Pumunta sa nilalaman

Lawa ng Lanao

Mga koordinado: 7°53′31″N 124°15′09″E / 7.89194°N 124.25250°E / 7.89194; 124.25250
Mula sa Wikipedia, ang malayang ensiklopedya
Lawa ng Lanao
Lawa ng Lanao-Mapa ng saluhang ulan ng Ilog ng Agus
Lokasyon Lanao del Sur
Pangunahing Pinanggagalingan 4 sanga ng ilog'
Pangunahing nilalabasan Ilog ng Agus
Mga bansang lunas Pilipinas
Painakamahaba 33 km (21 mi)
Pinakamaluwag 20 km (12 mi)
Lawak 340 km2 (130 mi kuw)
Karaniwang lalim 60.3 m (198 tal)
Pinakamalalim 112 m (367 tal)
Haba ng dalampasigan1 115 km (71 mi)
Pagkakaangat ng ibabaw 700 m (2,300 tal)
Mga pamayanan Marawi City
1 Ang haba ng dalampasigan ay isang hindi tukoy na pagsukat.

Ang Lawa ng Lanao mula sa salitang (Maranao: na Ranao o Ranaw)[1] ito ay isang malaking lawa sa Pilipinas, na matatagpuan sa Lanao del Sur lalawigan ng bansa sa kanlurang bahagi ng isla ng Mindanao. Ito ay mayroong pang-ibabaw na sukat na may sukat na 340 kilometro kwadrado (131 milya kwadrado),ito ang pinakamalaking lawa sa Mindanaw,pangalawa sa pinakamalaking lawa sa Pilipinas at kabilang sa labinlimang sinaunang lawa sa buong mundo.

Katangiang Pisikal

[baguhin | baguhin ang wikitext]

Ang lawa ay nabuo mula sa tektonika na hugis batya (basin) sa gitna ng dalawang bundok at mula sa guho ng malaking bulkan. Ito ay may maksimang lalim na 112 metro at may katuturang lalim na 60.3 metro. Ang basin ay may pinakamababaw na bahagi patungong timog at nagiging malalim naman patungong kanluran.

Ang lawa ay sanga-sanga ng apat na ilog. Ang tanging labasan nito ay ang Ilog ng Agus,na dumadaloy patungong Timog-Kanluran ng Look ng Iligan na may dalawang daluyan,ang unang daloy ay mula sa taas ng Talon ng Maria Cristina at ang pangalawang daloy naman ay mula sa Talon ng Linamon. Ang Plantang Hidroelektriko na inatayo sa Lawa ng Lanao at Ilog ng Agus ay lumilikha ng pitumpung porsyento (70% ) ng elektrisidad sa boung Mindanaw.

Ang lawa ay tirahan ng mga alamat at mitolohiyang mula sa tribo ng Maranaw. Ang Maranaw ay hinango mula sa pangalan ng lawa na ang ibig sabihin ay "mga taong nakatira sa palibot ng lawa".

Ang lawa ng Lanao ay naiproklamang isang nakareserbang saluhang ulan noong 1992 sa bisa ng Proklamasyon ng Pangulo bilang 971 para masigurong maprotektahan ang kagubatan at ang tubig ng lawa na pinagkukunan ng hidroelektrisidad, irigasyon at gamit pangtahanan.

Ang lawa ay tahanan ng labing-walong (18) uri ng isdang endemiko sa espesyeng cyprinid (sa sari ng Cephalakompsus, Mandibularca, Ospatulus at ng Puntius) na sumusuporta naman sa malaking bilang ng mga ibong lumalangoy (waterfowl).[1]Sa ginawang pagsusuri noong 1992 tatlong espesye lamang ng endemikong isda ang matagampay na natagpuan. Pinaniniwalaang dahil sa pagmamalabis na pangingisda,polusyon at ang kompetisyon mula sa mga espesye ng isdang dayuhan ang naging sanhi ng pagkaubos ng iba pang uri nito.[2][3][4]Noong Octobre 2006, isang pag-aaral mula sa Pamantasang Estatal ng Mindanao ang nakatuklas ng malalawak na kontaminasyon sa lumot mula sa Lawa ng Lanao .[5]Sa una ay, sa mahihinang klaseng padaluyan (sewage) at sa pangangasiwa ng mga duming pang-agrikultura ang nakikitang may dulot ng kontaminasyon. Subalit,ayon sa pahayag ng Kagawaran ng Pagsasaka at Kawanihan ng mga Palaisdaan at mga Yamang-tubig ang suliran sa kontaminasyon sa lumot ng lawa ay mula sa pagguho o erosyon mula sa walang habas na pagpuputol ng puno at malawakang pagbungkal ng lupa para pagtamnan.

Ang alamat ng Maranaw ay tumukoy sa pagkakabuo ng lawa.[1][6] Ayon sa alamat isang pangkat ng mga anghel sa pamumuno ni Arkanghel Gabriel ang naglikas sa malaking populasyon mula sa Mantapoli para mailigtas mula sa pagkawasak ng daigdig.Ang butas na naiwan ay napuno ng tubig at nagbabantang palubugin pa ang natitirang bahagi ng mundo. Bilang pagtungon,humingi ng saklolo ang mga anghel sa Apat na Hangin (Four Winds) para gumawa ng daluyan ng tubig. Ang malaking butas ay ang lawa ng Lanao at ang ginawang daluyan naging Ilog Agus.

Mga sanggunian

[baguhin | baguhin ang wikitext]
  1. 1.0 1.1 1.2 "Lawa ng Lanao". Inarkibo mula sa orihinal noong 2009-01-03. Nakuha noong 2013-06-25.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  2. Endangered Species Handbook:It's Too Late – Fish Extinctions. Retrieved 29 September 2012
  3. Fiedler, P.L., and P.M. Kareiva, eds (1998). Conservation Biology - For the Coming Decade, 2nd edition, p. 211. ISBN 978-0412096617
  4. Harrison, I.J., and M.L.J. Stiassny (1999). The Quiet Crisis. A preliminary listing of the freshwater fishes of the world that are Extinct or “Missing in Action". pp. 271-331 in: MacPhee, R.D.E., eds. (1999). Extinctions in Near Time. ISBN 978-0306460920
  5. Panganib sa Kontaminadong Lawa ng Lanao[patay na link]
  6. "Paano Binuo ng Anghel ang Lawa ng Lanao". Inarkibo mula sa orihinal noong 2020-02-20. Nakuha noong 2013-06-25.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)

Panlabas na kawing

[baguhin | baguhin ang wikitext]

Padron:Lawa ng Pilipinas Padron:Dam ng Pilipinas

--Wendell056 (makipag-usap) 14:59, 26 Hunyo 2013 (UTC)