Pumunta sa nilalaman

Laureano Vallenilla Lanz

Mula sa Wikipedia, ang malayang ensiklopedya
Laureano Vallenilla Lanz
Kapanganakan10 Nobyembre 1870(1870-11-10)
Kamatayan16 Nobyembre 1936(1936-11-16) (edad 66)
NasyonalidadBenesolano
TrabahoDalub-ulnong
AnakLaureano Vallenilla
Pirma

Si Laureano Vallenilla Lanz (10 Nobyembre 1870 – 16 Nobyembre 1936) ay isang Benesolanong manunulat, mamamahayag, dalub-ulnong, at mananalaysay na umupo sa pagkapangulo ng konggreso nang 20 na taon sa rehimen ni Juan Vicente Gomez.[1][2]

Mga Unang Taon

[baguhin | baguhin ang wikitext]

Anak ni José Vallenilla Cova at ni Josefa María Lanz Morales, si Laureano Vallenilla ay pangatlo sa anim na magkakapatid: sina Leonor, José de Jesús, Baltasar, Hercilia, Josefina at Agustín. Ang hindi tiyak na pormal na edukasyong natatanap ni Laureano Vallenilla hanggang sa kanyang pagkalalabintaunin ay dinagdagan ng nababasa niya sa silid-aklatan ng ama, kung saan kagawian niyang magbasa ng mga manunulat na hindi karaniwan sa kaniyang gulang, gaya nina John Stuart Mill, Augusto Comte, Herbert Spencer at Charles Darwin. Binubuod ng talaan ng itong mga manunulat ang mga bagong takbo ng makaagham at politikal na kaisipan noong ika-19 na dantaon. Kasama na rin dito ang mga klasiko ng Espanyol at Pranses na panitikan.[3]

Mga sanggunian

[baguhin | baguhin ang wikitext]
  1. von Vacano, Diego A. (2012). The Color of Citizenship: Race, Modernity and Latin American / Hispanic Political Thought. Oxford, UK: Oxford University Press. pp. 83–111. ISBN 9780199746668.{{cite book}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  2. (sa Kastila) "Vallenilla Lanz, Laureano" Naka-arkibo 2012-02-06 sa Wayback Machine., biography, Instituto Venezolano de Investigaciones Cientificas. Hinango noong Nobyembre 20, 2007.
  3. El Nacional-Funtrapet. Rostros y Personajes de Venezuela. Fascículo 17: Consolidar un Estado (sa wikang Kastila).