Pumunta sa nilalaman

Lawa ng Titicaca

Mula sa Wikipedia, ang malayang ensiklopedya
Ang Lawa ng Titicaca mula sa dalampasigan ng Bulibya.
Ang Lawa ng Titicaca sa tanawing pangsatelayt. Ang Hilaga ay nasa kanan.

Ang Lawa ng Titicaca ay isang lawa na makikita sa hangganan ng Peru at Bulibya. Ito ay nasa 3,812metro (12,500 talampakan) sa itaas ng lebel ng dagat, kaya isa ito sa mga pinakamataas na lawang puwedeng mpaghanapbuyahan at napapakinabangang lawa sa buong mundo.[1] Sa bolyum, ito rin ang pinakamalaki sa Timog Amerika.[2][3]

Pangkalahatang-ideya

[baguhin | baguhin ang wikitext]

Ang lawa ay makikita sa hilagang dulo ng basin ng Altiplano sa Andres sa hangganan ng Peru at Bulibya. Ang kanlurang bahagi ay makikit sa Rehiyong Puno ng Peru, at ang silangang bahagi ay nasa Kagawaran ng La Paz sa Bulibya.

Ang lawa ay may dalawang halos na magkahiwalay na sub-basin na dinudugtong ng kipot ng Tiquina na may 800metro (2,620 talampkan) sa pinakamakipot itong bahagi. Ang mas malaking basin, ang Lago Grande (tinatawag ding Lago Chucuito) ay may lalim na 135metro (443 talampakan) at may pinakamalalim na lalim na 284metro (932 talampakan). Ang mas maliit na sub-basin, ang Wiñaymarka (tinatawag ding Lago Pequeño, "maliit na lawa") na may lalim na 9metro (30 talampakan) at ang pinakmalalim na lalim na 40metro (131 talampakan).[4] Ang avreage na lalim ng lawa ay 107metro (351 talampakan).[5]

Ang pinagmulan ng pangalang Titica ay hindi pa alam. Ito ay isinalin bilang "'Rock Puma", marahil dahil maypagkakamukha ito sa hugis ng puma na humuhuli ng kuneho, pagsasama ng mga salita mula sa mga lokal na wika Quechua at Aymara, at isinalin bilang "Crag ng Lead." Sa lokal na lugar na ito, ang lawa ay may maraming ga pangalan. Dahila ng timog silangang bahagi ng lawa ay nakahiwalay sa isa pa (pinagdudugtong lamang ng Kipot ng Tiquina), ang mga taga-Bulibya ay tinatawag ito bilang Lago Huiñaymarca (Quechua: Wiñay Marka) at ang mas malaking parte bilang Lago Chucuito. Sa peru, ang mas maliit na bahagi ay tinatawag na Lago Pequeño at ang mas malaki bilang Lago Grande

Ang lawa ay may anim na prominenteng pulo: Uros, Amantani, Taquile, Isla del Sol, Isla de la Luna at Suriqui.

Transportasyon

[baguhin | baguhin ang wikitext]

Isang ferry ang nagdudugtong na 1435mm gauge railway ng Peru sa Puno sa 1000mm gauge railway ng Bolivia sa Guaqui.

Ginagamit ng Bolivian Naval Force ang lawa para magsagawa ng mga naval excersises, para mapanatiling aktibo ang hukbong pandagat, sa kabila ng napapaligiran ng tubig.

Isang kalahating asing lawa sa Beneswela, Ang Lawa ng Maracaibo ay ang tanging anyong tubig sa Timog Amerika na mas malaki sa Titicaca, sa mahigit kumulang na 13,000 square kilometres (5,000 sq mi).

Ang lawa ay tinatag bilang isang Ramsar site (8,000km2) noong 26 Agosto 1998.

Mga sanggunian

[baguhin | baguhin ang wikitext]
  1. Drews, Carl (13 Setyembre 2005). "The Highest Lake in the World". Inarkibo mula sa ang orihinal noong 2007-08-24. Nakuha noong 2006-12-02.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  2. Grove, M. J., P. A. Baker, S. L. Cross, C. A. Rigsby and G. O. Seltzer 2003 Application of Strontium Isotopes to Understanding the Hydrology and Paleohydrology of the Altiplano, Bolivia-Peru. Palaeogeography, Palaeoclimatology, Palaeoecology 194:281-297.
  3. Rigsby, C., P. A. Baker and M. S. Aldenderfer 2003 Fluvial History of the Rio Ilave Valley, Peru, and Its Relationship to Climate and Human History. Palaeogeography, Palaeoclimatology, Palaeoecology 194:165-185.
  4. Dejoux, C. and A. Iltis (editors) 1992 Lake Titicaca: A Synthesis of Limnological Knowledge. 68. Kluwer Academic Publishers, Boston.
  5. "Data Summary: Lago Titicaca (Lake Titicaca)". International Lake Environment Committee Foundation - ILEC. Inarkibo mula sa ang orihinal noong 2012-10-18. Nakuha noong 2009-01-03.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)

Mga kawing panlabas

[baguhin | baguhin ang wikitext]