; Kuniyasu Momose; Koichiro Kuraji; Hidetoshi Nagamasu; Tetsuzo Yasunari; Lucy Chong; Tohru Nakashizuka (2006). "Irregular droughts trigger mass flowering in aseasonal tropical forests in Asia". American Journal of Botany (sa wikang Ingles). 93 (8): 1134–39. doi:10.3732/ajb.93.8.1134. PMID 21642179. Nakuha noong 2007-11-13.{{cite journal}}: CS1 maint: date auto-translated (link)