Le Corbusier
Le Corbusier | |
---|---|
Kapanganakan | Charles-Édouard Jeanneret-Gris[1] 6 Oktubre 1887 La Chaux-de-Fonds, Switzerland |
Kamatayan | 27 Agosto 1965 Roquebrune-Cap-Martin, France | (edad 77)
Nasyonalidad | Swiss, French |
Parangal | AIA Gold Medal (1961), Grand Officiers of the Légion d'honneur (1964) |
Mga gusali | Villa Savoye, Poissy Villa La Roche, Paris Unité d'habitation, Marseille Notre Dame du Haut, Ronchamp Buildings in Chandigarh, India |
Mga proyekto | Ville Radieuse |
Si Charles-Édouard Jeanneret (6 Oktubre 1887 – 27 Agosto 1965), kilala bilang Le Corbusier (Pranses: [lə kɔʁbyˈzje]), ay isang Suwisong-Pranses na arkitekto, designer, pintor, urban planner, manunulat, at isa sa mga tagapanguna ng tinatawag na ngayong modernong arkitektura. Ipinanganak siya sa Switzerland at naging isang mamamayang Pranses noong 1930. Ang kanyang karera ay tumagal ng limang dekada, at nagdisenyo ng mga gusali sa Europa, Hapon, India, at Hilaga at Timog America.
Nakatuon sa pagbibigay ng mas mahusay na kondisyon para sa residente ng mga mataong lungsod, Le Corbusier ay naging maimpluwensiya sa urban planning, at naging isang miyembrong tapagtatag ng Congrès International d'Architecture Moderne (CIAM). Inihanda ni Le Corbusier ang punong balak para sa lungsod ng Chandigarh sa India, at nagbigay ng mga tiyak na disenyo para sa ilang gusali doon.
Noong 17 Hulyo 2016, labimpito proyekto ni Le Corbusier sa pitong bansa ay itinala sa listahan ng UNESCO World Heritage site bilang The Architectural Work of Le Corbusier, an Outstanding Contribution to the Modern Movement ("Gawang Arkitektura ni Le Corbusier, Isang Namumukod na Kontribusyon sa Modernong Kilusan").[2]
Mga sanggunian
[baguhin | baguhin ang wikitext]- ↑ Ministère de la Culture et de la Communication, Archives nationales; site de Fontainebleau, Légion d'honneur recipient, birth certificate. Culture.gouv.fr. Retrieved on 27 February 2018.
- ↑ "The Architectural Work of Le Corbusier, an Outstanding Contribution to the Modern Movement". Nakuha noong 14 Oktubre 2016.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link)