Lawa ng Volta
Ang Lawa ng Volta (nasa 6°30′N 0°0′E / 6.500°N 0.000°E) ay ang pinakamalaking imbakan ng tubig sa buong mundo ayon sa area o lawak ng kalatagan, at ang pang-apat ayon sa bolyum o bulto ng tubig. Matatagpuan itong buo sa loob ng bansang Ghana, at mayroon itong area ng kalatagan na may 8,502 km² (3,275 mga milya kuwadrado). Nakahimlay ang Lawa ng Volta sa kahabaan ng Meridyanong Greenwich, at anim na degri lamang ng latitud sa hilaga ng ekwador. Malapit sa bayan ng Yapei ang pinakahilagang dulo ng lawa, at nasa Saplad ng Akosombo ang pinakakatimugan nito, 520 mga kilometro pababa mula sa Yapei. Pinananatili ng Saplad ng Akosombo ang kapwa Ilog ng Puting Volta at ang Ilog ng Itim na Volta, na dating naging magkatagpo, kung saan nakahimlay ang gitna ng imbakan ng tubig, upang bumuo sa nag-iisang Ilog ng Volta. Dumadaloy ang pangkasalukuyang Ilog ng Volta mula sa mga labasan ng tubig ng pinagmumulan ng puwersa ng saplad o prinsa at mula rin sa mga kanal na daanan ng umaapaw na tubig papunta sa Karagatang Atlantiko sa pinakatimog ng Ghana.
Ang lathalaing ito na tungkol sa Heograpiya at Ghana ay isang usbong. Makatutulong ka sa Wikipedia sa pagpapalawig nito.