Pumunta sa nilalaman

Lazar ng Serbiya

Mula sa Wikipedia, ang malayang ensiklopedya
Lazar
Prinsipe
Autocrator ng lahat ng mga Serbiyo
Larawan ni Prinsepe Lazar sa Monasteryo ng Ravanica (1380s)
Paghahari1373–1389
Buong pangalanLazar Hrebeljanović
SerbiyoЛазар Хребељановић
Kapanganakanca. 1329
Lugar ng kapanganakanMuog ng Prilepac malapit sa Novo Brdo, Kosovo, Kaharian ng Serbiya
Kamatayan15 Hunyo 1389
Lugar ng kamatayanKosovo Polje
PinaglibinganMonasteryo ng Ravanica
KahaliliStefan Lazarević
Konsorte kayMilica
SuplingMara, Dragana, Teodora, Jelena, Olivera, Stefan, Vuk
DinastiyaDinastiyang Lazarević
AmaPribac Hrebeljanović
Mga paniniwalang relihiyosoSerbian Orthodox Christianity

Si Prinsipeng Lazar Hrebeljanović (Serbiyong Siriliko: Лазар Хребељановић; ca. 1329 – 15 Hunyo 1389) ay isang medyebal na Serbiyong mamamahala, na lumikha ng pinakamalaki at pinaka malakas na estado sa teritoryo ng gumuhong Imperyong Serbiyo. Ang estado ni Lazar, kilala sa historyograpiya bilang Morabyang Serbiya ay binuo ng mga basin ng Dakilang Moraba, Kanlurang Moraba, at Timog Moraba. Namahala si Lazar mula 1373 hanggang sa kanyang kamatayan sa 1389. Ang pampulitikang programa ni Lazar ay ang pagpapakaisa ng mga gumuhong Serbiyong estado sa ilalim niya bilang ang direktang kahalili ng Dinastiyang Nemanjić, na natapos sa 1371 matapos ang dalawang siglo ng pamamahala sa Serbiya. Buong-pusong sinuportahan ng Serbiyong Simbahan si Lazar sa programa na ito, ngunit hindi siya kinilala ng mga makapangyarihang Serbiyong maharlika bilang kanilang kataas-taasang pinuno.

Sa Labanan ng Kosovo sa 15 ng Hunyo 1389, si pinangunahan ni Lazar ang hukbong humarap sa isang napakalaking lumulusob na hukbo ng Imperyong Otomano na pinamunuan ni Sultan Murad I. Parehong napaslang sina Prinsipe Lazar at Sultan Murad sa labanan.

Usbong Ang lathalaing ito ay isang usbong. Makatutulong ka sa Wikipedia sa pagpapalawig nito.